waiting...

292 12 7
                                    

Love, is waiting...

Ang nagmamahal ay parang isang taong may pupuntahan ngunit may kasama siya kaya kailangan niya itong hintayin.

Iba-iba ang klase ng taong naghihintay...

May mga taong pagkadating sa lugar at titingin sa paligid at hahanapin ang kasama niya at kung wala naman ay tsaka lang siya uupo at maghihintay...

Meron namang maglilibot muna kapag wala pa ang kasama...

Ang iba ay magpapa-late talaga para lang wag maghintay at siya ang hintayin...

Meron ding mga taong nagkakasalisi. Kung kelan napagod na ang isa sa kahihintay sakanya tsaka naman siya darating at aakalaing hindi siya sinipot ng kasama niya...

May mga tao pa ngang naghihintay kahit walang kasiguraduhan na dadating ang kasama niya...

Meron pa nga, pupunta lang para sabihin hindi siya makakasama...

Merong hindi na kailangan maghintay dahil naroon na ang kasama niya...

Meron din na, nakakadalawa o higit pang balik para lang matuloy ang lakad nila. It's either mabigo siya ulit o maging worth it ang pagbalik niya...

Meron pa. Yung mga taong habang naghihintay ay makikita ang taong talagang makakasama niya dahil hindi makakapunta yung isa...

Pero meron din namang pagkakataong  pagkadating sa tagpuan nila ay uupo nalang sa isang tabi at dun maghihintay. 

.

.

.

.

Minsan sa ganitong sitwasyon ang taong hinihintay mo ay nasa kabilang tabi at naghihintay din. 

Ibig sabihin parehas lang kayong naghihintayan.

Boring... =_= Bakit ba kasi naisipan nanaman ni Melody na pagbasahin ako ng ganitong libro? Idadamay pa ko sa pagbabasa, tsk

" Psssst! Melody " -ako

" Bakit? " - Melody

" Ayoko na nito. Alis na ko. Genius mga nandito. "

" Bahala ka nga. "

Lumabas na ko ng library.

Ako nga pala si Angelooz. Wag nga kayo! Kahit ako nagtataka sa pangalan ko noh! Hindi naman kasi ako mukang anghel at mas lalong hindi ugaling anghel, At lalaki ako =_=.

Yung kasama ko kanina? Si Melody. Halata naman siguro kanina nung tinawag ko siya noh?

Ano ko siya? Hmmm?? Classmate slash Teacher slash Barkada slash Bestfriend slash  girlfriend.

Don't get me wrong! BAbaeng kaibigan ko siya, yun yon period!! Hindi ko nga alam kung bakit babae naging bestfriend ko eh. Ang alam ko lang, mahal ko siya ng higit pa sa pagiging kaibigan. Hindi ko naman gustong masira ang pagkakaibigan  namin kaya hindi ako nagcoconfess sakanya. Hihintayin ko nalang siyang mahalin ako. Kung mangyayari man yun, ako na pinakamasayang tao sa buong milky way galaxy.

--

" Angelooz!! Alam mo na ba? huh? "

Pagsalubong niya sakin na animoy nanalo sa lotto sa sobrang pagkaexcite.

" Oo alam ko na. Sinabi mo na nga sakin eh. " I told her sarcastically

" Corny! Ay nga pala, eto na new ko sayo. "

sHorT sTories ^_^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon