TEEJAY

250 4 0
                                    


First Anniversary na namin ni HIV. Parang kelan lang na nadepressed ako, umiyak, gumuho ang mundo, nagmukmok, nagself-hate at self-pity, nag-isip na kung anu-ano, nakaramdam ng disappointment at pagkadegrade ko sa sarili ko. Yung time na ang tanging naiisip ko lang ay malapit na akong mamatay. Paano ang future ko? Paano ang Nanay ko? Ilang years, months, weeks, days na lang ang natitira sa buhay ko? Yung araw na pagbukas ko ng isang papel galing sa loob ng isang puting sobre tumatak ang naka bold letters na salita.

"POSITIVE"

Yung araw na una akong iniyakan ng kuya ko at naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Yung unang yakap galing sa kanya na nagsasabing di kita pababayaan. Yung akbay sa balikad na puno ng seguridad na hindi niya  iiwanan. Yung araw na nakita kong umiyak sa tindi ng sakit ang Nanay ko. Yung araw na sinira ko ang ambitions niya para sa akin.

Ito din ang araw kung saan bumalik loob ako sa Panginoon. Ang araw na napuno ng pananampalataya at bumalik sa Kanya. Ang araw na nag-umpisa ang pinakamalaking hamon sa buong buhay ko. Ang araw kung saan hinarap ko ang sitwasyon ko na puno ng tapang. Ang araw na sinabi ko

"I am an HIV-POSITIVE and I am a fighter."

Ang araw na lutang ako.
Wala akong ibang maisip kundi ang kalagayan ko.
Ang araw na lalong nag-open ako sa mga kapatid ko.
Ang araw na tinanggap ako ng mga kapatid ko kung ano ako at kung ano meron ako.
Ang araw na niyakap ako ng mga kaibigan ko at naging PSG ko against discrimination.

One year na. And I thank God that I am still here. Fixing the shattered pieces of my broken dreams and aspirations. Giving help to People Living with HIV as part of my advocacy. Fighting, dealing, defeating and dominating this virus inside my body. And most of all, living my HAPPY and NORMAL life. 😊

BLOOD BROTHERS (BOYXBOY) Where stories live. Discover now