Para kay "MYLO"
-Pulang SundaloSiya yung taong tinuring kong "EVERYTHING".
Di ko manlang naisip na sya ay mawawala...
Mawawala sa aking piling!
Nagulat nalang ako isang araw sa aking pag-gising,
Si "MYLO" sa iba na nahuhumaling.Sya yung taong tinawag kong "My Love".
Kasi ang sabi nya "your everything that i have!".
Pero noong ako'y naospital isip nya ay bumaliktad
Presensya nya ay nawala,
Di ko alam saan na napadpad.Ito palang si "mylo" may CLANdiang itinatago,
Nang aking malaman mundo ko ay biglang gumuho.
Tiniis ko ng ilang taon kanyang kasinungalingan.
Pag dududa ko daw ay walang basihan.Siya daw ay walang ibang nilalambing.
Dahil masaya raw siya saaking piling.
Dumating ang araw na aking kinatatakutan.
Nilisan na nya ako ng walang paalam.Ilang taon din ang lumipas bago ko nalaman.
Ito palang si #MyLo ay may dinaramdam.
Isang suliranin na kahit saakin ay ayaw ipaalam.
Ilang taon pa ang muling lumipas. Namayapa na pala itong hinayupak
Ngayon uod na ang sa katawan nya ay pumapapak.Bago pala maging kami sya na ay may sakit.
Dahil sa clan kung kanikanino sya nagpapagamit.
Sa takot nya na sya ay aking itatwa at pagtawanan,
Aba si GAGO hindi saakin pinaalam.Di ko naman sya itatakwil kung aking malaman.
Edi sana hanggang ngayon sabay kaming lumalaban.
Wala na akong magagawa,
Kailangan kong ituloy ang aking buhay.Buhay na di sinukuan ng aking mga kamag-anak.
Ginawa ko itong munting sulat,
Para ipaalam sa inyong lahat.
Bago ibigay ang matamis na "OO".
Kilalanin muna sila ng totoo.Ayaw kong makakilala kayo ng isang #mylo.
Isang mylo na magiiwan ng lamat sayong pagkatao.
Na magiging dahilan upang kayo ay itatwa ng mundo.
Isang maliit na advise bago matapos ang sulat.
Know your status bago mawalan ng ULIRAT.Mas masarap mabuhay ng walang bumabagabag.
Kaya magpatest na bago mahuli ang lahat.
At sa mga kagaya ko na mayroon ng karamdaman.
Wag ka ng umiyak kasama mo akong lalaban.Para kay "MYLO" saan ka man naroon.
Maraming salamat at tinuruan mo akong bumangon.
Pinatawad na kita, wag mo na akong multuhin.
Pipilitin kong maging inspirasyon sa kagaya ko.
Para sa kanilang laban ay di sumuko.#huwadnaMyLo #loveyourself #endstigma #laban #kasamamoako
YOU ARE READING
BLOOD BROTHERS (BOYXBOY)
Short StoryWhat is HIV? What is AIDS? HIV (human immunodeficiency virus) is a virus that attacks the immune system, the body's natural defense system. Without a strong immune system, the body has trouble fighting off disease. Both the virus and the infection i...