Chapter 3

73 4 3
                                        

Nicole - December 31, 2011, 8:51 PM - Suarez Residence, Calapan, Mindoro

Ilang oras na lang at bagong taon na. Isang taon na naman ang nakalipas. Panibagong taon na naman na puno ng hamon, na puno ng mga pagsubok. Ano nga bang magagawa ko? Kailangan ko lang namang sumabay sa agos.

Nakaupo ako sa terrace, nakatingin sa kalangitan.

Bakit kaya walang mga stars ngayon?

Bata pa kami nila Migs at Alvin. Madalas kaming tumambay dito sa amin. Dun sa bakuran namin, sa may damuhan. Madalas kaming humiga doon tapos titingin kami sa langit. Madalas nga kaming mapagalitan dahil nakakatulog na kami doon eh. Tapos magkakasakit kami kasi mahahamugan kami.

“Alvin! Migs! May shooting star!”

“Saan?”

“Niloloko mo lang kami Kulit eh. Kung anu-anong nakikita mo. Gutom lang ‘yan!”

“Kasalanan mo naman kasi Alvin kung bakit nagugutom si Kulit eh. Inubos mo yung fired chicken na luto ni tita Renee kanina.”

“Hindi ‘no!”

“‘Wag kayong magulo! Lalabas ulit ‘yun. Hmmm.”

“Wala naman eh.”

“Oo nga, wala.”

“Ayun, ayun! Meron pa!”

Nasaktuhan ko yung shooting star. Kaagad akong na-attract.

“Wow…”

“Diba kapag nakakita daw ng shooting star, dapat mag-wish? Sabi mo sa akin ‘yun dati Migs eh.”

“Oo nga.”

“Talaga? Alvin, Migs, tara mag-wish pala tayo!”

Pinikit ko ang mata ko at humiling.

“Kulit, tapos ka na mag-wish?”

“Oo. Ikaw Migs?”

“Oo. Eh ikaw Alvin?”

“Oo ah! Ako nga nauna eh!”

“Talaga? Ano pala wish mo?”

“Ako? Gusto kong makakita ng babaeng magmamahal sa akin at magiging asawa ko! Hahaha!”

“Yuck! Kadiri ka naman Alvin!” sigaw ko sa kanya.

“Eh ikaw Kulit, anong wish mo?”

“Ako? Basta!”

“Ang daya naman. Eh ikaw Migs?”

“Secret!”

“Ang dadaya niyo!”

“Nicole!”

Lumingon ako at nakita si Jane sa gate. Kasama niyang pumasok si Levi. May dala-dala silang tupperware. Lumapit ako sa kanila.

“Oh, akala ko hindi na kayo pupunta eh!”

“Kami pa? Ito nga pala, bigay ni Mommy. Kaldereta.” abot ni Jane sa akin ng lalagyan.

“Uy, salamat.”

Tumahimik bigla. Nakita ko sa mga mata ni Jane na may bagay siyang tinatago sa akin. Tinignan ko si Levi at nakapatong sa mukha niya ang napakalaking ngiti.

Shooting Star (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon