One - You'll be dead

82 4 6
                                        

Dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko kaya naman agad akong napatingin sa may labas.

Doon ay nakita ko siyang naglalakad dala dala ang mga gamit nya.

May mga ngiti sa labi nya habang tinatahak ang corridor namin na noo’y dagsaan na ang tao na naghihintay para sa next class nila.

Kasama nya yung mga kaibigan nya at malamang sa malamang ay kakagaling lang nila sa cafeteria

“THIRD!!”pero napabaling ang pansin ko sa lalaking kaharap ko na ngayon.. tss si Bernard.

“o-oh?!”

“tangna naman tol kanina pa ko natawag sa iyo ditto. Sus, kaya naman pala dumaan na naman si Alyssa.Umaksyon ka na kasi, para kang tuod kakatingin dun. Puro ka na lang sulyap, ligawan mo na! pabagal bagal pa toh, bading ka ba?”

“g@go! bakit na naman ba?”

“dismissal na.. tara dota.”

“tss.. jan ka magaling.”

“oh ano?!”

“hindi ako pwede, uuwi ako ng maaga ngayon.”

“wew! Grounded ka tol? Ano ka HS?..”

“hindi, tatapusin ko pakasi yung report ko sa macro.”

“ayt! Tangna!” sabi nito sabay hampas sa noo nya.

“buti na lang nasabi mo yan, hindi pa ko nakakagawa eh. Kelan nga ba pasahan nyan?”

“next next day.”

“ah shit! Sige pareng Jev alis na ko.”

“sige tol.”

g@go talaga yung  ungas na yun. Lakas magyaya mag Dota hindi pa naman pala nakakagawa.

Mabilis na niligpit ko yung gamit ko at lumabas ng room.pero bago pa man ako tuluyang maglakad palabas ng building ay sumulyap muna ako sa dinaanan kanina ni Alyssa.

Baka kasi nakatambay pa yun sa corridor.

Pero dahil sa dami ng taong nasa corridor kahit ata hibla ng buhok nya hindi ko Makita.

Fuck naman na mga taong toh. Sarap pagtitirisin eh.

Naglakad na lang ako palabas ng Univ namin. At dahil malapit lang ang bus station sa Univ ay nakarating agad ako dun. Dahil sa hapon na nun kaya naman inabutan na ko ng tayuan.

Shit naman talaga..

Mabilis na napuno yung bus at umalis na ito. Dahil sa nakatayo na lang din naman ako ay doon ako pumwesto sa may unahan. Dun kasi ako sa may mall na baba dahil may dadaanan pa ko dun at may bibilhin sa national book store.

Hindi naman ganun ka traffic kaya naman nakarating kami sa next bus stop which is yung mall nga.

Bumaba na ako at dumiretso na sa national book store.

Habang palakad ako papunta doon ay hindi sinasadyang nakabangga ko ang isang babae.

“ah, miss a-ano sorry.”

Pero laking gulat ko na lang nung tumingin siya sa akin ay siyang pagbagsakan ng mga luha sa mga mata nya.

Takte!

Umiyak?!

“hala! Miss! Hindi ko naman sinasadya, wag kang umiyak.”

Pero hindi pa rin sya tumigil. Sa halip ay tuloy tuloy yung pagpatak ng mga luha nya.

Stay ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon