"So how did you meet my son?" tanong ng daddy nya. Kasabay namin magbreakfast e. Eto, iniinterview ako."Hmm. I met him uhmm.." Anak ng manok ano bang sasabihin ko?
"Uhm Dad, I was ultimate crush. Until she confessed her love to me. Nung una nga ayoko sa kanya e. Pero dahil nga sa sobrang effort nya minahal ko na rin sya" sabat ng kupal na si Adrienne.
Napakagaling naman talagang gumawa ng kwento ng kupal na 'to. Pinalabas pa sa tatay nyang obsessed ako sa kanya.
"Oh.. What a cute story hahaha" Daddy nya.
Tiwalang tiwala naman sya dito sa anak nya. Psh.
"You know what Hija? You're a lucky one"
What? Ako? Lucky? Isa din na joker 'to e. Swerte pa ko sa lagay na 'to ah?
"Eh? Bakit po?" tanong ko
"Sa lahat kasi ng babae na inuwi nya dito. Ikaw lang ang pinakilala nya sakin" sagot ng dad nya.
"So, fckbo--- Uhmm hahaha ano, gwapo kasi ng anak nyo e" napakamot ako sa ulo. Sht muntik na yun ah.
Totoo naman kasi na fckboy sya. Kung sino-sino na pala nauwi dito.
"By the way, saan ka nag-aaral?"
"Jazzmine University" sagot ko naman.
"Pero Dad, she's going to transfer in my school"
"What?!" gulat na sabi ko. Pati ba naman school? Tiningnan lang ako ng kupal
"Oh really? When?"
"Well, we're going to fix her papers later"
"Well that's good. If you're going to study in the same school, mas mababantayan nyo ang isa't-isa"
Nilakihan ko sya ng mata sabay sipa ng mahina sa binti nya. Napatingin naman sya sakin "What?" he mouthed
"Ano nanamang kalokohan 'to?" bulong ko.At si gago nginitian lang ako.
***
"Francine Alshey Rias" napalingon ako sa kanya. Pano nya nalaman ang buong pangalan ko
"Stalker ba kita?" inis na tanong ko habang nagtutupi ng damit ko
"Alam mo FNF ka no?" natatawang sabi nya.
"FNF? Ano yun?"
"Flat na feeler!" Sagot nya sabay hagalpak ng tawa habang nakahawak sa tyan nya.
"Fck you!" sigaw ko sabay bato ng sinturon sa kanya. Kaso di tumama. Hays badtrip!
"Flat na nga duling pa. Kawawa ka naman" pang-aasar pa nya
"Ewan ko sayo! Bahala ka dyan" inirapan ko sya sabay tayo palabas ng kwarto nya. Ayun. Iniwanan ko sya sa kwarto na tawa ng tawa.
Naglibot ako sa buong mansion nila. Hanggang sa nakarating ako sa labas. Ay hindi pa pala 'to labas garden palang ata.
I saw a man walking towards me. Kaibigan yata 'to ni Adrienne.
"Hi. Where's Tito?" tanong nya sakin
"Bakit? Sino ka ba?" tanong ko din sa kanya.
"Adrienne's cousin"
Oh. I see.
"Yung papa ba nya hinahanap mo?" tanong ko. He just nodded.
"Nandun ata sa office nya"
Papasok na sana sya ng bigla syang tumingin ulit sakin.
"Uhmm. What's your name? Kasi ngayon lang kita nakita dito" he asked.
BINABASA MO ANG
Saved to be Married.
Teen FictionMeeting you is an accident. Falling in love with you is a choice.