"Uhmm.. Ingat ka" sabi ko kay Adrienne nang ihatid ko sya palabas."Para sa'yo" ngiting saad nya sabay kindat.
Tss.
"Yung mga gamit ko. Pakidala nalang ha?"
"Sure. Dadalhin ko kaagad dito bukas"
Sumakay na sya ng kotse nya.
"Mamimiss kitang katabi" sabi ko. Pero syempre joke lang haha! Sa isip ko lang yun.
Pinaharurot na nya ang kotse. Pinagmasdan ko nalang sya hanggang sa tuluyan na syang mawala sa paningin ko.
Medyo nakaramdam naman ako ng lungkot. Si Papa kasi nagdecide na dito na daw ako ulit. Mamimiss ko din yung tarantadong 'yon.
Pumasok na ko sa loob ng bahay. Nakita ko si Papa sa sala. Wala ba syang balak pumasok sa trabaho?
"Pa, akyat na ko sa kwarto" walang ganang sabi ko. Paakyat na sana ko pero tinawag nya ko.
"Yes po?" Nilingon ko sya
"About Adrienne.. He looks nice huh?" Nakangiting sabi nya.
"But of course. Kailangan dumaan muna sya sa'kin bago sa'yo" makahulugan syang ngumiti. He grabbed his suitcase then he left.
***
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
Nakauwi na kaya yung mokong na yun?
Should I text him?
No no no. Assumero yung lalaking yun. Baka sabihin masyado akong nagaalala sa kanya kahit hindi naman.
Pero sige, itetext ko na sya.
"Hoy kupal, nakauwi ka na?"
Text ko sabay lapag ng phone ko sa tabi ko.
Nakakapagod 'tong araw na 'to. Matutulog nalang ako.
***
"Ma'am Shey?"Napadilat ang mata ko sa kumakatok.
"Come in!" walang ganang sabi ko. Pumasok naman yung maid namin. Si Carla.
3 months palang samin si Carla, so far okay naman siya.
May dala syang breakfast. Lumapit sya at nilapag yon sa mesang katabi ng higaan ko.
"Thanks Carla" sagot ko lang. Ngumiti lang sya at lumabas na ng kwarto.
I checked my phone.
Wala pa ring reply si Adrienne. Bahala sya. Edi wag syang magreply. Wag na din nya kong kakausapin.
Ako na nga 'tong concern sa kanya. Bwisit!
Bumangon na 'ko para kumain. Pero parang wala akong gana. Pero syempre kailangan ko pa ding ubusin 'to.
"Hon!"
Halos mabuga ko yung kinakain ko sa biglang pumasok ko sa kwarto ko.
"What are you doing here?" iritableng tanong ko
Lumapit naman sya at umupo sa gilid ng kama ko
Ang kapal neto ha? Tinaasan ko sya ng kilay "Sinong nagsabi sa'yong pwede kang pumasok at umupo sa kama ko?" pagtataray ko sa kanya.
"Bakit ang sungit mo? Ang aga aga e. Sige ka lalo kang papangit nyan" pang-aasar pa nya.
"Alam mo, kung pumunta ka lang dito para mang-asar, makakaalis ka na"
BINABASA MO ANG
Saved to be Married.
Teen FictionMeeting you is an accident. Falling in love with you is a choice.