4

49 4 4
                                    

Hi eelyyk :)

***

Nasa kotse na kami ngayon, pauwi na kami e. Kanina ko pa sya hindi kinakausap ng maayos. Ewan ko ba, naiinis pa rin ako.

"Meron ka ba ha?" tanong nya.

Porket ba nagsusungit meron agad?

"Wala. Tsaka ano bang pake mo kung meron?"

"Eh ano ba kasing nangyari? Kanina ka pa, ang sungit mo".

Hininto na nya yung kotse. Nandito na kasi kami. Bumaba ako agad at dumiretso sa loob.

"Hey! Hintayin mo nga ko!" sigaw nya pero di ko sya pinansin.

Pasara na sana yung elevator nang pigilin nya 'to gamit ang kamay nya. Bumuntong hininga sya bago pumasok.

Ang tahimik. Pareho kaming hindi nagsasalita.

Nakarating nalang kami pareho sa kwarto nya pero di pa rin kami nagpapansinan.

Tinabi ko na yung mga gamit ko. Dumiretso ako ng CR para maghilamos. Paglabas ko...

"Ano ba? Magdamit ka nga!" sigaw ko kay Adrienne nang nakagilid ang ulo ko. Ayokong tumingin sa katawan nya no.

Narinig ko ang mahinang tawa nya "Why? First time to see abs?"

Tss. Ang yabang talaga.

"As if naman meron" sabi ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya.

"Take a look of it"

"Ayoko"

"Please Hon?"

"Fck you magdamit ka"

"Mainit"

"Ang lamig kaya"

"Painitin kita?"

"Gago!" sigaw ko sabay tingin sa kanya.

Napalunok ako. Damn. Bakit ang hot nya sa paningin ko?

No no no Shey. Nadala ka lang siguro ng lamig sa kwarto nya. Ang lakas kasi ng aircon.

"Enjoying the view?"

Sht. Nakatitig pala ko sa katawan the heck!

"Enjoy mo your face!" sabi ko sabay irap

Ang gago naman ngising ngisi.

Naupo ako sa kama. Bale likod nalang nya yung kita ko. Humarap sya bigla sakin

"Let's count Hon" nakangisi sya habang nakatingin sa akin tapos yung daliri nya nakaturo sa... Okay sa abs nya.

"Count ka mag-isa" sabi ko sabay higa. Tinabihan naman nya ako.

"Ano ba kasi problema?"

"Wala"

Niyakap nya ako.

"Ano ba Adri---"

"Shh"

"Bitaw" mahinang sabi ko habang pilit na kumakawala sa kanya.

"No"

"Ano ba?"

"Wag ka na magalit Hon please?"

"Ewan ko sayo. Dun ka nalang sa ex-girlfriend mo!" sigaw ko.

Teka? Did I just say that?

Saved to be Married.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon