Chapter 2- Encounter
Pagkatapos ng diskusyon ng guro namin ay lumabas na kami ng silid namin at nagpunta sa cafeteria para kumain.
"Humanap na lang kayo ng pwesto ako na pipila." Volunteer ni gabby. Alam na niya ang gusto namin kaya hindi na siya nagtanong pa.
Umupo kami sa may sulok. Hindi expose sa mga tao. Ilang minuto lang ay dumating na si gabby dala dala ang isang tray na naglalaman ng lasagna at drinks. Yeah parehas kaming apat. Lasagna is our favorite. Nagsimula na kaming kumain ng bigla na lang umingay ang mga tao. Nagsisigawan sila na parang wala ng bukas. Srsly? What happening to them?
"Omooooooo! Yung D4 nandyan naaaaa!" Pagsigaw na rin ellise kaya lahat na sila sumigaw. Ako lang yata out of place dito.
Ang D4 na kinababaliwan ng mga kababaihan at mga binabae. Kesyo gwapo kuno, mayaman, matalino, at talento. Eh diyos ko! Kasing ugali naman nila si satanas sa kasamaan ng ugali. Nagpapaiyak sila ng babae, ginagawa nilang laruan ang mga babae na kapag nagsawa ay iiwanan nalang basta basta. Lalo na yang Xeuz Laxa na yan. Siya ang leader sa grupo nila. At ang pinakamasama sa kanilang apat.
Never na never ko talaga sila magugustuhan. Swear to god.
"Tara na, 5 minutes na lang magtatime na." Pag aaya ko sa kanila.
"Ee! Zyl, mamaya na pleaseee? Nanjan pa ang D4 e." Pagsusumao ni ellise sakin.
"Aish. Bahala nga kayo! Basta ako aalis na. Diko na kayang tignan ang nakakasura nilang pagmumukha." Tumango lang sila. Ipagpapalit talaga nila ako para lang sa apat na asungot na demonyo na yan? What the? Padabog akong tumayo at kinuha ang gamit ko. At lakad palayo ng may bumangga sakin. Kaya napasalampak ako sa sahig. Patay talaga siya sakin kapag nakita ko yang pisti niyang mukha. Sisirain ko talaga. Nag angat ako ng tingin at agad na binulyawan ang kutong lupang bumangga sakin.
Akmang aalis na siya ng binato ko sa kanya ang sapatos ko. Na naging dahilan ng paglingon niya at sigawan ng mga estudyante.
"Iba klase ka rin ha! Pagkatapos mo akong banggain ay aalis ka na lang at hindi ako tutulongan?" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya. Humakbang siya ng dalawang beses at tinignan ako from foot to head sabay tawa. Baliw ba siya?
"Sino kaba para tulungan ko? Tsaka tanga tanga ka kasi! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. At ngayon ako pa ang sisisihin mo?" Sabi niya habang suot suot ang nakakaasar na ngisi sa kanyang labi. "Alam mo kung nagpapansin ka lang sakin. Well sorry hindi kita tipo at hinding hindi matitipuhan." Dagdag niya na naging dahilan para mainis ako lalo. Hindi lang pala to playboy kundi assumero pa.
"Hoy mister assumero. Masyado kang assumero no? Huwag mo nga ako itulad sa ibang babae jan na kulang na lang ibigay ang lahat para sayo. Na di naman kagwapuhan? Hindi moko matitipuhan? Mas never naman kitang magugustuhan no? Wala namang maganda sayo. Demonyo ka nga e." Hindi kona inantay ang sagot niya tumalikod na at umalis sa lugar na yon.
Pisti yung lalaking yun ah. Masyadong mahangin. Tss.
Pumasok na ako sa silid ko at umupo sa pwesto ko. Wala pa yung tatlo, sigurado akong nandun pa yun sa cafeteria kasama nung mga asungot na yun.
Ano bang meron dun at iniidolo nila yun? Wala naman silang makukuha dun. Ay ! Meron pala katarantaduhan, yun ang makukuha nila. Tss.
Dumating na rin yung tatlo at dumiretso dun sa class president namin at may binulong. Ano kaya yun?
Pumunta na sila sa mga pwesto nila at umupo.
"Bakit ang tagal niyo?" Pagtatanong ko.
"Inutusan pa kasi kami nung isang teacher." Tango lang ang isinagot ko sa sagot ni gabby.
Bakit kaya ganyan yung mga mukha nila? Psh.
Pumunta sa harapan yung class president namin at inanusyo na walang klase ngayon hanggang uwian dahil may meeting ang mga teacher.
Yun pala yung bunulong nila.
"Tara punta tayo sa garden." Pag aaya ko sa kanila. Boring naman kasi dito.
"Ikaw na lang zyl." Nakatungong sagot ni ellise. Tss.
Tumayo na ako at lumabas sa silid na yun at nagpunta sa garden. Sa twing dadaan ako ay pinagtitinginan nila ako. Masyado ba silang nagandahan sakin? Pfft.
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagbaybay ko patungo sa hardin ng paaralan nito.
Yun ang paborito naming tambayan. Tahimik kasi tsaka presko ang hangin. Ewan ko ba kung bakit hindi sila sumama.
Umupo ako sa bench at nagmuni muni. Namimiss kona ang mommy ko. Namimiss kona ang yakap niya, everything about my mom. Bigla na lang tumulo ng tuloy tuloy ang luha ko. Nang dahil kay daddy kaya comatose si mommy ngayon. Pinadala siya sa amerika a long time ago. Yung kuya ko lang ang kasama ko sa bahay. Kaso lagi ding wala si kuya dahil nag aaral din siya. Galit na galit si kuya kay daddy dahil sa ginawa niya.
Niyakap ko ang dalawa kong tuhod at umiyak ng umiyak. Kaya galit na galit ako sa mga lalaki lalo na dun sa D4 na yun at kay Xeuz Laxa.
Lalo akong nagalit sa mga lalaki dahil sa nangyari kanina sa cafeteria. Oo tama kayo si xeuz laxa ang naka away ko kanina. First encounter with him and maybe the last.
YOU ARE READING
Once Upon A Time
General FictionWhen the first time I saw him, My hurt beats so fast... And I can't explain it. When I saw him the only words that comes in my mind is to "LOVE HIM NO MATTER WHAT" I gave all my attention to him, I'd love him more than my life, But.... He just betr...