Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1- The Reason

"Beeeeeeeeeeeees!" Bungad sakin ng aking matatalik na kaibigan. Opo sabay po silang sumigaw na parang ngayon lang kami nagkita muli. Napatingin tuloy ang ibang studyante sa amin. Nakakahiya.

" Para kayong mga baliw! Kala niyo naman ngayon lang tayo nagkita!" Sagot ko sa bati nila na naging dahilan ng pagkunot ng noo nilang malapad.

"Wow naman! Ganyan ba yung sagot mo sa bati namin?" Nakapameywang na pahayag ni Ellise. Kinunutan ko lang siya ng noo at napairap na lang. "Hindi pa nasanay, Tsk!" Sabi ko pagkatapos at inunahan ko na sila maglakad. Naramdaman kong parang walang sumunod sakin kaya humarap ako sa kanila na nandoon lang at nakatunganga. Aish.

"Oh? Anong tinutunganga niyo jan? Ilang oras na lang at magsisimula na ang klase? May balak ba kayong pumasok? O wala?" Naiirita kong sabi sa kanilang tatlo. Pero ang Pucha, di manlang natinag.

At dahil nainis na ako ay nauna na akong maglakad at iniwan silang tulala doon. Tsk. Parang nakakita ng multo.

Nasa pangatlong palapag ang silid ko kaya napagod pa ako bago makarating sa silid ko. Pagdating ko dun ay mga kaklase ko pa lang ang nakikita ko.

Pumunta na ako sa pwestong gustong gusto ko at umupo. Malapit sa bintana ang upuan ko nasa pangatlong row, katabi ko si Ellise, tapos kaharap ko si Gabby katabi naman niya si Sunny. Gets niyo ba? Di bale na nga.

Wala pa naman ang prof namin kaya isinakwit ko muna sa mga tenga ko ang earphone ko at nakinig ng kpop musics. Yeah I'm a Kpopper.

Nasa paboritong linya na ako ng pinapakinggan kong kanta ng may kutong lupa ang nagtanggal ng earphone sa mga tenga. It was ellise.

"HOY BRUHA KA! BAKIT MO KAMI INIWAN DUN SA GROUND KANINA?" Agad naman akong napatakip sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw niya habang hinahabol ang paghinga.

"Aba! Ako pa tong sinisi mong hinayupak kang babae ka? E kayo nga tong nakatulala sa kawalan? Tapos sasabihin mong iniwan ko kayo. Baka kapag inantay ko pa kayo dun. Mapagkamalan lang akong baliw dahil sa inyong nakatulala with matching tulo laway pa. Yuck!" Mahabang litanya  sa kanya sabay irap.

"Zyl naman kasi, Ang wafu naman kasi nung fafa na nakita namin, kaya ayun napatulala kami." Paliwanag ni gabby, Sabi na nga ba e, lalaki na  naman ang dahilan kung bakit nagkaganun sila. Psh.

"Oo nga zyl, sayang hindi mo nakita yung wafu." Sang ayon naman ni sunny habang namumula.

Aish. Grabe na sila. Puro lalake na lang nasa isip. Tsk. Tsk.

Umupo na yung tatlo sa upuan kasi dumating na yung prof namin. Btw, 4th year high school na kami. Masaya na sana kasi gagraduate na sana kami sa high school at college na sana kami next year kaso ewan ko ba bakit naimbento pa yang k to 12 ayan tuloy nadagdagan ng dalawang taon. Aish.

Bumati yung prof namin kaya bumati din kami pabalik. Nasa mid's 30 na yung edad ng guro namin. Babae siya at hindi masyadong strikta. Di katulad nung iba na terror. Geez.

"Okay, since 4th year na kayo at gagraduate na kayo next year, Kailangan niyo galingan sa pag aaral para makapasok pa rin kayo dito sa campus natin kapag grade 11 na kayo. Alam niyo naman na kailangan 90 above ang general average niyo para makapasok kayo dito kapag grade 11 na kayo." Kailangan 90 above yung general average namin para makapasok pa rin dito. Kahit gaano kapa kayaman kapag rules ay rules talaga. Pantay pantay lahat.

"Kailangan study hard tayo mga ateng." Pahayag ni gabby. Na sinang ayunan naming tatlo.

"More on book, less in boy, dapat kayo." Pangaral ko na naging dahilan ng pangangasim ng mga mukha nila.

"No way highway zyl. Kaya namin pagsabayin yung aral at boys." Pahayag ni ellise with matching iling pa.

"Korek ka jan ell, we can't live without boys and besides boys is our insiparation." Paglalaban ni sunny. Tsk. Mukhang lalaki talaga. E lolobo lang ang tyan nila kapag lalaki ang natupag nila.

"Bakit ba galit na galit ka sa mga lalaki maeg?" Tanong ni gabby na sinangayonan ng dalawa.

Tumahimik na lang ako at hindi na pinansin ang tanong ni gabby. Nakinig na lang yung tatlo sa guro namin ng maramdaman nilang tumahimik  ako.

The reason why I hate boys is because my daddy left us. He left us just for his other woman. And because of that mom got frustated. She's always crying and just staying in her room all day. I really hate my dad for doing that. He is the reason why I became a man hater. I don't trust boys except to my big brother. We both hate him.

Once Upon A TimeWhere stories live. Discover now