CHAPTER 1- IYA

37 4 0
                                        

                Naglalakad ako sa harap ng simbahan. Nakasuot ng isang putting bastida. Alam kong nasa isang venue ako ng isang kasalan dahil napansin ko ang mga floral arrangements sa paligid at ang red carpet sa gitna ng aisle na umabot hanggang sa altar. Ngunit ang nakapagtataka lang ay walang tao sa paligid maliban sa akin. Sa sobrang inip ay naglakad ako sa gitna ng aisle habang inililibot ang tingin sa paligid.

                Ilang sandali pa ay biglang umihip ang malakas na hangin at nagliparan ang mga talutot  ng puting rosas pataas. Manghang-mangha akong nakatingin sa  mga nahuhulog na talutot ng may mamataan akong  taong papalapit sa akin. Hindi ko maaninag  ang hitsura nito ngunit alam kong isang lalake ito dahil sa bulto nito. Papalapit ito sa akin, nahihirapan akong  aninagin ito dahil masyadong maliwanag sa kinaroroonan nito nang bigla na naming umihip ang malakas na hangin na nakapagpapikit  sa akin.

                Nang magmulat ako ay iba na ang tumambad sa aking paningin. Nasa loob na ako ng aking kwarto at nakahiga sa kama habang nag-iingay ang alarm clock.

                “panaginip lang pala”

                Mabilis kong pinatay ang alarm clock at bumangon. Tinapos ko na ang pagliligpit ng kama at sinimulan ko na ang paghahanda  sa aking gamit at sarili. Pagkaligo ay namili na ako ng  damit na isusuot.

                I will wear a red t-shirt and jeans according to my organizer. Well, wala naman akong masyadong pagpipilian dahil karamihan ng nasa closet ko ay T-shirts at jeans. Kung meron mang pagkakaiba ay ang mga kulay siguro ng mga ito. Na nakasanayan  ko nang i-color coding base sa araw kung kelan ko  iyon isusuot.

                Yes, it may sound weird but I wanted everything in order  and organized. Lahat ng dapat  kong gamitin sa loob ng isang lingo ay isinusulat ko para hindi  ako mahirapan pang imanage ang oras ko. Ayaw na ayaw kong nagagahol sa oras kaya nga minsan…..ay,hindi…. Madalas akong ma-misinterpret ng ibang tao.

                Ako si Yvette Yazzie Castro, Iya for short. I’m taking up Political Science at *censored university*  and now a second year college student.  Well paano ko ba idi-describe ang sarili ko? i was a bit popular in our school but not in a good way. Popular ako hindi dahil ako ay sexy, maganda, at kung ano pa. I was known as a boring and an average looking girl. Madalas ako ang topic ng mga tao sa paligid ko kapag ang pinag-uusapan nila ay iyong mga bagay na kababalaghan at  ginagawang katatawanan .

                Sa tulad ko daw  na 5 feet and 2 inches lamang ang taas ay masyadong terror at masyadong matalas ang aking mga mata. Kilala din akong snob,  grumpy, miss prim and proper at certified control freak. Noong una ay naba-bother ako ako pero noong naglaon ay nakasanayan  ko na rin. Parang normal na lamang sa aking pandinig ang mga bulung-bulungan at minsan nga ay sadyang pagpaparinig ng  mga tao sa paligid ko. hinahayaan ko na lang at sinasabi ko sa sarili ko na  ‘let them be, I won’t lose my precious time just by bickering with those thin-headed people. Na kahit minsan ay halos maubos na ang aking pasensya  ay wala akong ibang ginawa kundi kimkimin na lamang iyon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

why can't it beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon