We can never know the person itself.
Unless you'll go deep
And ready to drown.
In short, you'll need to sacrifice in order to understand.*****
I was about to close the door when I saw her approaching.
Sa isang iglap, eto nanaman ako. Nakatayo sa pinto habang inaantay siyang mas lumapit pa. Inaantay siyang pumasok upang masara ko na ang pinto. Ngunit heto siya, nilampasan lamang ako na parang isa akong hangin na hindi niya makita.
Sinundan ko nalamang siya ng tingin hanggang maupo siya sa kanyang upuan na nasa pinakadulong bahagi ng aming silid aralan.
The way she looks really intrigues the hell out of me. There's something in her that I want to know. I want to know more about Fall.
Di ko namalayan na napatagal na pala ang paninitig ko sakanya kung hindi lang dahil sa isang impit na tili na nadinig ko. At kasunod niyon ay ang tuloy tuloy na kantiyawan na.
"Pucha, dre! Inlove na inlove ka jan kay Fall ah! Kanina pa nakatitig at kung makatitig ay parang lulusawin mo siya saka mo ibubulsa!" Pang-aasar sakin ng kaibigan kong si Oslo.
Natatawa ko siyang tiningnan. Hindi naman siguro ganun yung tingin ko sakanya. Oo aaminin ko, nagagandahan ako kay Fall. Sa lahat kasi ng kaklase naming babae, siya lang ata ang walang make-up.
"Hoy! Nakatingin ka nanaman!" Tatawa-tawang saad niya.
Inilingan ko lang siya saka sinarado ang pinto at naupo na.
Habang naglelecture ang aming guro ay panay ang sulyap ko sakanya. Sa ingay kanina ng mga tumutukso sakin sa kanya ay hindi manlang siya lumingon sakin. Kahit nga ngayon na titig na titig ako sakanya ay parang wala lang. Parang hindi niya ako maramdaman. Minsan tuloy iniisip ko, panget ba ako o sadyang wala lang siyang interes sa akin?
I saw how guys like me drool over her. Its like she's a Queen and we are just a commoner to her. Wala siyang kaibigan dito sa school. Wala rin akong nakitang kasama niya umuwi o pumasok manlang. Lagi siyang poker face o di kaya ay nakatingin lang ng deretso. And as if we are just decoration in her world, she will just ignore us. Pero kahit ganun, I still admire her. Not because of her looks but because how smart she is.
Natapos ang klase na wala akong natutunan maski isa. I was just there but my mind is on her. Hindi ko kasi lubos maisip kung sino ba talaga siya? All I know that she is Fall Angela dela Merced. Yun lang. Pangalan niya lang.
"Dude, sabay tayong mag lunch." Pang-aaya sakin ni Oslo. Nakapaligid na sila sakin ngayon, ang mga kaibigan ko.
"Oo nga, Jav. Para magkaron naman tayo ng quality time together." Ani Lisa sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko.
Sinukbit ko ang aking backpack kaya nalalaglag ang braso ni Lisa. Sumimangot naman siya nang dahil doon.
"Kayo nalang, pre. May pupuntahan ako eh." Pagtatanggi ko sabay tapik ng likod nila.
Napakamot ng ulo si Grey. "Eh, Jav.. Pangalawang beses na to ah! Kahapon may emergency, ngayon may pupuntahan? Yung totoo? May babae ka noh!?"
"What!? Is that true, Javy!?" Angal ni Lisa na siyang inilingan ko nalang.
Nakangisi sa isang sulok si Oslo na para bang alam na niya kung saan ako pupunta. "Oo na, dude! Kung saan ka masaya, suportahan ta ka!"
And with that, umalis na ako doon kahit panay angal ni Lisa at Grey.
***
"Mom. I was trying to be there, okay. But not now. I have lots of stuff to do here. Okay. Okay. Tell him, okay? Yes. Yes, mom. Yeah. I love you."
BINABASA MO ANG
Fall's Secret #KNLabyrinthWC
Short Story"You can't hide it forever." -Javy Gonzales