Simula

16 0 0
                                    

Hinuhugasan ko ang aking kamay mula sa bula ng tawagin ako ni Gene at sabihing pinapatawag ako ni Superior Anna sa kanyang opisina. Mabilis kong dinampot ang tuwalya at tinuyo ang aking kamay.

"Bakit daw? May iuutos ba siya?" Tanong ko kay Gene na pinupunasan ang mga hinugasan kong pinggan.

"Hindi ko alam e, pero nakita kong may dumating na lalaki kanina, mukang bisita. Puntahan mo na lang para malaman mo."

Tumango ako at nagpasalamat saka tumuloy na sa opisina ni Superior Anna. Malamang ay uutusan ako nitong magtimpla ng kape o ikuha sila ng meryenda ng kanyang bisita, o kaya naman ay isa sa mga pwedeng maggrant sa akin ng scholarship ang kanyang bisita.

Magka-college na kasi ako sa susunod na taon at gusto kong kumuha ng kursong tungkol sa pagkain at pagluluto. Mahilig akong magluto at nakikita kong  malaking potensyal ko dito.

Nang makarating ako sa opisina ni  Superior Anna ay kumatok ako saka patuloy na pinihit ang pintuan. Si Superior ay nakangiti sa akin ng pumasok ako, may isang lalaki sa harap ng kanyang lamesa. Isinarado ko ang pinto at saka bumaling muli kay Superior Anna, "Ipinatawag niyo daw po ako."

Sa aking tanong ay lumingon ang lalaki sa aking direksyon. May pagkagulat sa kanyang expresyon. Nakaawang ang kanyang labi ngunit tinikom ding muli. Mukang galing pa siya sa trabaho dahil sa kanyang suot na long sleeve polo na may neck tie.

"Maupo ka, iha." Itinuro ni Superior ang upuan sa tapat ng lalaki. Tumango ako at dahan dahang lumapit sa upuan. Nang makaupo ay diretso ang tingin ko kay Superior. Gusto kong magtanong kung anong aming pag-uusapan ngunit ayokong siya ay pangunahan.

Tumikhim ang lalaki at umayos ng upo, nakaharap din ito kay Superior.

"Haley, ito nga pala si Mr. Mendes." Lahad ni Superior sa aking katapat. Tumingin naman ako sa kanya.

"Gio na lang po." Magalang na pakiusap naman nito sa madre.

"Gio, this is Haley." Tumingin din siya sa akin kaya't ngumiti ako upang ipakitang nagagalak akong makita siya.

Inilahad niya ang kanang kamay, na siya namang tinaggap ko at saka siya ngumiti, "Glad to see you again."

Napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi, unti unti kong binitawan ang kanyang kamay.

Kailan kami unang nagkita? Hindi ko matandaan ang lalaking ito. Ngunit bakit tila kilala niya ako?

Lalong kumunot ang aking noo ng magtanong si Superior, "Haley, natatandaan mo ba siya?"

Napakagat ako ng labi. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong amnesia. Dahan-dahan akong umiling habang pinagmamasdan ang lalaki na siyang diretso pa rin ang tingin sa akin.

Saan kami nagkakilala? Paano? Bakit hindi ko maalala. Wala akong kilalang Gio ang pangalan.

Mag-aapat na taon na 'ko dito sa ampunan. Labing dalawang taong gulang ako ng kinailangan kong tumira dito sa ampunan dahil sa taong din ito ay namatay ang mga magulang ko.

Pagkagraduate ko ng elementarya ay nagpunta kami nang aking Mama at Papa sa Hong Kong. It is my graduation gift. Napakasaya naming buong pamilya. Ngunit pagbalik namin sa Pilipinas ay hindi inaasahan ang isang trahedya. Nagkaroon ng problema ang eroplano, kalahati ng mga pasahero ay namatay kasama na ang mga magulang ko. Yinakap ako ni Mama at Papa bilang proteksyon kaya siguro hanggang ngayon buhay pa 'ko.

Ang St. Mary's Child Care ay isang ampunan na tinutulungan nila Mama. Madalas kaming bumisita dito lalo na kung pasko at bagong taon. Malapit ang loob ko kila Superior Anna at kay Sister Grace at iba pang tagapangalaga ng ampunan, kaya't ng mawala sila Mama ay pumayag ang abogado namin na dito ako patuluyin. 'Yon din ang aking kagustuhan kaysa naman mag-isa ako sa aming bahay. Wala na akong ibang kamag-anak dahil parehong nag-iisang anak ang aking mga magulang. Maaga ring nawala ang aking Lolo at Lola.

Simula noon ay dito na ako nakatira. Nakapag-aral ako ng highschool sa tulong ng kaunting perang naiwan nila Papa. Pero ngayon magko-kolehiyo na ako ay paniguradong kakapusin ang perang nasa akin.

Kung hindi isang scholarship granter si Mr. Mendes ay paniguradong mahihirapan ako sa college. At kung kilala niya ako ay hindi ko matandaan kung kelan at paano? Classmate ko ba siya dati? Pero malabo yun dahil mas matanda siya sa akin. Baka naman na accelerate siya? Tila isang sagot naman ang pagsasalita ni Superior.

"Siya si Gio Mendes. Sila ang may ari ng flower farm sa kabilang bayan at ng mga flower shop dito sa atin. Sa kanila din tayo kumukuha ng bulaklak. Natatandaan mo?"

Mabilis akong tumango. Kung minsan kasi ako ang tumatawag para sa bulaklak na gagamitin sa misa o para sa dekorasyon.

"Nandito rin siya dahil may gusto siyang sabihin sa iyo."

"Ano po 'yon?" Atubiling tanong ko.

Nagkatinginan pa ang dalawa. At tila hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin o kung sino ang dapat magsabi.

Bumuntong hininga ang lalaki sa aking tapat bago ako tinitigan. Kumunot ang aking noo bilang pagtatanong sa kung ano ang kanyang sasabihin.

"I'm Gio Mendes, anak ako ni Nicole at George Mendes."

Lalong kumunot ang aking noo sa mga pangalang narinig. Those names doesn't ring a bell.

"My mom was your moms best friend. Nagkita na tayo dati nung mga bata pa tayo. You were just four or five that time kaya siguro di mo na maalala. After we flew to the states at doon na rin kami nanirahan kaya at unti unting nawalan ng communication si Mommy at ang Mama mo." Patuloy ako sa pakikinig. Ganun din si Superior na tahimik sa kanyang upuan. Alam niya na kaya ito?

"Two years ago ay bumalik kami dito. My mom was diagnosed with cancer, stage four. We tried treatments there but then katawan na ni Mommy ang umaayaw. She wanted to stay here sa nalalabing oras niya. We started the farm, and luckily, maayos ang pagpapatakbo no'n." He smiled a little. "My mom died last year and her last wish was to see her bestfriend but then hindi na sila nagkita. Hindi namin mahanap ang mama mo at last month lang ay nalaman kong namayapa na rin siya at nahanap kita dito."

Nakatingin lang ako sa kanya. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang kanyang mga sinabi.

Tumikhim si Superior bago mag salita, "Haley... Gusto kang tulungan ni Gio bilang bawi para sa mommy niya."

Napangiti ako, "Kung gano'n ay tutulungan mo akong makapag kolehiyo?"

Tumango siya at sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Begin AgainWhere stories live. Discover now