"Sasama ka na ba sa maynila?" Tanong ni Gene. Nasa palaruan kami at nagbabantay ng mga bata. Ikinuwento ko agad sa kanya ang usapan namin ni Mr. Mendes at Superior.
"Isang araw lang naman 'yon. Ipapakita niya daw sa akin yung mga pwede kong pasukan na school doon."
Ngumiti ako at nagpasalamat. "Salamat po. Gusto ko po talagang makapagtapos."
"Tumitingin na nga itong si Haley ng mga paaralan dito." Imporma sa kanya ni Superior.
"May alam ka na ba na pwede mong pasukan? Marami sa manila kung gusto mo."
"Sa maynila?"
"There's a lot of opportunity there. And you don't have to worry about anything because it's all on me."
"Iha, maganda nga 'yon. Kung makakapag aral kay ba't hindi pa sa maynila. Si Gio ay taga syudad kaya siguradong matutulungan ka niya."
"Pwede naman kitang ipasyal. We'll go there tomorrow so you'll know a little bit about it."
"Sumama ka na, iha."
I smiled and nodded.
"So doon ka na talaga mag aaral?" Tanong pa ni Gene.
Nagkibit-balikat ako, "Hindi pa naman sigurado 'yon."
"Ikaw pa. Kayang-kaya mo yon." Tinapik -tapik niya ang ulo ko. "Namimiss mo ba ang maynila?"
"Minsan. Syempre nandun yung dati naming bahay. Pero nasanay na rin ako dito."
Lumapit kami sa mga bata. Nakilaro din kami. Kinagabihan ay tumulong kami sa paghain at kami ulit ni Gene ang naghugas ng mga pinggan.
"Magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas." Tumango ako. Pagod na rin ako kaya kailangan ko na ngang matulog. Naglakad na kami papunta sa kanya-kanyang kwarto.
"Goodnight, Gene."
"Goodnight, Haley."
Pumasok na ko sa kwarto at nagpahinga. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Inayos ko ang ilang gamit na dadalhin. Mga school cards, birth certificate at pamalit na damit. Hindi ako sigurado sa mga kailngan kaya 'yon na lang ang dinala ko.
Alas sais pa lang ay handa na ako. Dumiretso ako sa kusina para tumulong. Alas siete pa ang oras ng agahan dito kaya naghahanda p lang ng almusal.
Nang makita ako ni Superior ay lumapit siya sa akin. "Haley, kumain ka na ba? Nandyan na si Gio."
Nagulat pa 'ko sa aga ng pagdating ni Mr. Mendes. "Po? Uhmm, mag babaon na lang po ako ng sandwhich."
"Sigurado ka?" Tanong ni Superior.
"Opo." Tumango ako. "Kukunin ko lang po ang gamit ko sa kwarto."
"O sige. Sumunod ka na lang sa office."
Dali-dali akong bumalik sa kwarto at kinuha ang bag ko. Dumiretso na ko sa opisina ni Superior. Nadatnan ko nga doon ang dalawa na nag uusap.
"Mag ingat kayo ha. At magtetext ka Haley, balitaan mo kami. Ikaw na ang bahala sa kanya Gio."
"Opo, Superior. H'wag po kayong mag-alala."
"Sige po. Alis na po kami."
Hinatid kami ni Superior sa kotse ni Mr. Mendes. Kumaway ako bilang huling paalam. Hindi ko nakita si Gene. Itetext ko na lang siya.
YOU ARE READING
Begin Again
Romance"Maybe I'm still not ready for this." Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri habang nakatingin sa kanya. "Masyadong naging mabilis ang mga nangyari. I'm sorry." Inilagay ko ang singsing sa mesa at tumakbo sa aking kwarto. Isinarado ko ang pinto a...