MAI-MAI'S POV
Buti na lang talaga nakauwi na. Bakit kaya ako? AKO? AKO? AKO? Nadamay pa sa eksena nila Matthew at Cely kanina? Kailangan talaga paulit-ulit yung ako? 😂 Nakakainis naman kasi e. Feeling ko ang epal-epal ko sa moment nilang dalawa. Hays. Grabe lang talaga! At ito pa, hindi ko pa nasasabi kay Cely na parang may feeling ako na hindi maganda kay Matthew. Pero sana hindi totoo 'tong nararamdaman ko. Pero sa mga kutob ko hindi pa ko nagkakamali. Sabagay, baka ito ang unang beses na magkamali ako. Maikling panahon ko pa lang nakakasama si Cely pero magaan na ang loob ko sa kanya. Kaya tinuturing ko siyang kaibigan ko. Gusto ko rin namang mailagay siya sa magandang sitwasyon kaya kailangan kong obserbahan itong si Matthew kung totoo bang maganda ang intensyon niya dito sa kaibigan ko. Ayoko munang sabihin kay Cely kasi baka mali lang talaga ako.
-------------------------------CELY'S POV
Ano ba 'to? Kahit bigyan ata ako ng maraming flowers ni Matthew hindi ako mabibigyan ng tulad na feeling nang bigyan ako ng flowers ni Daddy nung graduation ko. Siguro, dahil si Daddy mahal ko. Si Matthew, ngayong araw ko lang siya nakilala kaya siguro hindi ko maappreciate. Yun lang.-------------------------------
HARRY'S POV
Bakit ganon? Parang hindi ko ata nagugustuhan ang awra kanina? Nayayamot ako sa mga nakita ko. Wala naman akong karapatang maramdaman 'to! Una sa lahat, hindi kami close. Pangalawa, hindi kami close. HAHAHA! Hindi, seryoso pangalawa hindi pa niya ako tinetext so wala siyang interes na makausap ako. Kaya Harry wag ka ng umasa sa wala. 😭 Harry, lalaki ka kaya dapat gumawa ka ng way para naman makausap mo man lang siya. Wag kang torpe. HAHAHAHA! Sarap lang kausapin ng sarili. Wag niyo akong tularan ha. Mayaman kasi ako dahil may sarili akong mundo. 😁✌🏻️ Pag-iisipan ko muna yung mga gagawin ko para naman makausap siya ng maayos.-------------------------------
-End of Chapter 8
Btw, sorry after 3years now ko lang na-update tong story. Anyways, engineer na po talaga ako. Skl. Thanks for reading! 🖤

BINABASA MO ANG
Love, A Great Creation of Imagination
RomanceHopeless Romantic | Talaga bang may feelings si Harry kay Cely o imahinasyon lang ni Cely ito at ng kanyang mga kaibigan sa eskwelahan? | Masyado bang nagiging assuming si Cely kay Harry dahil sa mga ginagawa nito para sa kanya? | Maiinlove ka ba sa...