A/N: Maraming bagay ang bumabagabag sa isip ni Harry. Hindi nya alam kung saan sya lulugar. Kung sya na ba ang gagawa ng first move o mananatili na lang syang tahimik? Mga ilang araw nyang pinag-isipan ang mga hakbang na gagawin nya.
[VILLAMOR HALL 2ND FLOOR - ENGINEERING DEPT]
"Ang hirap namang isipin kung paano ko gagawin ang first move ko!" -Harry
A/N: Nataong nadaan sila Cely at Mai-mai at nakitang para bang naguguluhan si Harry habang kinakausap ang sarili.
"Uy, Harry may problema ba?" -Cely
"Actually meron but it's not about studies." -Harry
"Pwede mo namang i-share samin ni Mai-mai yan e, di ba Mai?" -Cely
"Nadamay na naman ako dyan?! 😨" -Mai-mai
"Mai-mai naman, damayan na natin tong si Harry. Baka sakaling makatulong tayo sakanya." -Cely
"So kwento ka na." -Mai-mai
"Meron kasi akong napupusuan dito sa campus, hindi ko na ime-mention kung sino sya. Idk how to approach her in a right way. Hindi ko alam kung paano ko sya liligawan since baka may iba na syang gusto. Baka may iba na syang napupusuan. Idk how to start pero the only thing that I'm really sure is I like her. Para bang love at first sight." -Harry
"Naku, naku. Andami ngang inlove sayo dyan Harry tapos may ganyan ka palang problema. Srsly? Eh for sure naman magugustuhan ka rin nya dahil bukod sa mabait ka na, matalino at may looks din! Di ba Cely?" -Mai-mai
"Ano bang pwede naming maitulong sayo?" -Cely
**Kringgggggggggggggggggg!**
"Next time na lang natin pag-usapan yung problema ko. It's time to get back." -Harry
A/N: Nakalusot si Harry dahil sa timing ng bell. Kaya lumuwag ang kanyang paghinga pagkatapos nyang makausap yung dalawa. Habang ang dalawang magkaibigan, iniisip kung sino yung babaeng nasa isip ni Harry. Kung ano bang nangyayari sakanya.
"Class Dismissed!" -Professor
HARRY'S POV
Haaaay... Mabuti nalang at nalusutan ko yung dalawa. Ang hirap kayang magsinungaling. Baka itanong nila sakin kung sino yung babaeng gusto ko at magsabi ako ng ibang pangalan tulungan pa nila ako at mapunta pa ko sa maling babae. Ang hirap kapag yung taong gusto mo na yung nagtanong sayo. Baka masabi kong hindi na nya ko kailangan tulungan dahil nasa harap ko na. Ano ba tong nasa isip ko? Please, focus muna sa assignment. 🤒-----------------------------------------
CELY'S POV
Sino kaya si Girl? Siguro maganda rin sya at matalino like him. Napapaisip tuloy ako, gusto ko syang tanungin pero inunahan nya na kasi na di na nya ime-mention si Girl kaya nakakahiya naman na pilitin namin syang magsabi. Gusto ko lang ma-imagine kung sino sya.------------------------------------------
-End of Chapter 9
*
***
Guys, sa kalagitnaan ng story na 'to. I'll share kung bat medyo matagal akong nawala dito sa wattpad. To inspire na rin yung readers about sa profession na pipiliin nyo at kung paano makakatawid sa butas ng karayom na pinagdaanan ko during the board exam. Yung lang guys! 😘 Enjoy reading! 😍
****
BINABASA MO ANG
Love, A Great Creation of Imagination
RomansHopeless Romantic | Talaga bang may feelings si Harry kay Cely o imahinasyon lang ni Cely ito at ng kanyang mga kaibigan sa eskwelahan? | Masyado bang nagiging assuming si Cely kay Harry dahil sa mga ginagawa nito para sa kanya? | Maiinlove ka ba sa...