Siarra Clienn's Point of View:
"Queen Sia, nandito na po tayo." Natauhan naman ako nung marinig ko ‘yung napaka ganda kong pangalan. Tsk, ambilis naman nung byahe.
Bumaba na ako sa kotse at pumasok sa school.
Here we go again
Pag pasok na pagpasok ko palang sa gate, tumigil silang lahat sa paglalakad at nag bow sa akin. Unti unti silang nag bigay ng daan para makadaan ako.
"Good Morning Queen Siarra,"
"Queen Sia,"
"Have a nice day Queen,"
Again, pakalat kalat nanaman kung saan saan yung pangalan ko. Gusto kong matuwa pero pinigilan ko lang yung sarili ko. Gusto kong tarayan sila. I'm the queen so..
"Oh ba't gumagalaw pa kayo? Diba sabi ko pag dumaan ako huwag na kayong gumalaw pa, hangga't nawala na ako sa mga paningin niyo, got it?! Ilang beses ko na lang bang sasabihin." Pagtataray ko at dumeretso sa hallway.
Nga pala, ako si Siarra Straw Clienn. Ang pinaka magandang babae sa building na ito which is ang KA building. Sikat din ako dito dahil mama ko yung may ari nitong school. At tingin nila lahat sakin ay Queen kasi raw ang taray ko raw at lagi ko silang inuutusan. Heart throb din ako dito. At hindi ako MALANDI! Malapit lang talaga ako sa mga lalake. Eh sa maganda ako eh, anong magagawa ko?
"Straw!" Aba sino ba 'to at lakas loob na tawagin ako sa pangalan kong Straw na walang queen?!
"Oy Straw!" Nilingon ko yung tumawag at parang nakakita ako ng anghel. Si Velvet lang pala. Siya si Velvet Red. Ganda ng pangalan no? Hindi pa ginawang Red Velvet. Best friend ko siya since nung elementary pa kami. Siya lang naman yung tumatawag saking Straw eh. Pero ewan ko lang kanina kung bakit hindi ko siya naisip. Nababaliw na ata ako eh.
"Oh bakit Vel?"
"Yung ano daw! Nasabi na ba ng mudra mo na ibabalik uli sa dati yung KADS High?!" Wait..
Ano daw?
Processing
Loading 0%
Loading 32%
Loading 69%
Loading 82%
Loading 99%
Wait what?! Ano daw? Ibabalik ni mommy yung dating pangalan nung school? Wait, a big no no no no way!
"What? Ano bang nasaisip ni Mom?!" Iritang sabi ko at napakamot nalang sa ulo ko.
"Ewan nga eh, duh! Tanong mo kaya sa mudra mo." Yeah, It's a good thing na i-tanong ko nga.
"Okay. Hindi muna ako papasok sa first class." Nag nod siya.
Dali dali akong nag lakad papunta sa office ni Mom.
Ano bang nasa isip ni Mom?! At bakit niya ibabalik yung dating school?! Nag bati na kaya sila?!
Hindi ko mapigilang mainis. Kasi naman, itong KA Building at yung katapat nito na building na nangangalang DS Building, ay magkasama. KADS High yung pangalan nung school at si mommy parin yung principal at yung may ari. At yung Vice Principal naman ay yung best friend ni mom. Eh tapos isang araw, nakita ni mom si dad at yung bestfriend niya na magkasama at naghaharutan. Nagalit ngayon si mom at napagdesisyonan nang ihawalay yung KA building at DS building para hindi niya na always makita yung best friend niya. Pero actually nakikita parin niya minsan. Alangan eh magkatapat lang eh! Kaya ayun, nag lagay sila ng malaking gate para mahiwalay. Yung KA Building yung napili ni mom at DS Building naman napili nung kumakabet.
BINABASA MO ANG
Battle between King and Queen
Fiksi RemajaEditing... [Note: Don't judge the book by its cover, title nor its first chapters. Isa lang 'tong kamemahan nung grade 5 ako. Pero sayang 'yung lahat ng napaghirapan ko dati kaya 'di ko muna ide-delete at kapag sinipag ako, itutuloy ko ulit. And may...