1st

5.7K 124 27
                                    

"KEEEEEEEEEEEEEN !" dinig kong sigaw ni Ash mula sa taas .

"Parating na !" sigaw ko pabalik sa kanya .

Hays . Di ko na alam kung ano nangyayari sa girlfriend ko . Nagpabili siya ng dalandan tas bigla nalang ipapajuice sakin . Tsk . Sana nagpatimpla nalang siya ng dalandan juice .

"Ken ano ba ?! Antagal mo ah !" sigaw niya ulit . Patay ! Galit na si boss .

"Eto na nga ! Nandito na po" sabi ko at takbo paakyat dala ang pitsel ng dalandan juice na pinagawa niya at isang baso .

Pumasok ako sa kwarto sa agad na ibigay sa kanya ang juice na ginawa ko .

"Tagal mo" sabi niya at nagpout pa .

"Yan na nga po oh . Papacute ka pa eh" kinurot ko ang pisngi niya at binigay ang baso na may juice .

Ininom niya na iyon at tinignan ako ng masama . Nagtaka naman ako kaya itinanong ko kung bakit

"KYAAAAAAAAAAAAAAAH !"tili niya at bigla nalang siya tumalon sakin at niyakap ako .

"Ano ba nangyayari sayo ?" tanong ko naman sa kanya pero lalo niya lang ako niyakap ng mahigpit . Abnormal na ata ang mahal ko .

Oo nga pala . Kami na ni Ash . Dito na talaga siya sa bahay ko titira . Siya padin ang secretary ko pero hindi ko na siya pinagtatrabaho ng mabibigat dahil baka mapagod kang siya . Ayoko namang pagudin siya kaya ako nalang minsan ang gumagawa . Alam na din naman ng ibang officemate ko na girlfriend ko siya kaya wala nang dapat itago .

"Araay !" sigaw ko dahil bigla niyang kinagat ang leeg ko . Yung masakit na kagat -_-

"Hihi" sabi niya lang at bumungisngis . Hays . Napaiking nalang ako . Di ko na alam nangyayari sa babaeng to haha .

"Inaantok na ako . Tulog na tayo ken" sabi niya .

"Ano ? Eh halos kakagising mo lang ah . Tas matutulog ka na ulit ?" nagpout nanaman siya kaya napailing nalang ako at hinayaan na lang siya .

-----

"Ken ! Ken ! Gising ka na . Nagugutom na ko" panggigising sakin ni Ash . Di ko naman siya pinansin at nagkunwaring natutulog padin .

"Uy ! Mahal ko . Gising ka na . Ken !" Inalog-alog niya ko para magising pero nanatili padin ako .

"Bahala ka . Pag di ka bumangon , di mo na ko mahahalikan" agad naman akong tumayo at sinabing "tara na"

Habang tumatagal yata nagiging isip bata at abnormal yung girlfriend ko .

Nakapagluto na ko at naghain . Yup , ako ang nagluto ngayon dahil nga na-abnormla na si Ash haha .

"Ken , gusto ko ulit ng juice na dalandan" sabi niya ulit bago ako umupo .

"Sige . Teka lang , magtitimpla muna ko" kukunin ko na sana ang pack ng dalandan juice sa kusina pero bigla siyang sumigaw .

"Ayoko niyaaaan ! Gusto ko yung totoong dalandan !" sabi naman niya .

"Wala na tayong dalandan . Naubos na kanina yun" paliwanag ko naman sa kanya .

"Kyaaaaaah ! Gusto ko yung totoong dalandan ! Ayoko niyan . Bahala ka !" sigaw niya at parang paiyak na .

Aish . Buntis ba to ? Naglilihi ? O baka meron lang ngayon ? Argh !

"Hays . Eto na bibili na po . Hintayin mo lang" kinuha ko ang wallet ko at hinalikan siya sa noo bago ko umalis .

Meron nga kaya si Ash ngayon ? Di ko alam eh . Nakakahiya naman itanong . Baka buntis ? Daddy na ko ? Pero wala naman siyang sinasabi sakin . Itatanong ko nalang sakanya mamaya paguwi ko .

Chasing HerWhere stories live. Discover now