3rd
Kenneth's POV
Pagkagising ko palang wala na si ash sa tabi ko , dumiretso agad ako sa kusina pagtapos kong maghilamos . Nadatnan ko naman siya dun na naghahanda ng pagkain .
"Mahal bat ang aga mo ata nagising" yumakap ako sa likod niya at humalik sa pisngi niya .
"Kasi di ako makatulog ng maayos kanina . Parang nahihilo ako" paliwanag niya .
"Nahihilo ka pala bat ka pa nagluto . Sana ginising mo nalang ako" sagot ko . Pinaupo niya ako at umpo na din siya .
Kumuha siya ng plato at iniabot sakin .
"Kasi gusto kong ipagluto yung mahal ko" sabi niya sabay kindat sakin .
Napangiti nalang ako at kumain . Nakatingin lang siya sakin at nakangiti . Maya maya ay kumain na din naman siya .
"Akyat na ko mahal . Baka malate ako sa trabaho" sabi ko at hinalikan ko siya sa noo .
Naligo na ko at nagbihis . Pagbaba ko ay naabutan ko siyang nakahiga sa sala at nanonood ng cartoons .
"Ayos ka lang mahal ?" tumabi ako sa kanya at tinignan kung mainit siya .
"Maaga pa ah . Aalis ka na ?" nagnod lang ako at tinanong naman niya kung bakit .
"Kailangan ko bumawi mahal eh . Kasi alam mo na--"
"Sabi ko na talaga ay may babae ka eh !" napaupo naman siya at dinuro duro ako
"Babawi ka sa babae mo kasi late ka na kahapon umalis sa bahay !? Nako subukan mo lang ipakita sakin yang babaeng yan ! Makikita mo gusto mong makit---" pinutol ko siya at tinakpan ang bibig niya .
"Wala kong babae okay ? Kung ano anong iniisip mo eh !" sabi ko at tuluyan nang umalis ng bahay .
Hinayaan ko na siya dun at nag-drive nalang .
Malamang umiiyak yun ngayon . Pero bahala na hays . Ganun siguro talaga pag buntis . Pero tama ba ginawa ko ? Aish !
Ashley's POV
Kainis ! kainis talaga ! May babae nga siya ! Grrr di naman niya gagawin yun kung wala siyang babae diba ? Di naman siya magagalit agad kung wala talaga . Aish . Patay talaga yun sakin mamaya !
Umakyat nalang ako ng kwarto at nagpatuloy sa pagiyak .
Kenneth's POV
Pauwi na ko at may dala akong pagkain para sa kanya . Doughnuts .
Pagpasok ko sa bahay , wala siya . Umakyat ako sa kwarto dahil sigurado nagpapahinga na yun . Pero wala din . Nilibot ko na ang buong bahay pero wala pasing ashley . Nasan na kaya yun ? San naman pupunta yun ?
Sumakay agad ako sa kotse ko at nag-drive na paalis . Baka sa mall ?
Dumiretso ako sa mall para hanapin siya pero wala siya . Pinuntahan ko na din ang mga madalas niyang puntahan pero wala padin .
7:06 na at di ko pa nahahanap si Ash . Dumiretso muna ako ng bahay dahil namalayan kong di pa pala ako nakakapagpalit ng damit .
Pagpasok ko ng kwarto , nandun na si Ash nakahiga . San naman kaya nanggaling tong babaeng to ?