Nakita ni selena na namula ang pisngi ng lalaki pagkatapos niyang tabigin ang kamay nito.
Nagkalat ang tissue sa mukha mo. Ipinakita nito ang halos tunaw nang tissue na nakuha nito sa basang mukha niya.
..I..I'm sorry, i just thought...' Napayuko siya sa hiya.. Forget it."
Okay lang ba sayo na sumama ka sa bahay para mabigyan kita ng tuyong maisusuot? Kailangan mong makapagpalit ng damit para hindi ka magka hypothermia. That is,if you trust me..
" i don't think i have a choice.. Natigilan siya sa nasabi.. I mean... Okay.. Kaagad na bawi niya.
Di bale,pagtila ng ulan bukas ay babalikan natin ang sasakyan mo..That would be so kind of you, tugon niya.
Sumenyas ang lalaki, nagyayaya na yatang umalis kaya tumango na rin siya. Nang umusad ang sasakyan ay napasulyap ito sa kanya. Taga saan ka ba ? Ngayon lang kita nakita rito, so obviously, hindi ka tagarito.Napangiwi siya.hindi pa nga pala siya nakakapagpakilala rito. Ako nga pala si Selena Aragon. Just call me ' Selene. Taga- maynila ako.. Iniabot niya ang kamay rito.
..Calvin.. Calvin Mercado." Inabot nito ang kamay niya,sabay balik ng tingin sa daan. Naramdaman nya ang kakaibang init at ginhawa nang magdaop ang mga palad nila. Napahigpit tuloy ang hawak niya, dahilan para mapasulyap ang lalaki sakanya. " Ang kamay ko. Baka mabangga tayo.
Parang napasong binawi niya ang kamay. Baka isipin niyang nagpi-flirt ako sa kanya, nakangiwing naisaloob niya.
Hindi kaya mawala ang sasakyan ko roon? Tanong niya para ibahin ang usapan.Napangiti ito sabay iling, nakatuon parin ang tingin sa kalsada. huwag kang mag-alala,imposibleng mawala iyon dahil hindi iyon mailalabas doon. Huwag lang sanang anurin ng tubig , Selene..
Pakiramdam niya aynag init hindi lang ang mukha kundi buong katawan. Kakaiba ang dating ng pagbigkas ni Calvin sa palayaw niya. Ngunit ng matanto ang laman ng sinabi ay napamulagat siya____ para lang sa pagsulyap niya sa lalaki ay makitang nakangiti ito.
"joke lang!" Sabi nito.
MARAMING PASIKUT-SIKOT ang daan na tinatahak nina selene at calvin . Sinabi nitong malapit lang ang bahay nito,pero bakit parang nasa kagubatan Na sila?
Iba na ang tinatakbo ng isip niya. Hindi na nakatiis kaya nagtanong na siya. Akala ko ba ay malapit lang ang bahay mo ? Kanina pa tayo ikot ng ikot, ah. Saan mo ba talaga ako dadalhin ?
Nalukot ang mukha no Calvin. Ang s'abi ko, mas malapit ang bahay ko kaysa sa San Martin. Anito na tila napikon. Maliban na lang kung marumi ang isip mo at.... Hindi na nito itinuloy ang sasabihin.
Napahiya siya pero hindi iyon sapat para tumigil siya sa pag-uusisa.. Eh,bakit parang kagubatan na itong kinaroroonan natin?
Ano naman ngayon kung nasa kagubatan tayo? Huwag mong sabihin na ngayon ka pa matatakot kung kailan malapit na tayo?
Para kasing walang nakatira sa paligid.Saka sa dami ng pinagdaanan ko ngayong araw,siguro ay naiintindihan mo na ang ibig kong sabihin. Sabi niya sabay sulyap sa handle ng pinto. Pasimple niyang hinawakan iyon.
Bigla itong pumreno, sabay dukwang sa kanya kaya napasigaw siya sa gulat. Ito na mismo ang nag bukas ng pinto para sa kanya." Kung wala kang tiwala sa akin,pwede ka nang bumaba." Taas kilay na utos nito.
Natulala siya. Naglakbay ang kanyang imahinasyon at saka nakaramdam ng takot. Kasunod niyon ay ang pagpatak ng kanyang luha. Tama bang pababain siya nito sa gitna ng kagubatan nang wala sa oras.
Ako na nga itong nagmamalasakit sa'yo,ako pa itong pinagdududahan mo. Baka nakakalimutan mong talagang uuwi ako sa bahay ko, kasama ka man o hindi. Seryosong saad nito.
Masama bang magtanong? Malay ko bang sa gubat ka pala nakatira. Dapat ay sinabi mo na kanina pa. Katwiran niya sa garagal na tinig.
Natawa ito sabay iling." Paano iyan ? Sa gubat talaga ako nakatira.
Napatitig siya sa lalaki. Hindi niya nagugustuhan ang paraan ng pagngisi nito.
Huwag mong takutin ang sarili mo Selene. Hindi ako maniac. At hindi ko kailangan mamuwersa ng babae para lang makasama siya. Sabi nito at kumindat.
Lalong kumabog ang dibdib niya. Ano bang kamalasan itong dumating sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
My Stranger Boyfriend
RomanceKailngan magpunta ni Selena sa bayan ng san martin upang hanapin ang kanyang ama.May nakapagsabi kasi na matatagpuan niya ito roon.. Ginagawa niya iyon upang tuparin ang kahilingan ng ina na kasalukuyang malubha ang kalagayan dahil sa karamdaman...