Malakas ang tugtog na nagmumula sa car stereo ni Calvin. Galing siya sa kabayanan na mahigit isang daang kilometro ang layo mula sa kanyang tinitirhan.
Nakainom siya pero hindi naman siya nagpakalasing dahil magda-drive pa siya pauwi. Tama lang alcohol na naipasok niya sa katawan upang paaganin ang kanyang mood. Mabagal lang ang kanyang takbo dahil malakas ang ulan at halos hindi makita ang daan.
Malapit na siya sa kinakatakutang puno ng balete.Balitang-balita na may lumilitaw raw na babaeng nakaputi sa punong iyon lalo na kapag ganoong umuulan.Medyo kinakabahan siya at di sinasadyang napatuon ang tingin sa kinaroroonan ng puno.
Nawala bigla ang epekto ng nainomniyang alak nang may maaninag siyang imahe ng pumaparang babae sa tapat mismo ng puno.Kinusot niya ang kanyang mga mata ngunit hindi ito nawala_____at pinapara talaga siya nito!
Nagmenor siya dahil ayon sa sabi-sabi ay bigla raw itong tumatawid para lituhin ang maotoristang nais nitong biktimahin.Marami ng naaksidente sa lugar na iyon at halos walang nabuhay sa mga biktima ng white lady sa puno ng balete.
Bigla niyang naalala ang bilin sa kanya ng ilang motoristang kilala niya na bumusina raw siya para magbigay ng respeto rito,kaya malayo pa siya sa babae ay sunod-sunod na pagbusina na ang ginawa niya.
Huwag kang tatawid,sasagasaan kita.. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Hindi siya nagbibiro,sasagasaan niya talaga ito kapag nagkaganoon.
Hindi niya natiis na hindi tingnan ang mukha ng babae bagaman natatakot siya ng matapat siya rito. Mukha kasing sexy ang hubog nito mula sa malayo.
Hindi puti ang suot nitong damit gaya ng inaasahan niyang makita,sa halip ay dilaw na sleeveless blouse at tight jeans. Nakita niya ang hugis ng katawan nito sa malapitan. Good lord! Paano ka matatakot sa white lady kung ganito kaganda at ka-sexy?
Nilampasan niya ang babae at tiningnan sa side mirror. Halos ayaw niyang ialis ang mga mata sa babae. Nakita niyang nagpapadyak ito at napaupo na tila dismayadung-dismayado na hindi niya hinintuan. Bigla siyang napatapak sa preno. Bakit ito nagpapadyak? Saka hindi naman ito naglaho.
Hininaan niya ang music para marinig ang tila isinisigaw nito. " Tulungan n'yo naman ako rito!
Napapitlag siya ng marinig iyon. Uh-oh! Hindi ito white lady____ humihingi ito ng tulong.Pinaatras niya ang sasakyan ngunit muli siyang napapreno dahil iba naman ang pumasok sa isip niya. Paano kung kasabwat ito ng mga hold-uppers o carnappers? Ilang ang lugar na iyon kaya hindi imposibleng kawatan ang babae. Tiningnan niya itong muli sa salamin.Tumatakbo ito papalapit sa kanya,kaya mabilis siyang umabante para lampasan ito. Nakita niya mula sa side mirror na muling nagpapadyak ang babae ng makitang tila iiwan niya ito..
"Ano ba! Hindi ako masamang tao! Tulungan mo naman ako! Naririnig niyang sigaw nito
Bagaman nagtatalo ang kanyang isip ay nanaig ang awa ni Calvin para sa magandang babae. I can't just leave her here.she must ne needing some help.!
Muli siyang umatras.malaking sugal ang gagawin niyang iyon,pero nais niyang alamin kung ano ang ginagawa ng babaeng ito roon,soaking herself in the heavy rain. Kailangan lang siguro niyang maging alerto.
BUMABA ANG SALAMIN ng bintana ng sasakyang nasa tapat ni selena. Ginaw na ginaw siya at halos mapaos na sa kasisigaw.
"Puwede ko bang malaman kung bakit naman sa dami ng puwede mong tayuan ay sa tapat pa ng punong iyan ang napili mo.? Diyos ko, sino'ng hihinto sa'yo sa tapat ng puno ng balete? Mag-isip ka nga..
Bahagya siyang napaatras nang makita ang hitsura ng lalaking nasa loob ng sasakyan. Balbas-sarado ito at mukhang punkista. May hiwa pa sa parteng hita ang suot nitong pantalong maong. Pero kailangang lakasan niya ang kanyang loob dahil baka wala ng ibang dumating para tulungan siya.
BINABASA MO ANG
My Stranger Boyfriend
RomansaKailngan magpunta ni Selena sa bayan ng san martin upang hanapin ang kanyang ama.May nakapagsabi kasi na matatagpuan niya ito roon.. Ginagawa niya iyon upang tuparin ang kahilingan ng ina na kasalukuyang malubha ang kalagayan dahil sa karamdaman...