hanggang dito

1.6K 8 0
                                        

“Dali sakay na!”

“Kayo na muna,” sabi niya. “Ladies first nga, 'di ba?”

Edi nauna akong sumakay ng jeep. Ladies first pala ha. Di ako sa dulo sumakay dahil sanay akong nag-iiwan ng espasyo para sa mga PWD. Marunong naman akong magbasa at alam ko na yung pwesto na yun ay para sa mga matatanda at PWD pero, yung mga kasama ko, doon pa rin sila pumwesto.

Tumahimik na lang ako. ‘Bahala na nga kayo diyan,’  sabi ko na lang sa utak ko.

Malay ko ba naman na ganito pala kahirap sumakay ngayong oras na ito. Hindi ako sanay na sumakay sa isang pampublikong sasakyan pero alam at kaya ko naman. Mas pipiliin kong pumirmi sa bahay kaysa lumabas. Sadyang kailangan lang ngayon kasi nga ano pa ba, edi groupworks.

Pambihirang video presentations, kailangan pa naming lumabas ng weekends para mag-shooting ng ganitong eksena. ‘Music video pa more!’

“SM na kaya muna tayo,” suggestion ni Tori.

Pambihirang suggestion na iyan ah! Anong oras na oh! Alas siete na eh ang curfew ko hanggang alas sais lang.

“Pass na ako diyan,” sabi ko. “Baka anong oras pa ako makarating sa bahay.”

“Bahala ka,” sabi ni Tori. “Basta kami bababa sa SM.”

“Hindi rin ako sasama sa inyo,” sabi niya. “Sasabay na akong bumaba kay ano. Uwing-uwi na ako eh.”

“Oh sige. Kami na lang ni Lala kakain sa Tokyo Tokyo.

Tumigil ang jeep. Naipit na pala kami sa traffic na mula pa sa napakalayong SM. Mahigpit ang kapit ko sa bag ko kasi nakakapanghinala yung katabi kong lalaki. Tumingin na lang ako sa kabila.

Nakita kong nakasandal siya sa gilid, patulog na. Napakaganda ng pagkakahulma ng cheekbones niya, bes. Oo bes, crush ko siya. Sobra. Napakasaya niyang kasama–laging nagpapatawa. Lagi akong nakangiti kapag nandiyan siya.

Biglang bumusina yung nasa likod naming kotse kaya nagulat siya, pati na rin ako kaya nilihis ko ang tingin ko mula sa kanya papunta sa kotseng bumusina at umarteng galit. Gumalaw naman kami mula sa traffic kaya sumandal na lang ulit ako at naghintay na makarating sa subdivision namin.

“Para po!”

“Una na kami ha.”

“Sige, bye!”

“Ingat ha.”

Bumaba na kami ng jeep at sabay na tumawid. Hindi kami nag-uusap. Abala siyang mag-text sa cellphone niya. Siguro gamay na niya itong lugar na ito.

Paranoid na kung sabihin pero pilit kong inaalala ang paligid ko para kung sakali mang may mangyari sa akin, madali kong maikukwento sa pulis. Mas nagulat ako nang may dalawang pares ng kamay ang humawak sa magkabilang braso ko at hinila pakanan kung saan ang tamang sidewalk.

“'Wag ka nang magpasalamat,” sabi niya. “Libre mo na lang ako dun oh.” Sabay turo sa 7-11.

“'Lang'ya ka,” pinalo ko siya ng bahagya. “Dapat hinayaan mo na lang akong mabangga para yung insurance ko ang ipambili ng pang-7-11 mo.”

Natawa na lang siya.

“Parang hinold-up mo na rin ako nun grabe ka talaga,” dagdag ko.

“Oo na. Joke lang naman eh. Ito naman, 'di mabiro,” palokong salita niya.

Nakarating na kami sa terminal ng tricycle.

“Sige, dito na ako,” sabi ko. “Mag-ingat ka ha.”

“Sige, ingat rin.” At nagpatuloy na lang siya sa paglalakad, abala pa rin sa cellphone niya.

Nakasakay na ako sa tricycle, nakauwi na sa bahay, siya pa rin ang nasa isip ko.

Napakasaya sigurong maging boyfriend 'yun–maalaga, mapagmahal, maaalahanin, at maligayang kasama. Ang swerte naman ng girlfriend niya. Alam ko namang hanggang dito lang ako, eh.

Time finished: 11:31pm

pakiramdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon