kumusta ka na?

1.1K 4 0
                                        

hello?

hello?

uy, kumusta ka na?

buti ka pa okay lang

eh sa school, kumusta na doon?

buti pa iyon, di nagbabago

eh sa bahay, kumusta naman kayo?

lumamig na ang panahon, parang ikaw

may gusto sana akong sabihin sa'yo

naku pre 'wag na

gusto ko lang naman ng kaliwanagan

ibahin mo na yung topic; ano ba!

ano na ba ako sa buhay mo?

tumalon ka na sa bangin ng kahihiyan

anong nakakatawa doon?

sabi sa'yo 'di ka niya dederetsuhin

hindi ako nagbibiro

sana 'wag mo na akong pagtawanan

para alam ko kung hanggang saan lang ako

ibaba mo na yung telepono please

magkaibigan? oo, sige, kaya ko yun

sanay naman ako

sige, hanggang dito na lang ako

dahil titigil na ako

paalam

ayoko na

ikumusta mo na lang ako

pakiramdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon