Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

nandito lang naman ako

975 3 0
                                        

"grabe pre napakaganda niya"

nakita kita kanina,
grabe ang pormahan mo,
tipong halatang lapitin ng tao,
nakakaakit ka naman talaga

nasaan ako no'n?
nasa tabi lang naman ako,
pilit na hindi nililihis ang tingin sa'yo,
dahil minsan lang naman iyon

"uy alam mo ba? may nagkakagusto sa kanya"

tama ba ang narinig ko?
o baka naman gawa-gawa lang ng isip,
narinig lang dumaan parang hanging umihip,
sana naman mali ako

pero bakit parang ang bigat,
sa dibdib na puso'y laman,
mahirap man paniwalaan,
oo, totoo ang bulong ni Gat

"o, bakit tumahimik ka"

"hindi, okay lang ako,"
pero nababaliktad din ang sabi ni Kaye,
"hindi lang ako okay,"
at sa tingin ko tama ang sinabi mo

oo nga, hindi nga tayo
pero kahit paano naman,
nasasaktan pa man,
ikaw pa rin ang laman ng aking puso

pakiramdamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon