4 years ago...
Nagmamadali akong maglakad palabas ng university. Ayokong maabutan niya ako. Ayoko.
"Oh.. Mad-"
Hindi ko na pinatapos ang mga ibang nakakakilala na tumatawag sa akin. Tumakbo ako hanggang sa makarating sa parking lot. Pasakay na ako nang marinig ko ang desperado niyang boses.
"Venice..."
Napapikit ako ng mariin. Hindi. Huwag kang magpapadala sa kanya, Madelyn. Huwag mo nang hayaan na masaktan pa ulit siya. Huwag mo nang patagalin pa.
Humarap ako sa kanya at naglabas ng emosyon na kahit kailan ay ayaw kong ipakita. Galit.
"Pwede ba?! Hindi mo ba ako hahayaang maging masaya, ha?! Pakawalan mo na ako! Ayoko na!" Pasigaw kong sabi. Namamaos na ako sa galit. Pero hindi. Hindi totoo lahat ng pinapakita ko.
"Venice.. Huwag ganito. Sabihin mo sa'kin na hindi iyan totoo. Lahat nang sinasabi mo ay hindi totoo, diba? Diba?" Nagmamakaawa niyang tugon. Lalapit na sana siya sakin ng tinaas ko ang isang kamay ko para pigilan siyang makalapit.
"Kung talagang mahal mo ako, papakawalan mo ako. You will set me...free"
Hirap na hirap akong banggitin ang huling salita. Ngunit kailangan.
Tumingin ako sa kanya dahil bigla siyang nanahimik. Napasinghap ako dahil sa malamig na tingin niya sa akin.
"Bakit ba napakadali para sa'yo na hiwalayan ako?"
Tumungo lang ako. Wala akong maisagot. Napapikit ako ng mariin dahil sa napakalamig na boses niya at punong-puno ito nang galit.
Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinigit at hinalikan. Hindi ako lumaban dahil gusto ko rin ito. Sa huling beses, gusto kong matikman ang mga labi ng taong mahal na mahal ko.
Naramdaman ko na lumayo ang labi niya sa akin at bigla niya akong niyakap. Binaon niya ang ulo niya sa leeg ko at mula roon, ramdam ko ang mga luha niya.
"Mahal na mahal kita... Huwag mo akong iwan ng ganito. Sabihin mo sa'kin kung bakit. Kung anong mali ko, Venice. Sabihin mo... Dahil mababaliw na ako..." Patuloy niyang sabi habang humihikbi.
Hindi pwede 'to. Hindi pwede.
Buong lakas kong tinanggal ang mga braso niya sa akin. At itinulak ko siya na parang wala akong awa.
"Palayain mo na ako. Hindi na ako masaya sa'yo."
Iyon ang huli kong sinabi bago dali-daling pumasok sa kotse ko at pinaandar ito.
Itinigil ko muna ang kotse ko at lumingon sa gawi niya. Nakita kong nakaluhod siya at nakatingin sa kawalan.
Pumikit ako ng mariin.
I'm sorry... I'm sorry but i have to do this.
YOU ARE READING
Want You Back
RomansaI love you. Mahal na mahal kita at hindi ko ginustong iwan ka nang walang dahilan. And i want to win you back. I want you back. - Madelyn Venice