Chapter 2

262 2 0
                                    

Di ko talaga maiwasan na nerbyosin lalo na't pag nandiyan siya. I can't even look her in the eye at nauutal pa ako pag siya kausap ko.

Katatapos lang ng classes ko at mag-isa lang akong naka upo sa bench.

Kasi umuwi na yung mga iba kong kasama at yung iba ay may ginagawa pa o di kaya inuutusan ng mga teachers namin.

Nakita ko si Sam na naglalakad mag-isa, papunta ata sa canteen.

While I was looking at her, bigla nalang siya tumalikod at lumingon sa'kin.

Sinenyasan pa niya ako na lumapit o sumama sa kanya kung saan man siya pupunta.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa iba hanggang sa naramdaman ko nalang na nakatayo na siya sa harapan ko.

"Uy! snob mo ah..." sabi niya na parang nagtatampo

"hm?" yun lang nasabi ko sabay hawak ng batok ko

Parang naging gawain ko na talaga ang humawak ng batok ko kapag nininerbyos at nahihiya ako

"Sama ka, bili tayo ng snack" pagyayaya niya sakin

"Ehh..wag na. hindi naman kasi ako nagugutom" sabi ko

"Edi samahan mo nalang ako" sabi niya sabay hila sakin at hawak hawak ang kamay ko kaya wala na akong nagawa pang tumanggi.

Okaaay.... I may like the feeling and never want to let go of her hand. ever.  But i need to..

Nang tatanggalin ko na yung pagkakahawak ng kamay niya sakin, mas hinigpitan niya ito kaya hindi talaga ako nakawala.

"sure ka na hindi ka bibili? libre kita." sabi niya sabay ngiti

"Hindi, okay lang. hindi naman ako nagugutom" sabi ko sabay ngiti

Pagbalik namin, bumalik agad ako kung saan ako naka upo kanina.

"Pasok ka sa classroom" pagyaya niya sakin

"Okay lang.. dito lang ako" pagtaggi ko nanaman sa kanya

Alam ko nagtataka na yun kung bakit ko siya iniiwasan dahil nga sa naiilang ako sa kanya at para na din mawala na ang nararamdaman ko para sa kanya at  bumalik na ang dati kong pagtingin  sa kanya na kaibigan lang.

Prang yun lang kasi ang naiisip ko na paraan..

"Ba't mo ba ako iniiwasan?" sabi niya na nalulungkot

"hindi ah..! " pag d-depensa ko

"Oo kaya! Bakit ba??" sabi niya na nagtataka na talaga at parang tutulo ang luha

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon