Akala

1.4K 30 11
                                    

"How does it feel? Seeing your Ex turned from an alien into a Goddess?"

Lagot na naman ako at late ulit sa klase.
Ang hirap mag-kolehiyo dahil higpit masyado.

Pagkapasok ko sa Room di naman nagsalita ang Prof namin. Naka krus lang ang braso at tinaasan ako ng kilay. Nginitian ko na lang siya para pang-palubag loob at umupo na sa upuan sa bandang gitna.

Nagsimula na siyang mag-attendance.

"Mabuti Frank nakaabot ka sa attendance" bungad ka-agad sa akin ng kaibigan ko na si Roy.

Habang nag-aattendance si Ma'am ay may isang babaeng kaklase rin namin na nakaupo sa harapan ang tumayo at lumapit sa kanya.

Nagbigay iyon nang isang index card. Nakatalikod ito kaya hindi ko maaninag.
"So you are new here?" tanong ni Ma'am sa kanya at tumango yung babae.

"Ok Miss Marian you may sit down" itinuloy ni Ma'am yung attendance.

Ano raw? Marian ang pangalan? Kinabahan ako bigla kaya't tinitigan ko nung paharap na siya upang umupo.

"Putek naman oh," sambit ko, bigla kasing tumayo yung kaklase namin sa harap para iurong yung upuan niya kaya't natakpan yung babae.

"Problema Tol Naka-katol?" biro sakin ni Roy na abalang naglalaro ng Pool mania sa Cellphone niya at tiningnan ko lang siya ng masama.

"Miss Marian can you please introduce yourself?" napalunok ako. Hindi naman siguro siya yan.

Pagkaharap niya,
Nanlaki yung mata ko at napa-nganga ako.
"Roy si Marian yung ex ko!" nahampas ko siya ng malakas sa braso.

"Aray! Sinong Ex?"
Itinuro ko si Marian na kasalukuyang nagpapakilala sa harap at napanganga rin si kupal.

"Anak ng, si Marian ba yan? Ang ganda na niya Tol!" niyuyugyog ni Roy yung balikat ko.

Nakatitig ako kay Marian dahil ang laki na nang pinagbago niya. Hindi na kulot yung buhok niya at hindi na rin niya suot yung makapal niyang salamin sa mata. Wala na rin siyang brace sa ngipin. Napakaganda niya na.

Naaalala niya pa rin kaya ako? Ako na nagkunwaring kaibigan niya. Ako na minahal niya nung mga high-school pa kami at ako na nagpatibok ng puso niya at ako na nagwasak rin nito. Ang pag-iwan ko sa kanya para sa ibang babae at ang pag-papanggap ko na gusto ko siya para lang pagkaperahan siya o magkapera ako.

Ang dahilan kung bakit tumigil at umalis siya sa paaralan namin at mag-aral sa ibang bansa.
"Nag-sisisi Tol?" tanong ni Roy. Wala akong naisagot.

Pagkatapos ni Marian magsalita ay nagulat ako sa pag-sulyap niya sa akin. Para akong napaso sa tingin niya kaya't napayuko ako.

Matapos ang klase,
Napatingin ako sa kinauupuan niya at lakijt gulat ko na nakatayo siya at pinagmamasdan ako.

Nag-tagpo yung mga mata namin at gusto kong umiwas sa hiya pero, hindi ko magawa.

Kumurba ang mga labi niya, naningkit ang mga mata niya. Totoo ba ito? Nginingitian niya ako?

Di ko alam ngunit nakaramdam ako ng kasiyahan. Simula nun, sa araw-araw na pagpasok ko sa Eskwelahan nasisilayan ko yung ngiti niya subali't di pa rin ako makalapit dahil para na siyang isang prinsesang hindi maabot na madaming taga-hanga at kaibigan. Pakiramdam ko isa na lamang akong maliit na parte ng nakaraan niya at bukod doon nahihiya pa rin ako sa nagawa kong sugat sa puso niya. Ni hindi ko alam kung magiging mahalaga o sapat ba ang paghingi ko ng tawad sa kanya.

Habang nag-kaklase,
"Bagay talaga kayo ni Marian" rinig ko sa likod kaya napatingin ako. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi at sinabihan.

"Roy,Frank Basketball mamayang uwian sa court?" tanong nung kasa-kasama namin sa laro na si Brent na sobrang lapitin ng mga babae at pumayag kami.

Nang mag-break time, nagkasalubong kami ni Marian sa pag-labas ng pinto.
Kung dati ako ang hinahabol niya, ngayon baliktad na.

Isama na rin yung nararamdaman ko.
Naglakas loob na ako
"Marian kamusta?" tanong ko at inakbayan pa ako ni Roy at kumaway rin sa Ex ko.

Ngumiti siya "Ok naman, Ikaw?" hindi na siya mahiyain katulad ng dati at parang wala lang sa kanya yung pag-tugon niya sa akin.

Sasagot pa lang ako ngunit, hinila na siya ng kaibigan niya at madaling tumakbo kung saan.

Tinapik tapik ako sa balikat ni Roy."Next time Tol"

Pagkabalik sa Room, ang ingay ng grupo nila Marian. Di ko malaman kung ano yung pinag-kekwentuhan nila at parang tuwang tuwa sila at kinikilig.

Naisip ko lang na, siguro dahil yun sa kinausap ko siya kanina. Napangiti ako sa isipan ko.

Ginawa ko na ang matagal ko nang dapat gawin. Hindi ko masabi ng harapan kaya idadaan ko na lang sa sulat.

Isang sulat na may malaking SORRY.
Isang salita na kinakailangan ko nang sabihin, isang salita na maaring maglapit muli sa amin.

Nang mag-uwian ipinabigay ko iyon kay Roy at
pagkatapos ay dumiretso na kami sa Court. Naunahan pa namin sila Brent.

Pagkarating nila,
May inabot sa akin si Brent
Isang sulat,

Frank,
Tinatanggap ko po yung sorry mo at wag ka pong mag-alala dahil wala na yun nakalipas na yun. Kung maaari nga lang maibalik natin yung dati. Sobrang ikatutuwa ko po iyon,

Marian.

Ang sarap sa pakiramdam. Sa totoo lang hindi ako nagdadalawang isip na ibalik yun, bukas gagawin ko.

Kinabukasan..

Nalate ako dahil bumili pa ako ng maliit na lobo na korteng puso na nasa backpack ko kaya naitatago. Sana magustuhan niya.

"Frank, may sasabihin ako sayo. Importante Tol" seryoso ata masyado si Roy.

"Ako rin Tol" binuksan ko yung bag ko at ipinakita yung binili ko.

Nagtaka ako kung bakit ganun yung reaksiyon ni Roy na parang gulantang na nanghihinayang.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko ngunit umiling lang siya. Ang wirdo.

Breaktime..
Sinusundan ko na ng tingin si Marian. Nasilayan ko nanaman yung ngiti niya.

Nauna silang lumabas sa Room pati na rin yung mga nasa likod namin.
"Roy? Pakibigay nga ito kay Ma'am sa kabilang room" si Ma'am ipinapabigay yung kahon ng chalk.

Kung kailan pa ako nagmamadali.
"Saglit lang Tol ah" ani Roy pero, di na talaga ako makapaghintay pa kaya't kinuha ko na agad yung gamit ko.

Nag-tanong ako sa kaibigan ni Marian na nakasalubong ko, nagtaka ako na di sila magkakasama pero mas pabor ako.

Aniya nasa parke sa Eskwelahan si Marian.
Nagmadali at tumakbo ako habang hawak ko na ang pusong lobo ngunit nang makita ko siya o sila ay naging lakad hanggang hinto ang nangyari sa mga paa ko.

Nakatalikod man sila sa akin, alam kong sila yun.Bumagsak yung kamay ko na may dala ng pulang bagay.

Bakit ganoon? Tanging tanong ko.
"Tol!" pumantay sa pagkakatayo ko si Roy at pareho kami nang tinitingnan ngayon.

"Sabi sa akin ni Brent, gusto ni Marian mabalik yung dati, yung dati niyong pagkakaibigan"

Humigpit yung pagkakahawak ko sa lobo.
"Tol hindi ikaw yung dahilan ng ngiti niya, Si Brent yun"

Awtomatikong napatalikod na ako at naihampas ko yung lobo sa halaman na nagpawala ng hangin sa puso nito.

Akala ko..
Para akong nadaya, umasa ako at nagmukha akong tanga.
Ang sakit.

Painful it is, when you still can't get over him/her while she/he can't even remember you.
--fatymagine

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon