Chapter 1

436 6 0
                                    

Sehun POV:

"Na bo-bored ako dong saeng, tara nga nood tayo sa laptop ko." Sabi ni Kai hawak hawak yung laptop nya.

"Eh, ano nanaman papanoorin natin ha? Ayoko nga baka porn nanaman yan!" Sabi ko sa kanya habang kinakalikot yung phone ko.

"Eto naman eh, basta pag ako nag yaya manood, porn agad?" Tanong ni Kai hawak yung usb nya.

"Eh, ano ba? Yun lang naman lagi mong pinapanood eh." Sabi ko sa kanya, kasi totoo naman eh.

"Grabe ka. Manonood na ngalang ng Train to Busan. Sasabi hin mong porn luh sya." Sabi nya habang binubuksan yung laptop nya.

"Hoy, kung manonood ka sana ng Train to Busan sama mo naman kami sa sinehan nalang tayo manood." Biglang singit ni Suho na nasa likod lang pala namin, akalain mo yun? Nakasingit pa sya sa tangkad nyang yan.

"Ayoko nga baka pag kaguluhan pa tayo ng mga babae doon." Sabi ko sa kanila. Ayoko kasi ng masyadong tumatakbo, nakakapagod ehh.

"Edi ayos, madaming chicks." Sabi ng katabi kong byuntae, sino pa ba edi si Kai!

"Eto eh puro babae nalang laging iniisip." Sabi nung may abno na tenga.

Biglang may kumatok sa pintuan ng dorm namin.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang manager namin.

"Manager, napabithita po kayo." Sabi ko sa kanya at pinapasok sya sa dorm.

"Ah, oo pakitawag nalang yung ibang members." Sabi nya sakin.

"Thige po, maupo po muna kayo." Sabi ko sa kanya habang pinaupo ko muna sya at tinawag ko yung iba.

"Hyung! Nandito thi manager!" Tinawag ko yung ibang members ng pautal utal. Bulol kasi ako eh.

Sasabay sabay silang naglabasan sa mga kwarto nila.

"Ano ba yan Sehun? Bibisita na ngalang si manager bulol ka parin sa 'S'?" Paepal na sabi ni Suho.

"Ah, buti nalang kumpleto kayo. May gusto lang akong sabihin kay Sehun." Sabi ni manager habang umupo kami sa harap nya.

"Ako po? Bakit po?" Tanong ko sa kanya.

"O operahan daw yang bibig mo para hindi ka na mabulol." Epal talaga tong pandak na toh.

"He, wag ka ngang ano. Yan ngang height mo na punta sa baba ni kris eh." Ganti kong sibabi sa kanya.

"Ba't naman ako nadamay dyan?" Sabi nung taga galaxy.

"Tumahimik nga kayo hindi nyo pa kasi pinapatapos si manager eh, kaya kayo nag aaway away." Wow grabe toh si Baekhyun. Parang hindi sya madaldal ah.

"Nagsalita ang hindi madaldal." Isa pa toh si Suho.

"Tama na kasi!" Sigaw bigla ni Kyungsoo.

"Eh, ano po ba talaga yun manager?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Si Sehun ay napili sa show na 'We Got Married'. Gusto ko lang sanang itanong sayo kung papayag ka." sabi ni manager. We Got Married? Kasali ako doon? Ayos!

"Luh, hindi pwede Sese. Pano naman ako? Eh ang Hunhan?" sabi ni Luhan na biglang kumapit sakin. Grabe naman toh. Ang oa, show lang naman yun ah.

"Haha, wag kang mag alala show lang yan. Di rin naman yan ganoon ka tagal." sabi ko sa kanya.

"Eh, gaano nga po ba katagal yan manager?" Tanong ni Luhan. Grabe naman toh. Dapat ako nagtatanong nun eh.

"Wag kang magalala mga one year lang naman yan eh." Sabi ni manager.

"ONE YEAR?? Di ko kaya yan Sese." Biglang sigaw ni Lulu. Hay nako. Akala mo sya yung ikakasal eh.

"Eh, at least tunay na babae yung kasama ko." asar ko sa kanya.

"Haha, oo nga luhan. At tsaka show lang naman yan ehh." Sabi ni Chanyeol.

"Eh, kung hayaan nyo kayang magsalita si
Sehun." Nagsalita yung troll doon sa likod. Sino pa ba? Edi si Chen!

"Kahit naman hindi ako pumayag ehh isasama parin ako ni manager. Kaya sige nalang. Tsaka para ma-improve din yung acting skills ko." Sabi ko sa kanila. Big opportunity toh para sa acting skills ko.

"Sige bukas ko nalang ipapakilala sayo yung papakasalan mo." Sabi ni manager palabas ng dorm.

"Thige po, ingat po kayo!" sabi ko bago isara yung pinto.

Pagkaalis ni manager biglang nag kagulo.

"Oh ano na? Nood na tayo ng Train to Busan guys!"

--------------------------------------
Ahhhh! First chapter magulo agad! OK na ang pogi ni Sehun diba? Yun pa! Sige na sa next chapter nalang ulit! Bye Exo-L!!
-Aj <3

We Got Married  [Exo's Sehun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon