Chapter 5

64 2 0
                                    

"Huy, ano bayan pikunin ka pala. Wag mo nalang kasi sila pansinin." sabi ko sa kanya.

"Ehh, paano ko naman sila hindi papansinin. Hindi pa nga nila alam lahat ng mga pinagdaan ko, tapos aasarin nila ako ng ganun." sabi nya habang naiyak.

Napatahimik nalang ako ng sandali

"Hindi ako katulad nyo na kakanta lang sa stage ehh, million million na ang kinikita. Ang daddy ko lang ang bumubuhay samin. Pero nag kataon na naghiwalay ang parents ko, kaya nagdusa kami ng ilang taon na halos kanin at asin lang ang kinakain namin araw araw. Ehh nag iisa pa akong anak. Kaya nung naka-graduate ako, nahirapan ako mag hanap ng trabaho para may makain manlang kami ni mommy. Pero mabuti nalang nakahanap ako agad. Make up artist ako ngayon. Nagkataon din na nakapasok ako dito sa show na to. Malaking pagkakataon to para mabuhay si mommy. Tapos gaganyan-ganyanin nyo lang ako!" kwento nya sakin.

Grabe yung pinagdaan nya. Sa itsura nyang ganyan hindi ko inakalang mahirap lang sila.

"Tumigil ka na. Wala kang mapapala sa kaiiyak mo dyan." sabi ko sa kanya.

"Eto oh. Punasan mo yang luha mo." sabi ko sa kanya ng binigay ko yung panyo ko.

"Mabait ka rin pala nho?"

Pfft. Hindi ako mabait pinag bibigyan lang kita. Ang innocent mong tingnan.

"Hindi ako mabait. I'm cold. Nagkataon lang na mabait ako kasi natapunan kita ng kape kanina. Magugulat ka nalang mamaya hindi na ko namamansin." sabi ko sa kanya.

"Wow ha grabe ka sakin. Umiiyak na nga yung tao tapos gaganyanin mo lang ako."

"Umiiyak o umiyak? Tapos na yung drama mo ehh. Wala ka na namang luha, natuyo na. Sadyang umaarte ka lang."

"Bilib din ako sayo ehh. Pag nangangasar ka hindi ka nabubulol. Alam mo umaarte ka lang rin ata ehh."

"Bahala ka na nga dyan! Matutulog ako. Kaya wag kang maingay." sabi ko sa kanya ng naiinis. Ang ingay naman nung babaeng yun.

"Edi matulog ka! Wala akong pake!"

Ang arte nga babaeng yun. Feeling close. Kala mo mabait, maldita pala. Hays, makatulog nga muna.

--End of Sehun's POV--

Shane's POV:

Ang sama ng Sehun bulol na to. Kala mo kung sino. Nung una akala mo mabait. Hays makalabas na nga dito sa kwarto na toh.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko yung ibang Exo members nandun sa sofa nakaupo.

Wow ha ang tahimik. Ano ba nakain ng mga to at ganyan sila? 

"Huy, D.O ano ba pinakain mo sa mga to at ang tatahimik nyo?" tanong ko sa kanya. Halos sya naman ata madalas magluto para sa kanila eh.

"Hindi ako ganoon magluto nho!" Sigaw nung kwago sakin.

"Oh, ano pahiya kayo ngayon? Kayo kasi ehh mga tsismoso." sabi ko sa kanila.

"Sorry na. Hindi naman namin sinasadya eh." sabi ni Baek.

"Hay nako. Sige na nga. Pero sa susunod na ganyanin nyo ko ewan ko nalang." sabi ko sa kanila. Nakaka awa naman tong mga toh.

"Hay salamat~ Ayy oo nga pala. Bakit mo nga ba nagustohan si Sehun?"

Hala? Kung ano ano na namang tanong lumalabas sa bibig ni Xiumin.

"Kasi pogi ganun? Huh madami naman kaming pogi dito ahh. Bakit si Sehun pa?" sabi ni Lulu.

We Got Married  [Exo's Sehun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon