Chapter 3

91 2 0
                                    

Sehun's POV:

"Sehun! Gising na! Ngayon mo makikilala yung papakasalan mo diba?" Ugh! Epal naman to si Tao ehh natutulog pa nga yung tao.

"Ehh. Inaantok pa ko!" Sabi ko na halos nakapikit pa yung nga mata ko.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto.

"Maligo ka na at magbihis. Lalabas muna tayo." Sabi ni Suho doon sa sala.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ko pag labas ng kwarto

"Wala lang. Bili tayo ng kape." Nice, rich kid talaga si lolo Suho.

Kinuha ko na yung twalya ko, naligo at nagbihis. Tapos nun lumabas kami at nagpunta sa Starbucks.

"Hyung, libre mo nalang ako." Sabi ko kay Suho pagdating namin.

"Aish! Sige na." Yehet! Nilibre ako nu Suho.

...

Pagkatapos naming um-order ay umuwi na agad kami.

"Sure ka ba talaga na hindi ka kinakabahan? Parang walang magyayaring kasalan ahh." Tanong ni Lulu.

"Hindi naman. Parang ikaw pa nga yung mas kinaka-- Ay! Sorry po!" Napatigil kami ng lakad matapunan ko ng kape yung dumadaang babae.

Luhan kasi! Yan tuloy natapunan ko pa ng kape yung babae.

"Miss I'm so sorry. Hindi ko po sinasadya." Sabi ko sa kanya.

"Ay, hindi ayos lang. Onti lang naman yung natapunan at tsaka aksidente yung nang yari I understand." Sabi nya habang inaayos yung damit nya.

"Sorry po talaga. Bibilhan ko nalang po kayo ng bagong damit." sabi ko sa kanya, nakakahiya naman kung wala akong gagawin diba?

"Hindi na, ok na. Hindi naman halata. Pauwi na rin naman ako." sabi nya.

"Kasalanan ko po ito kaya hayaan nyo nalang po ako gumawa ng paraan." Iniwan ko yung ibang members at hinila ko sya papunta dun sa isang clothing store.

Pinapili ko sya ng tatlong dresa para masukat at bilhin.

"Sure ka bang ok lang sayo?" tanong nya sakin habang nasa fitting room.

"Ne" sabi ko sa kanya.

Lumabas sya ng fitting room suot yung blue dress na binili ko sa kanya.

"Ayos lang ba tingnan?" tanong nya sakin.

"Oo, ayos lang. Ang ganda mo nga eh." sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya.

Parang ngayon ko lang napansin na parang hindi nya ko kilala.

"Tanong lang, alam mo ba yung Exo?" tanong ko sa kanya.

"Ahh, oo naman. Diba ikaw yung maknae nila?" nagulat ako sa sinabi nya. Hindi sya tulad ng ibang fans na nagwawala pang nakita kami.

"Sige nga ano pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw si Oh Sehun, Exo-K member and maknae." sagot nya agad sakin.

"Yup, that's me. And you are?" Tanong ko sa kanya.

"Shane Garcia, but you can call me Shane." sabi nya ng makipag shake hands ako sa kanya.

Tumingin sya sa relo nya at nabigla.

"Hala, late na pala ako. Oh sige mauuna na ako. Thank you sa damit ha." Sabi nya bago umalis.

"Your welcome. Bye." sabi ko sa kanya bago sya umalis.
Lumabas na ko ng store at dun ko nakita yung ibang members sa labas nag iintay sakin.

We Got Married  [Exo's Sehun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon