Chapter One; Meet Kimpoy and Miss Toyo

46 0 0
                                    

"Welcome to Manila wooohhhhh!! Yes!!!". Halos magtatalon ako sa tuwa nang unang beses na nakatapak ako dito sa Maynila, kanina pa naman ako nandito pero hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na makakarating ako sa lugar na ito na dati ay nakikita ko lang sa mga babasahin o kaya'y napapanood ko lang sa TV sa tuwing nanonood kami ng balita.

Sobrang nakakapagod ang byahe mula Cebu hanggang dito pero okay lang... Sulit naman, tumingala ka nga lang dito ay mapapawi na ang lahat ng pagod mo dahil mamamangha ka sa mga bago at nagtataasang buildings. Bagama't may mga istraktura rin naman sa aming probinsya, maganda rin kagaya nito pero hamak na mas marami pa ring gusali dito dagdagan pa ng mga naglalakihan na magkakakumpitensyang malls at kahit saan ka tumingin dito ay napakarami ring malalaking sasakyan at napakaraming tao...

May mangilan-ngilang mga estudyante ako na nakakasalubong habang nagtatawanan kasama ang kani-kanilang barkada, mga aplikanteng naghahanap ng mapapasukang trabaho, mga empleyadong gahol sa pag-aabang ng masasakyan papunta sa kani-kanilang trabaho dahil rush hour na at kanina sa nadaanan kong overpass ay may mga batang paslit pa kong nakita na natutulog lang sa mga nilatag nilang karton, ang iba naman ay nangangalabit pa sakin para mamalimos. At kanina sa paglalakad ko rin doon ay may mga kawatan pa na humaharang sa akin para bentahan ako ng mga snatched gadgets sa napakamurang halaga na dito ko lang yata naencounter sa Maynila.

Ang totoo nyan, pagkagaling ko pa lang ng Manila North Harbor ay pumasyal-pasyal na ko hanggang sa napadpad na ko sa kung saan-saan. Mula nang makarating ako dito ay hindi pa ko nakakakain. Gutom na gutom na rin ako kaya napagpasyahan ko na maghanap muna ng makakainang lugar.

Napadpad ako sa isang lumang eatery...

Lumapit ako sa matabang tindera na nakatoka roon at tumingin ako sa pansit bihon na nakadisplay sa loob ng salamin na estante. Hindi ko naiwasang matakam.. Kaya nagtanong ako

"Magkano ho ba ang pansit?'

"Singkwenta pesos ang isang order", sagot sa akin ng tindera

"S-singkwenta pesos?!", pag-uulit ko. Medyo napalakas pa ang boses ko dahilan para mapatingin sa akin yung ibang kumakain roon. Medyo nakaramdam ako ng hiya.

Dahil sa pag-uulit ko na yun ay napataas ang isang kilay ng kaharap kong tindera. Nang makabawi ako ay nagtanong ulit ako.

"Eh magkano ho ang lugaw?"

"Kwarenta pesos ang isang order pero may libre na yung itlog"

Kaya napabuntong-hininga nalang ako. Ganito pala talaga sa Maynila, bukod sa mahal rin daw ang tubig at upa rito, napakamahal rin ng mga bilihin.

"Eh wala ho ba kayong kalahating order lang ng lugaw?", tanong ko.

"Hindi kami nagbebenta ng kalahati dito", nakapamaewang na sagot nito.

"Eh kung alisin niyo nalang ho kaya yung itlog kahit lugaw nalang ho, para yun nalang ho ang bayaran ko?"

"Pwede ho yan wala ng libreng itlog pero ganun parin ang presyo nun. Sayang din yung itlog libre pa naman yon, ikaw din"

"Ganoon ho ba?", nasabi ko nalang habang napapakamot sa ulo.

"Ano? Oorder ka ba o hindi?", medyo mataray na nitong tanong sa akin base sa aking pandinig. Pansin ko rin na magkasalubong na ang mga kilay nito. "Bilisan mong mag-isip at may ibang kostumer pa na nakapila!"

Kaya napalingon ako sa may likuran ko. May walo pa palang customer na nakapila sa likod ko. Hindi ko akalain na blockbuster pala ang eatery na 'to.

"O sige ho", pagkaraan ay sinabi ko. "Pwede ho bang makiinom nalang?"

"Ay, walang libreng inumin dito, may bayad ang mineral water dito pero meron naman dyan libreng tubig. Sa gripo nga lang sasahod ka, yun nga lang ay may bayad din ang baso. Two pesos ang isa, disposable kasi yon. Hindi kasi kami basta-basta nagpapahiram ng baso kapag hindi naman umoorder"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stranger GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon