Chapter 5

2.8K 58 0
                                    


Chapter 5

Nasa bahay slash apartment ako. Naglilinis tapos nakasuot lang ng simpleng sandong puti tapos pedal na maong. Ayaw ko ng mabaho tapos maalikabok na bahay. Abala ako sa paglilinis nang may naramadaman akong kamay na nakapulupot agad sa bewang ko. Kinabahan ako kaya't pinulot ko ang walis tapos pinukpok sa lalaking kamukha ni Cross.

Cross. Namimilog ang mga mata ko.

"Shit! Ang sakit noon, pangga." I immediately touched his face. God, ang gwapo niyang mukha ay masisira ko. Ako pa talaga ang sisira ng mukha niya? Really?

"Sorry! Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi! Huwag kang ganyan! Manggugulat ka lang naman ay huwag ako!"

Umiling lang siya. Hindi naman siya galit pero kita talaga sa mukha niya na nasasaktan siya sa ginawa ko. Natatawa pa ako dahil medyo may bukol na siya sa bandang noo niya.

"Laugh and I'll kiss you."

I shut my mouth. Baka halikan niya ako pero at the same time gusto ko naman na halikan niya ako. Hindi ako tatanggi sa grasya kapag ang usapan ay si Cross na.

"Bakit ba kasi hindi ka nagpaalam kanina? Ayan tuloy may bukol ka na."

Dahan - dahan kong nilagay sa kanya ang bitbit kong ice bag. Hindi naman sobrang laki ng bukol niya. Medyo lang.

"I asked you to get ready yesterday, and now just look at my forehead. Damn."

Sinapak ko siya. Aba'y loko siya ah. Siya na nga itong nanggugulat at siya pa ang magagalit? Saan ang hustisya bess! Saan!

"Aray!" Reklamo niya noong sinapak ko siya. Buti nga sapak lang ang natamo niya.

"Ewan ko sayo, Ver- -."

I stopped. God! Malapit ko nang sambitin iyong surname niya noon!

I glanced over at him and noticed the tension that had crept onto his face. God, anong gagawin ko?

"Who's Ver?"

Huminga ako. Diyos ko, ang bobo ko talaga.

"Ah. Wala."

Pinulot ko ulit iyong ice bag at saka ko dahan - dahang nilagay sa noo niya. He's eyeing me now. I know na may tanong pa siya pero tumahimik na lamang.

Umabot ang hapon ay tahimik lamang siyang nakaupo at nanonood ng showtime. Ako naman ay nagluluto ng snacks namin. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang tahimik niya. I am not use to it. Hindi ko alam iyong galit ba siya o hindi. Hindi ko nga alam ang paborito niyang kulay.

Nang natapos na akong magluto ay hinanda ko naman ang juice namin. Para kaming mag - asawa nito. Nakangiti na naman ako. Hay buhay. Bakit paulit - ulit ka Icah?

I sighed. Sana nga ay siya talaga ang makatuluyan ko. Siya talaga ang gusto ko, wala ng iba.

"Kain ka na." Sabi ko sa kanya pero hindi siya tumingin sa akin. Tutok parin siya sa tv. I rolled my eyes, naiinis na ako ha. Huwag kang ganito Cross, konti na lang ang oras na makasama kita tapos ganyan ka pa?

"Lalamig ang niluto ko, pangga."

Pero hindi parin siya umimik. I bit my lower lip. Ganyan ba siya? Talaga? Bakit hindi ko siya maamo -amo? Hahanapin ko pa ba si Trixia para mapaamo ko siya? Pero bumalik sa isipan ko na hindi na muna sa ngayon dahil ako muna ang mag -aalaga kay Cross. Minsan lang naman e. Pagbigyan na lang muna.

"Ayaw mo bang kumain?"

I sighed. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na niya ako.

"Who's Ver, Chzenaicah?" He asked me again in that question. Hindi ba siya nakamove - on kanina? O baka naman naalala na niya ang past? Hala, huwag naman. Nasa chapter five pa lang ang moments namin tapos agad - agad ay mawawala na lang bigla?

"Wala iyon." Sabi ko pa. Pero hindi parin siya naniniwala sa akin. I sighed. Kailangan ko na naman magsinungaling. Really, I am not a liar pero sa sitwasyong ganito ay mapapahamon ako. Jusko!

"Sige na nga. Naalala ko lang ang friend kong, Ver.. Basta ganoon iyong pangalan niya tapos may bukol siya noon- -."

"Is he a guy?"

Napahinto ako.

"She's a girl. Ano ka ba. Hintayin mo ngang matapos ko ang story. Tapos ayun nabukol siya dahil sa pagsipa ko ng bola kaya ako ang tumulong sa kanya. Kaya nga naalala ko siya dahil pareho kayo sobrang kulit."

I smiled. Sana gumana.

"I thought you were thinking about someone, like a man."

I smiled even more. Really? Ikaw ba iyan Cross? Malapit na akong maniwala na may forever.

"I'm jealous, pangga. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero gusto ko lang ay ako lagi ang iisipin mo. I don't know why. I am acting like a possessive boyfriend, fuck it."

Napasinghap ako. I bit my lower lip and stared at him. Is this real? Pwede bang hindi na mag - blink iyong eyes ko? Para kasing panaginip. Panaginip na ayaw kong tapusin.

"Keep that smile to me, pangga." He said. I nodded tapos sumubo siya ng pan cake at ako naman ay inaalagaan siya.

Nagkwentuhan kami tapos nagmovie marathon. Ang title ng movie ay Me Before You. Nakakaiyak. Minsan lang ang ganoong istorya. Alam kong nalungkot rin si Cross dahil tahimik lang siya. Hindi ko mapigilan na huwag umiyak dahil masakit talaga. Kahit movie lang iyon ay parang ako iyong nasaktan doon.

What if Cross does the same thing as the character in the movie we watched, will he do that? Will he kill himself and leave me hanging? Because that's the only solution. That's the only decision needed.

Nakakatakot.

"Hey, stop crying. Kung alam ko lang na ganoon ang movie ay hindi ko na lang iyon pinanood sa'yo." Masuyo niyang sabi sa akin. Napaiyak na talaga ako. I immediately snaked my hands on his neck then I hugged him very tight.

"Please don't leave me like the man in the movie. It would break me forever."

Tumawa siya. Hinalikan naman niya ang aking tuktok sa ulo ko.

"It won't happen, okay? Stop crying na. Mukha kang bata."

Tumawa narin ako. I really love this man. I hope all my wishes come true. I know, kase bakit nandito si Cross kung wala namang plano si God para sa akin?

"Promise? Hindi mo ako iiwan?"

With a smile on his face, he uttered the most incredible words I have ever heard.

"Mahal kita, hindi kita iiwan, pangga."

...

"Ang saya natin ha?" Pigilan niyo ako please lang. Nananadya talaga si Yna. Umagang - umaga ay namb-bwisit siya.

"Tumahimik ka pwede?"

"No, no. I won't do that. You know what, Icah. I wanted to be your friend pero kung ganyan ka lagi sa akin ay huwag na lang."

Sabi niya at saka siya umalis. I rolled my eyes. Ayaw kong magkaroon ulit ng kaibigan. Sa katunayan nga ay walang magandang idudulot ang kaibigan. Saksi ako at magiging biktima na naman ako kung sakaling magiging bobo na naman ako.

My phone beep. I held it and answered. Hindi ko tiningnan kung sino ang tumawag.

"Did you enjoy hanging - out with Cross?"

Na - stunned ako. Hindi ko siya kilala.

"Who's this?" Dyahe! Kinabahan ako!

"You better enjoy the moment with Cross. Hindi kita pipigilan."

Tapos wala na akong narinig kundi ang puso kong kinakabahan hanggang ngayon.



AIRYL04

To Love Again (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon