Part I

4 0 0
                                    

Eclair's PoV

Siguro kung nasa posisyon ko kayo , mas gugustuhin niyong kayo nalang ako , pero makakayanan mo kaya lahat ng problema na dadaan sayo?

Hindi madali ang mamuhay sa gantong sitwasyon , sa ganitong pamumuhay, masyadong delikado . Ang buhay ko hindi katulad ng buhay mo, kumakain , nagiinternet , natutulog, nagccellphone, at minsan malasenyorita pa ang peg mo eh pero lahat ng iyon hindi ko magawa oo siguro nagawa ko na sya pero panandalian lang , dahil buong buhay ko hinahabol ako .

Bakit?

Isa akong mutant , na nagtatatrabaho sa isang agency na kung saan lahat ng masasama hinahabol at pinapatay ko . Ordinary story? I know mukha siyang ordinary but it's not.

Ang tatay ko ang may-ari ng agency na iyon , at ako ang Top agent niya , di dahil anak niya ako ay magiging isa ako sa pinakamagaling na agent , pinaghirapan ko iyon , tinulungan lang ako ng tatay ko sa lahat ng mga training pero aside from that , wala na.

Gusto niyo kong makilala? Syempre gusto niyo di naman pwedeng wala akong identity sa storyang 'to ako kaya ang bida hahaha.

Ako nga pala si Eclair Hannighan , a mutant and also a secret agent , my dad is a mutant, my mom? She's just an ordinary but an amazing woman I've ever met in my entire life but unfortunately she died . Hindi siya namatay dahil pinatay siya ng mga humahabol sa amin ni daddy , pero sabihin ko na rin na siya talaga ang puntirya ng mga gusto kaming mawala sa mundong 'to , at makuha ang puso namin na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan . Namatay ang mommy ko dahil sa brain cancer huli na ng malaman namin un stage 4 na iyon at wala na kaming ibang magawa kundi ang pakawalan siya. Binibigay ng dad ko ang puso niya sa mommy ko , pero tinanggihan iyon ng aking ina , sabi niya kung oras na niya oras na niya at mas kailangan ko daw si daddy keysa sakanya kasi si daddy lang ang makakapagpalakas sakin at si daddy lang ang may alam kung paano pangalagaan ang isang katulad ko at siya ang may kakayahang prumotekta sa akin. Tama na baka maiyak na  ako sa kwento ko dapat malakas at matapang ako dito sa storyang 'to. ECLAIR is both from my mom and dad , Claire Hannighan ,my mom and Emmanuel Hannighan is my dad . 18 years old na ako at sumasabak na ako sa matinding training hindi katulad nung bata pa ako , minor lang at may kasama ako tuwing may mission na gagawin . ito na ang oras na gawin ko ang isang mission ng ako lang magisa pero gagabayan parin ako ni daddy pati na rin ang mga kaibigan ko sa loob ng agency.

May pinsan ako at the same time she's my bestfriend , si Thalia kasama din siya sa agency na tulad ko isang din siyang mutant. X-men? Kala niyo di ko nakita yun ? Totoo 'yon kami ang patunay , di niyo lang kami nakikita dahil ayaw naming kami ang makita ng pinagtataguan namin.

Thalia , is the daughter of my dad's brother Tito Theodore maswerte siya thalia kasi may nanay siya si Tita Alliyah . sila ang katulong ni dad magpatakbo ng agency .

*PAK*

'AWWW FVC---'

'subukan mong ituloy yan , susumbong kita sa daddy mo .'-Thalia , nanampal kasi ee

'Bat ka kasi nananampal?'ang sakit sakit huhu sabi ko dapat matapang ako diba Eh sa masakit tlaga kayo sampalin ko dyan eh.

'Nagddaydreaming ka naman at iniisip ung lalaki sa panaginip mong kukuha ng puso mo? Hmm. Kanina pa kasi ako dada ng dada dito di ka naman pala nakikinig. Hmmp.' Reklamo niya sakin . oo napanginipan ko yun ang lalaking kukuha ng puso ko HINDI in a love way ahh ung literal na kukuhain yung puso! Mamamatay muna siya bago niya makuha ang puso ko.

'Sorry, Hindi ko talaga alam Thalia kung sino yon blurred kasi ung mukha niya pero sisiguraduhin kong mawawala muna siya sa mundo bago niya makuha 'to.' Seryoso kong sagot sakanya

'Thalia , Eclair pinapatawag kayo ni Mr. Hannighan sa conference room.'Raiko isa sa kasamahan namin , ang pinanggalingan niyang Mutant Clan ay ang pinakamalakas  siya ang kasama namin ni thalia sa lahat ng mission . gwapo si Raiko kasing edaran ko lang siya , ulila na siya as in wala na talaga siyang magulang kinukop siya ni daddy at pinagsanay siya para rin matuto siyang ipagtanggol ang sarili niya, nanliligaw sakin si Raiko pero di ko sinasagot bakit? dahil alam kong mapapahamak lang siya pag naging parte siya ng buhay ko at ayokong mangyari yon.

Nagpunta na kami agad sa conference room , dahil nako pag nalate ka paktay ka anyways binigyan kami ng babala ni daddy na any time pwedeng umatake ang -- ang kalaban namin , sila ang gustong kumuha sa puso naming mga Hannighan , pero hinding hindi namin hahayaan na mapasakanila ang pusong iniingat ingatan namin.

Ang mga  El haute ay kayang magpalit ng anyo pero tinatraydor sila ng mga mata nila , inilalabas o ipinapakita nito ang totoong anyo nila pag tinititigan sila kahit sampung segundo lang.

Anong kakayahan naming mga Hannighan? Nakakalipad kami , ung gamit ung pakpak , kaya naming mambasa ng isip ng tao, kaya  namin pagalawin ang mga bagay gamit ang isip namin , kaya naming makipagcommunicate gamit lang ang isip namin. Ganun kami kakapangyarihan at itong kakayahan na ito ay nanggagaling sa puso namin kaya hindi nila pwedeng kuhanin ito , dahil alam namin na magagamit lang sa masama ang mga kakayahan namin.

'Naghahanda na sila para sa atin , naghahanda na sila para makuha ang sa atin. Kaya gusto ko magensayo pa tayo para mas handa tayo kaysa sakanila .Yun lang sige na bumalik na kayo sa ginagawa niyo.' sabi ni dad . lumabas na lahat ng nasa conference natira nalang ako saka si dad.

'Da--' naputol ang sinabi ko dahil nagsalita si dad.

'Wag ngayon Eclair , marami akong problemang iniisip , at saka delikado na sa labas di ka na dapat lumalabas ng building na ito.' Sabi niya habang minamasahe niya ang sentido niya.

'Pero dad kaya ko ng protektahan ang sarili ko , hind---' giit ko sakanya . pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa

'ECLAIR , HINDI NA SAFE SA LABAS WALA AKO DOON PARA PROTEKTAHAN KA! HINDI KA NA NGA DAPAT SUMASAMA PA SA MGA MISSION , DAHIL KAHIT ANONG ORAS PWEDE KA NILANG KUNIN O KAHIT ANG PUSO MO LANG!' Kumalma siya bigla 'ayokong mawala ang pinakamamahal at iisa kong anak , tama na sakin ang mawala ang mommy mo ayoko ng pati ikaw mawala na rin.' Tumulo na ang luha niya , niyakap ko nalang si daddy , naisip ko tuloy parang napakaselfish ko kung igigiit ko ang sarili kong mag-aral sa labas sa isang unibersidad at mamuhay bilang isang normal at typical na dalaga.

Di ko gustong saktan si daddy , pero gusto ko talagang mamuhay tulad ng isang dalaga lang na normal na namumuhay katulad niyo.

RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon