Chapter I Elevator

0 0 0
                                    

5 years after......

R H T H Y M

"One order for baked macaroni please." Sabi ni Angie ng pumasok siya sa kitchen ng restaurant na pinagtatrabahuan namin.

"Coming." Agad na sagot ko at dali-daling inihanda ang order.

Angie is a waitress and I am the chef here. It's just a small restaurant pero kumikita naman ng sapat.

Donya Felicia was the name of the restaurant. Alinsunod ito sa Great-great grandmother ng may-ari into na si Tito Arman Delgado. We are not blood-related if you're wondering Kung bakit Tito ang tawag ko. It's just that, ayaw niyang tawagin namin siyang boss, sir, or any formal names. Sabi kasi niya, mas gagaan at magiging masaya daw ang trabaho ng bawat isa kung pamilya ang turingan ng bawat isa.

So, ganun nga. Mag dadalawang taon na ako dito. So far, okay naman. Kahit mahirap ang buhay kinakaya lalong-lalo na kapag may obligasyon ka na.

"2 order for chicken roll with cheese." Aileen barge in. Isang waitress din.

"Copy" Sabi ko naman. Dali-dali ko naman itong niluto and then put it in a plate, designed it as simple as possible at tinawag si Aileen.

"Dami pa bang tao?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. Full pa yung mga tables at may pumipila pa. Kaya, kilangan nating mag triple time." Sabi niya saka kinuha yung order at tinungo si George para kunin dun yung drinks na order rin.

As Aileen says, madami nga. Hindi na ako nagulat ng silipin ko na hindi magkaugaga ang nga staff. And for a full hour, naging busy na ako.

Napabuntong-hininga ako ng makitang wala ng tao at magsasara na. Ibig sabihin, tapos ang trabaho namin. Sa wakas at makaka-uwi na rin ako. Half day lang ang shift ko ngayon. From 1 pm ng hapon hanggang 8 pm ng gabi. Pumunta na ako ng locker ko at kinuha ang damit ko pagkatapos at tumungo sa C.R upang magpalit ng damit. Nang matapos na akong mag ayos at tumingin ako sa salamin then wala sa sariling napahilamos dahil sa pagod. Pinatuyo ko ang aking mukha gamit ang bimpong dala ko then lumabas na ng C.R . Saktong pagkalabas ko, tumunog ang Cellphone ko. Napangiti ako pagkakita kung kaninong pangalan ang nakarehistro doon.

(Luke's calling......)

Agad na nawala ang pagod na aking nadarama pagkarining ko sa kanyang boses.

"Hello mommy?" Luke said with his cute voice. Napakasarap pakinggan ang boses ng munti kong anghel. Boses palang niya nawawala na agad yung pagod ko. Ano pa kaya kung mayakap ko na siya ng pagkahigpit higpit. Napangiti na lang ako sa sarili. Diyatat sabik na sabik akong makita ang anak ko gayong magkikita rin naman kami pagkalipas ng ilang minuto. Napabalik lang ako sa tama kong pag-iisip ng marinig ko uli ang boses ng aking anak.

"Mom? Still there?"

"Yeah. I'm still here. Sorry anak ha. Medyo lutang si mommy mo ngayon. But since narinig ko na yung boses mo, hindi na lutang si mommy." I said at inipit ko yung phone ko sa pagitan ng tenga at shoulder ko. Pagkatapos at binuksan ko na yung locker ko at pinasok yung chef uniform ko. Pagkatapos isara at tinuloy ko ng maglakad palabas ng room. Nakarinig ako ng mounting hagikhik mula sa kabilang linya ng telepono dahilan upang mapangiti ulit ako.

"Uuwi ka na po ba?" He asked.

"Oo. Anung gusto mong pasalubong?" I asked while smiling. Imagining him putting his pointing finger into his chin, eyes above and pouting. I laugh silently as I find it amusing.

"Kahit wag na mom. Uwi kana bilis. May ikukwento ako sayo." He said happily. I can sense it.

"Okay. Okay. Nasa bahay ka na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa po."

"Okay. Susunduin kita. Dyan ka lang kina ate Rachel mo. Mag behave ka ha?" I said while I grab my bag sa may table malapit sa freezer. Iniwan ko kasi dun kanina.

"Opo."

"Okay. Sige baby, behave muna ha. Ibababa na ni mommy. Pupunta na ako Dyan. I love you."

"Okay mom. I love you din. Ingat ka." Sabi ng anak ko tsaka ko binaba.

Luke is my 4 years old angel. He's my life. He's my everything. Kapag mawala siya, wala na rin akong dahilan upang mabuhay. I can't live without my son. Kaya nagpupursige akong magtrabaho para maibigay lahat ng mga pangangailangan niya. I always shower him with love everyday. Para hindi niya maramdaman na nag iisa siya. I love him with all my life siya na lang ang meron ako.
Agad akong nagpaalam Kay Crissie na siyang kahera namin at itinanong Kung nauna na ba si Angie.

"Naku. Kanina pa po ate. Nagmamadali nga po eh. Sabi niya, may date daw siya." Sabi ni Crissie na sinundan nito ng mahinang tawa. Napa ngiti nalang ako.

"O Siya. Mauuna na ako sa inyo. Pakisabi nalang kay Tito na Mauuna na ako. Susunduin ko pa ang bubwet ko." Sabi ko.

"Teka po ate, kelan niyo po dadalhin ulit si baby Luke? Namimiss na po namin ang kakyutan ng anak niyo po. "Ani ni Crissie. Madalas ngang pumunta dito si Luke kasama si Rachel. Kaya close na close ang mga Ito sa kanyang anak. Lalong lalo na ang kanyang Tito Arman. Namimiss daw kasi nito ang kaniyang mga apo kaya anak ko ang pinagdidiskitahan.

"Sa susunod na sabado. Baka maisama ko siya dito. Tutal wala naman silang pasok. Sige mauna na ako. Mag iingat ka sa pag uwi." Sabi ko Sabay lakad patungong parking lot Kung saan naka park ang kotse ko. Medyo luma na pero pinagtsatsagaan ko dahil wala naman akong pambili. Sapat lang ang sahod ko sa pang araw araw na gastos namin mag ina at nag iipon pa ako para sa kinabukasan no Luke. Nag iipon run ako para makabili na kami ng bago naming bahay dito sa Manila.
Agad Kong ini-start ang makina at binagtas ang daan papunta kina Rachel. Speaking of Rachel, matagal tagal na rin kaming magkaibigan. Simula ng dumating ako dito sa Manila, siya na ang pinaka una kong naging kaibigan. Kaibigang kailan ma'y hindi humusga kung anuman ako. Tinanggap niya ako bilang ako. Nagkakilala kami ng naghahanap ako ng apartment na tutuluyan. Nag offer siyang sa kanya na lang ako makituloy tutal isa lamang siya sa Condominium na tinitirhan niya. Sa una umayaw ako kasi nahihiya ako at ayokong maging pabigat ngunit kalaunan ay sumang ayon na rin. Pagkasilang ko Kay Luke, ilang buwan ang nag daan ay nagpursige akong maghanap ng apartment na matitirhan gamit ang perang ibinigay ng namayapa Kong mga magulang. Luckily nakahanap naman ako. Sa ngayon, pumupunta kami kina Rachel kapag may oras O di kaya ay kapag Hindi ko nasusundo si Luke gaming school. Tutal pareho naman ng school na pinapasukan ang anak ni Rachel na si Zeke, sinasabay nalang nito si Luke. Close naman si Zeke at Luke dahil palagi silang magkalaro.
Di nag tagal, nakita ko na ang Condo na tinitirhan ni Rachel.

Agad akong nagpark at naglakad papasok. Dahil kilala na ako ay pinapasok ako kaagad. Agad Kong tinungo ang elevator. Magsasara na sana ito ngunit mabuti na lang at napigilan ko. Napahinga ako nga maluwag. Mabuti na lang at na abutan ko pa.

"What floor are you?"

Napakislot ako sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko. Jusko. Papatayin ata ako nito. Agad akong napalingon sa likod upang mapagsino ang nagsalita.

Natuod ako ng makilala ang nagsalita.

"I-Ikaw?"

SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon