A/N Guys, meet Marco Israel. Enjoy reading!
R H Y T H M
"I-Ikaw?!" Sigaw ko sa gulat. Jusmeyo. Papatayin ba ako nito sa gulat?! Nakoo.
"Them, musta na? Matagal tagal na rin tayong hindi nagkita." Nakangising sabi ni Philip.
Napasimangot ako.
"Walanghiya kang abnoy ka. Papatayin mo ba ako sa gulat?!" singhal ko saka binatukan itong hinayupak na ito. Hindi naman ito natamaan kasi ang taas nito saka nakaiwas pa itong hinayupak na ito. Kaya imbis na batukan ulit, pinalo-palo ko nalang.
Philip is my childhood friend. Sa probinsyang kinalakhan ko, masasabi kong siya lang ang maituturing kong tunay na kaibigan. He always there when I need someone to comfort me. He always there when the times that I'm already down. Nandoon siya sa mga Ups and Downs ko. Siya ang sinasandalan ko kapag nalulungkot ako.
"Aray. Aray. Tama na. Ano ba." hinaing niya habang sinasangga ang mga palo ko.I stop hitting him tsaka nakasimangot na tumingin sa kanya.
"Ikaw naman kasi. Ba't mo ko ginulat?"
Binaliwala niya ang aking tanong bagkus ay ininis pa ako.
"Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng kamay mo. Hindi pa ba yan kinakalawang?" Nakangising sabi niya.
"Sapak gusto mo?" Banta ko habang nakakuyom ang kanan kong kamao at ipinakita sa kanya.
"Okay. Okay. Relax. Binibiro lang kita." Napatras ito habang naka ngisi
He chuckled. "Actually nagulat nga ako na makita ka. Ang laki na ng pinagbago mo Them. Mas lalo kang gumanda."
Inirapan ko siya. "Wag ka ngang bolero. Kundi makakatikim ka na naman sakin. Sige ka." Pagbabanta ko.
Napaatras siya. "Totoo naman a."
"Heh. Anyways, anong ginagawa mo dito? Binibisita ang girlfriend mo 'kuno'?" kunot-noo kong saad. Ang Condominium Unit kasing ito ay nahahati sa iba't ibang klase ng occupants. Kalahati nang mga occupants ay babae and single. 1/4 ay may pamilya na and 1/4 rin ay mga lalaki. Base sa pagpupunta ko dito. So there's a chance na baka higad ang ipinunta dito ni Phil.
He grinned. "Yeah. Actually --"
Ting.
"Anyways, mauuna na ako Phil. See you next time, I guess?" Paalam ko at lumabas na ng elevator.
"Yeah. See you when I see you. Pag may oras. Let's talk and catch up." sabi niya habang sumasara yung pinto ng elevator.
"Yeah." Pahabol ko.
I sighed tsaka nagpatuloy sa paglakad. Yeah. Maybe we can catch up some other time. Matagal tagal na rin akong walang balita sa kanya at kina Nanay Tessa at Tatay Caloy. Mga magulang ni Phil. Tulad nila, tanggap nila ako. Hindi sila nang husga gaya ng mga kababayan namin. Agad kong iniwaksi ang alaalang iyon. Hindi na dapat pang pag aksayahan ng oras ang mga ganoong bagay. Lamat lang iyon ng nakaraan. Hinding-hindi na iyon mauulit muli sapagkat hindi na siya babalik pang muli doon.
Napabuntong hininga ulit ako bago pumasok.
Agad kong nabungaran ang aking anak na naglalaro ng kanyang laruang barko. Ibinigay ko iyon noong sumapit ang ikaapat na kaarawan nito. Natandaan ko pa ang ginawa ng aking anak. Hindi ito ang tipikal na batang pipilitin ang isang bagay na makuha. Kahit mag iiyak pa ito, makuha lang ang gusto. Hindi. Nung panahong pumunt.kami sa Mall para sana bumili ng mga school supplies para sa aking anak, napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong tumigil ang aking anak na nakakapit sa kamay ko. Tatanungin ko sana kung bakit ito tumigil ng makita kong nakatingin ito sa isang partikular na bagay sa loob ng shop na kaharap nila. Isang barko. Isa itong miniature ng isang ship. Gawa sa pinagtagi tagping maliliit na tabla at may maliit na layag pa ito.
"Ma, pwede po ba nating mabili iyan?" tanong ng anak ko sa akin sabay turo doon sa laruan. Napatingin ako doon. Siguradong mahal iyon. Pumasok sila ng kanyang anak sa loob ng shop at tinanong kung magkano ang halaga ng laruang barko na iyon. At nalula ako sa sinabi ng nagbabantay.
"Php 8,450.00 po ma'am. Original ho iyan. Matibay po. Tsaka gawa po iyan ng apo ng amo ko. Mahilig po kasi iyon sa barko."
Siguradong hindi kakasya yung budget niya. Napabuntong hininga ako. Tsaka lumuhod upang magkapantay sila ng kanyang anak na kitang kita sa mga mata nito ang saya.
"Mabibili po ba natin mama? Excited na po akong magbarko." sabi ng anak ko at humagikhik pa. Makikita mo ang kislap ng excitement sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako ng tipid. Ayaw ko sanang i-spoil ang kaligayahan ng anak ko. Subalit wala akong magagawa. Noong panahong yon, gipit pa kami sa pera at hindi pa din ako nagtatagal sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. almost a year palang.
"Anak, Hindi aabot ang ipon ni mama eh. Pwede bang next time nalang?" mahinahon kong sabi.
Agad na nawala ang kislap sa mata nito. Masakit makita ang anak mo na malungkot. Parang may pasan pasan ang puso mo sa bigat.
"Okay lang Mama. Di ba bibili pa tayo ng papel at lapis? Tsaka bag ko po? Tsaka babayad pa tayo ng kuryente at tubig? kaya okay lang po yun. Next time nalang po. May laruan pa naman po ako eh." Sabi ng anak ko habang binibilang sa kanyang maliliit na daliri ang mga pangangailangan naming mag ina. Masakit bilang ina ang makitang malungkot ang kanilang mga anak. Bata pa lang ito kaya dapat saya lang ang nararamdaman into at hindi lungkot.
"Tara na po mama. Bili na po tayo ng mga lapis!" sabi ng anak ko sabay hila sa akin papalabas ng shop na iyon.
Dumaan ang mga araw na palagi kaming pumupunta sa mall at nakikita ang barkong iyon. At palagi ring tinatanong ng anak ko kung mabibili na ba namin iyon. Subalit, balak ko sanang ibigay iyon bilang surpresa sa birthday nito. At iyon nga ang aking ginawa. Labis ang tuwa ng aking anak ng mahawakan na nito ang pinakaaasam na laruan. Walang pakundangan itong naglaro na animo'y wala itong nakikita sa paligid kundi ang laruan lamang nito. Panay ang halik nito sa aking magkabilang pisngi kinagabihan bilang pasasalamat daw sa regalo nito.
Napangiti ako sa ala-alang iyon.
"Ma?" sigaw ng anak ko sabay tumakbo at yumakap sa akin. Lumuhod pa ako para magkapantay kami. Yinakap niya ako at ganun din ako. Sa yakap na iyon ng kanyang anak, panandaliang nawala ang kanyang pagod.
"Musta ang araw ng cute kong anak?Hmm?" Sabi ko saka nakangiting binuhat ito. Kiniliti ko siya sa leeg kasi alam kong nandoon ang pinakamalakas niyang kiliti.
Humagikhik ito at kalaunan ay tumawa. Napatawa na rin ako.
"Ma. Stop na." Panay iwas ng anak ko sa mukha ko. Tawa pa din ng Tawa. Itinigil ko na ang pagkikiliti sa kanya at umupo sa sofa.
"Musta ang araw? Naging pasaway ka ba?" tanong ko ulit. Sasagot na sana ito ngunit sakto naman kakalabas lang ni Rachel kasama ang anak nito na bagong ligo.
"Nako Rhythm. Yang anak mo at anak ko. Ang papasaway! Alam mo bang tinago ng mga ito ang bag ng klasmeyt nila? Pinagtulungan ba naman?! Kaya ayon, iyak ng iyak. Kung hindi pa ako pumunta doon para sunduin sila, baka hindi tumgil sa pag iyak ang batang iyon." sabi ni Rachel habang papalapit.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Lucas. "Luke, totoo ba ang sinasabi ng Tita mo?" mahinahon kong saad sa nakatungo kong anak.
"O-opo mama. Pero inaway niya ka-kasi si Krishna eh." Sabi nito. iniangat ko ang kanyang mukha para makita kung nagsisinungaling ito o hindi. Imbis na magalit, natawa pa ako sa kakyutan ng anak ko. Mahaba ang nguso nito ng tumingin sakin.
Napailing nalang ako.
"Wag mo nang uulitin ha? Kundi kukurutin kita sa singit." Pagbabanta ko.
"Opo" sabay tango.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami kay Rachel at umuwi na ng bahay. Doon at nagluto ako ng hapunan at sabay kaming kumain ng anak ko. Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan at sabay kaming nanood ng paboritong cartoons ng anak ko.

BINABASA MO ANG
Seek
सामान्य साहित्य"I'll wait for the perfect time and perfect place if given by fate........." - Rhythm