SC3

691 26 23
                                    

Jeonghan's

Nakahiga ako sa kama habang si Cheol naman nasa tapat ng tiyan ko.

"Hi Baby~~" sabi niya saka hinalik-halikan yung tiyan kong malaki-laki na.

//baka bumaba yung halik ah baka maging kambal pa yan ; )

"Lumalaki na yung baby namin oh. Nagbibinata na." nakangiting sabi ni Cheol. "Mukha mo. Hindi pa nga ako nanganganak binata na kaagad?" kunot noong tanong ko.

"Sorry na po Hannie ko." nakapout na sabi niya. "Kailan ko siya mararamdamang tumadyak?" tuloy niya.

"Pag naging kabayo na siya--- de joke. Matagal tagal pa syempre." natatawang sabi ko. Ngumiti siya saka lumapit sa mukha ko. "Alam mo ba? Maganda ka parin." namamanghang sabi niya.

"Bakit naman ako papangit aber? May anghel bang pumapangit?" tanong ko saka bumelat.

"Hannie ko tama na yan. Ang hangin na. Baka tangayin si Jun." sabi niya saka kunwari nagsadface. Inirapan ko lang siya kaya bumalik na ulit siya sa pagtitig sa tiyan ko.

"Ilang months na nga ba si baby,mahal?" tanong niya sakin habang hinihimas-himas yung tiyan ko. "6 months." sagot ko sa tanong niya. "Three months nalang hehe." excited na sabi niya.

"Pag nanganak na ako,aalagaan ko si Baby Hotdog ng mabuti." sabi ko. Tumingin siya sakin na tila nagtataka. "Baby Hotdog?" tanong niya.

"Baby Hotdog yung nickname niya sa ngayon kasi wala pa tayong naiisip na pangalan para sakanya." nakangiting sabi ko. Natawa nalang siya.

"Hindi ko gagayahin si Taehyo. Ipaparamdam ko kay Baby Hotdog na love na love ko siya. Hindi ko siya pababayaan. Pinapangako ko na magiging mabuting ama slash ina ako sakanya." sabi ko saka nilaro yung buhok ni Cheol.

"Speaking of ina,Hannie ko. Why don't you try talking to your mom again? Alam mo na... Para magkaayos kayo. Since lalayo na siya tsaka may apo na din siya." mahabang pahayag ni Cheol. Umiling ako saka kinunutan siya ng noo.

"Ayoko CheolCheol ko." seryosong sabi ko. "Hannie ko,ilang araw na siyang pabalik balik dito or more like,sa gate natin. Pero everytime na may magsasabi na andito siya,it's either magkukulong ka sa kwarto mo o paalisin mo siya." sabi niya. Napayuko naman ako since medyo nakaupo naman ako.

"Kadugo niya yung nasa loob ng tiyan mo ngayon Hannie ko. Kaya give her a chance na ma-meet si Baby Hotdog bago sila umalis." pagtutuloy ni Cheol. "Jebalyo. Para na din sa anak natin." pagpupumilit niya.

Tinignan ko siya sa mga mata niya ng matagal. Maya maya lang din bumuntong hininga ako saka nagnod. "Fine. I'll talk to her." sabi ko. Nagliwanag naman ang mukha niya. "NOW NA HA?!" pasigaw na sabi niya.

"Gaga ka mas excited ka pa sakin." sabi ko habang natatawa. "Pero oo na ngayon na kaso pumunta muna tayo kay papa. Nako. Kung hindi ko lang talaga kayo mahal ni Baby Hotdog eh." nakangiting tuloy ko.







Nasa tapat kami ng puntod ni papa,nilapag ni Cheol yung bulaklak na dala para sakanya at umupo na kami. Kaming dalawa lang ni Cheol dito.

"Hi papa. Hehe" sabi ko. "Maganda parin ako papa oh." dagdag ko saka naghairflip.

//aq din maganda parin hehe

"Papa,kakausapin ko si Taehyo ngayon. Namilit kasi yung magaling kong asawa kaya---" naputol yung sinabi ko. "Magaling mong asawa na mahal na mahal mo." magilagid na ngiti ni Cheol.

Kinuha ko yung maliit na bato sa tabi ko saka binato ito sa noo niya. "Shatap nga. Kinakausap ko si papa eh." pagsusungit ko. "Opo titigil na po." sabi niya saka nanahimik.

Dictionary ||JeongCheol||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon