"JEMJEM~" sigaw na bungad ng pinsan ko si Andrea ng makita akong pumasok sa kwarto namin. Dito siya magbabakasyon sa bahay buong summer kaya nakikishare muna siya dito sa kwarto ko.
Excited siyang lumapit sakin ng makaupo ako sa harap ng desktop ko at kinonnect ang camera ko para natransfer ang mga pictures na nakuha ko kanina.
Isa-isa ko yun tinignan at medyo inedit ng light para mas maganda tignan tsaka nilagyan ng watermark ko 'ArmyJEM'
"Wow! Ang gaganda talaga ng kuha mo. Kyaaaah! Iprint mo ko nyan." Sabi nito ng nakaturo pa sa picture ni Jimin. Army din ang isa na to kaya magkasundo kami. Parehas kami ng purpose sa mundo, ang mahalin ang BTS HAHAHA
"K." Maikling sagot ko habang nagki-click ng kung ano para maprint ang picture. Excited naman siyang hinihintay tong lumabas.
"Bakit parang nalugi ka?" Tanong nito ng mapansin ang busangot kong mukha.
"Look." Sabay turo ko sa picture ng BTS sa monitor.
"Oh? Ganda ng kuha! Anong problema?" Sabi nito ng nakapamewang na ngayon habng tinitigan ang picture na tinuro ko. "OHMY" sabi nya ng marealize kung bat ako badtrip.
"Nagsearch na ko to check bakit wala siya pero wala naman akong nakita kung bakit. Puro tanong lang din nakita ko, mga army din na nagtataka kung bat wala silang dalawa." Napahulumbaba na lang ako.
"Baka tulog pa yun." Natatawang sabi nito tsaka bumalik dun sa kama at tinitigan na lang ang bagong na picture ni Jimin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.
"Ay alam mo ba si tito Gab dumalaw kanina at nakita yung mga pictures na kuha mo at nagandahan siya. Baka daw gusto mo ng part-time habang summer." Kwento nito. Napaisip naman ako. Si tito Gab isa siyang stylist, kung sinu-sino nang sikat ang nagawa na.
"May part-time na ko diba!" Sabay turo ko sa ginagawa ko.
Inirapan nya lang ako. "Duh! Sasahod ka dun. Grab it na pambili din yun ng merchs, kung may talent lang ako dito ako na lang e. Kaso pasmado ata kamay ko at lahat ng kinacapture ko blurred." Natatawa nyang sabi. Napaisip naman ako dun. Tama nga naman siya extra income din yun at inisip yung mga official merch na nilabas ng BTS.
Kaya ngayon nandito ako kasama ni tito Gab sa kotse nya. Nagdadrive siya papunta sa hindi ko alam kung saan.
Hindi naman ako ipapahamak ng sarili kong tito diba? Paktay talaga siya kay daddy kung sakali.
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabrowse to check some update. Dapat kasi sinama na lang namin si Andrea ng may maingay kaso sabi ni tito bawal daw.
Ilang oras din ang byinahe namin ng magpark si tito. Inikot ko ang paningin ko at nasa loob kami ng parking lot ng isang building, hindi ko na nakita kung anong building itong pinasukan ni tito Gab sa sobrang focus ko sa mga updates sa kpop world.
Basta sumunod na lang ako sa kanya papasok ng elevator para mapunta kami sa tamang palapag kung saan man kami papunta tapos naglakad kami ng kaonti hanggang makarating sa isa cream door.
Before he open it, tinignan nya pa ko ng may ngiti sa labi. "You ready?" Sabi nito.
Napakunot naman ako ng noo at hindi magets kung bakit parang ang weird ng ngiti ni tito. Tumango na lang ako.
Pagbukas nya ng pinto kinabahan tuloy ako.
Nang sinulyapan ko ang bukas na ng tuluyan na silid, walang kung sinuman ang nandun. May isang malaking circle table lang sa loob na may mga upuan na nakapalibor
"Tara." Sabi ni tito at niyaya akong maupo.
Kinuha ko ang pinakamalapit na upuan sakin at uupo na sa na ng biglang narinig ang pagbukas ng pinto sa likuran ko dahilan biglang paingon ko.
Nanlaki ang mata ko at biglang nanlabot ang tuhod ko. Dumulas pa ang hawak ko sa upuan na dapat pupwestuhan dahil ng muntik kong magkahulog.
Buti na lang at may kamay na mabilis akong nahawakan.
"You okay?" Sabi nito habang nakahawak na ngayon sa aking bewang.
Titig na titig lang ako sa kanya.
Is this for real?
"Hey?" Napakurap ako sa muli nyang pagsalita, napatango at muli siyang tinitigan. Hindi makapaniwala.
Lakas loob kong inangat ang kamay ko at tinusok ang pisingi nya. Chinicheck kung totoo ba siya at baka nagdidaydream na naman ako.
"Sugababes?" I whispered out of nowhere.
![](https://img.wattpad.com/cover/45020198-288-k245096.jpg)