Napadilat ako nang may maamoy akong mabango na and sa tingin ko ay nilulutong pagkain. Agad akong bumangon sa aking pagkakahiga para tunguin ang kusina. Imposible naman na si Jess ang nagpunta ng dito ko plus hindi niya pa alam kung anong password ng bahay na 'to. Nagmadali akong kunin ang metal na baseball bat sa ilalim ng kama ko at dahan-dahang pumunta sa kusina.
Kung sino man ang naka-break ng security siguradong delikadong tao sya. Hindi naman kasi madaling ma-hack ang security code na inilagay ko doon. Mula sa pintuan ng kusina ay tanaw kong ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki na nakatalikod at mukang enjoy na enjoy sa pagluluto niya at may pasayaw-sayaw pa siya.
Wala akong pakialam kung sino siya. He invaded my privacy at ngayon ay magbabayad siya. Nang hahampasin ko na siya ay bigla na lamang siyang humarap dahilan upang makita ko ang kanyang pagmumukha at makilala ko kung sino siya. Pero mabilis siyang nakaiwas at sa kanang balikat ko lang siya tinamaan.
"Aww!!" Sigaw niya.
"Pusang malanding gala! Ano bang problema mo ha Wil? Mukang nawiwiling ka na talagang saktan ako ah?! Pusa, ang sakit talaga!" Hiyaw parin siya nang hiyaw habang hawak-hawak niya ang ang isang balikat niya.
"Sorry, eh hindi ko naman alam na ikaw lang pala yan. Akala ko intruder na."
"Wow ha! Sa gandang lalaki kong to?! Intruder?! Yung mga ganitong muka, pagmo-model ang pinaka masahol na kinahihinatnan." Anas niya pa sa akin.
"Alam mo minsan Wil, gwapo ka lang katulad ko pero ang brains..." Nag make face nalang siya at hindi ipinagpatuloy ang sasabihin. Naiiling nalang ako sa mga pinagsasasabi niya. Siraulo talaga, nasaktan na nga, kung anu-anong kabaliwan pa ang pinagsasasabi.
"Ano nga palang ginagawa mo dito sa kusina ko at paano ka nakapasok?" Tanong ko nalang para maiba ang usapan.
"First, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Secondly, ako ang pinaka hot at pinaka magaling sa grupo ng BSB. Have you heard of hacking? yun kasi ang ginawa ko sa security mo." Proud niya pang sabi. Binato ko nalang siya ng piraso ng patatas na nadampot ko kung saan.
"BSB. Ano yun, boyband? At anong hot ang pinagsasasabi mo dyan? The only thing that's getting hot here ay ang ulo ko dahil sayo!" Madalas talagang pinapainit ng lalaking ito ang ulo ko.
"Goodness naman Wil, BSB lang hindi mo pa alam?!? BSB- Black Suit Bureau. Good Lord!" Sinabi niya yung na parang yun ang pinaka obvious na bagay sa mundo.
"At ano naman yun?" Balik na tanong ko sa kanya.
"BSB. Duh. Yun pangalan ng secret organization natin." Inirapan niya pa ako sabay talikod at kumuha ng mga pinggan mula sa built-in closet ng kusina. Napakunot ang noo ko.
"Hindi naman ako na-inform ni Mr.Berns na may opisyal na palang tawag sa grupo natin"
"Kasi nga, ang kahenyohan ko lang ang nakaisip nun? Oh diba, ang bright ko lang, di katulad ng iba diyan" pagpapasaring niya pa.
"So anong oras ka aalis? May trabaho ako today. Hindi kita pwedeng iwan dito."
"Wow ha! Tapos kitang ipagluto ng almusal, pagpapalayas ang way mo ng pag-thank you sakin. You're welcome sir ha!" Sarkastikong sabi nya at tinaas niya pa ang magkabilang kamay na parang kino-congratulate ako. Nilapag nalang niya ang niluto sa harapan ko. Sinimulan ko nang lantakan ang niluto niya.
"At sinong may sabing papasok ka today?" Tinignan ko lang siya na parang nababaliw na sya.
"Naka-leave ka. Three days. Dapat nga one week pero mukhang masyadong mahigpit ang boss mo. Buti nga nadaan ko pa sa charms ko." Pagpapaalam niya. Umiling nalang ako dahil alam ko namang pinagti-tripan nanaman niya ko. Maya-maya pa ay nag beep ang phone ko. Kinuha ko yun at binasa ang mensahe. It's from my secretary.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13
AcciónThree stars and the Sun. In a parallel universe, it's called Flademia.