Chapter 2

5 0 0
                                        

Krystal's POV

"Hoy bakla! Ang kuuuuupad mo talaga. Bumangon ka na nga jan. Inaantay na ako ng mga boys sa school!" - Andrea

Si Andrea nga pala readers. Ang impakta kong bestfriend.

"Malandutay ka talaga. Kaya single ka pa rin eh. Kung sinu-sinong boys ine-entertain basta ba gwapo." Sabi ko habang nag liligpit ng higaan at naghihintay mahimasmasan ang kaluluwa.

"Luh. Nahiya naman ako sayo MANANG Krystal. Makasabi ka jan na single pa ako. Ikaw nga jan ni isang guy hindi mo man lang bigyan ng chance sa'yo." - Andrea

"Tumigil ka na ngaaaa. Lumabas ka muna dun. Karindi ka. Kumain ka dun sa sala kung gusto mo. Wag mo lang ako gambalain at maliligo muna ako."

"Tamang-tama! Di pa pala ako nakapagbreakfast. Wooh! Bilisan mo jan ha. Bye!" - Andrea

"Oh, alagaan mo yang bilbil mo ha!" Pahabol ko.

Walangyang babae yun. 6:30 palang ng umaga ah. 10 am pa naman first period namin ngayon. Makaligo nga muna.

-- 1 hour later --

Bumaba na ako sa dining room. Tagal ko 'no? Hahahahahahooo.

"Hoy Andrea Song! 10 pa first period natin ah? Bat ba kasi ang aga mo masyado?" Sabi ko sabay dukot ng hotdog sa lamesa.

"Eh anak, diba opening nyo palang ngayon. Tsaka sabi mo--"

"Ay shet shit shat! Nakalimutan ko! Bye Mie!" - Hinatak ko na si Andrea tsaka ulit dumukot ng hotdog at bread.

-- At HSU --

"Andrea, hanapin mo nalang si Melody ha. Nandito na rin naman siguro yun. Punta muna akong backstage. Bye!"

Tatlo kasi kami ang mag kakaibigan. Si Melody yung isa naming katropa. Di namin sya kasama kanina kasi you know. Strict parents.

Papunta na ako ng backstage. Magpeperform kasi ang HSU Dance Company. Kelangan muna namin mag warm up.

Ash's POV

"Kelangan pa ba talaga natin umattend ng opening? Hassle!" - Cedric

"Boring pa kamo." - Lyle

"Tsaka barkada kaya tayo ng anak ng may-ari nitong university na 'to. Tara mag billiard nalang." - Clarence

Kakapark lang namin ng mga kotse at papunta na kami sa auditorium ng kanya-kanyang nagsireklamo 'tong mga kumag na 'to.

"Araaaay!"
"Ash! Aray kooo naman eh!"
"Aaaaa-raayyy ouch ouch!"

Pinagpipingot ko yung mga tenga nila.

"Wag nyo nga bigyan ng kahihiyan 'tong si Franco. Naturingan kayong barkada neto tas sisirain nyo image nya?" Panenermon ko. Sarap pagpapaslangin eh. Ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan 'tong mga hayup na 'to.

"Oh, sundin nyo nalang si Ash. Wag niyong hina-highblood yan. Magiging CEO pa ng kumpanya nila yan in the future" Franco sabay halakhak nila.

Tss. Mga walanghiya. Nagsitakbuhan ang mga gago.

Andrea's POV

Yes naman miss author. Exposure atlaaaast! Woooh!!!!

Anyways, andito pa rin kami sa auditorium kung saan ginaganap ang pagkaboring boring na opening program ng university. Kung hindi lang nag-iintermission ang SHU-DC (short for Song-Han University Dance Company) after every end ng speech ng kung sino man ay hindi kami magtiya-tiyagang manood dito 'no.

"Drei, may dance number pa ba sila Krystal?" - Melody

Ay, oo nga pala. Kasama ko din pala itong babaeng 'to. Drei is my nickname so you can call me Drei guys. *winks*.
Si Krystal lang naman ang masipag na sabihin ang 3 syllable word kong pangalan. Bakit naman kasi wala akong second name. Kaikli kaya.

"Oo, Mel. Hanggang katapusan ng program para lang may manood." - Ako

Hayy. Inaantok na akoooo.

"Ay! Drei! Ayan naaa! Sasayaw na sila ulit! Woooh!" - Melody

"Aaahhh!! Pisti ka Melody Jade! Wag ka ngang nanggugulat! Impaktang 'to. Muntik na tumalon yung-- Aaaahhhh! Ayan naaaaaa! Mag uumpisa naaa! Ang gwapo talaga ni Seeetthhh! Homaygaaash my ovaries!" - Di ko na kinaya mga bes. Nakuuuu!

"Hahahah! Kita mo 'tong baklang 'to. Pero nakakatawa lang 'no. Nagising bigla ang diwa ng mga students na parang mga zombie kanina lang. Iba talaga ang SHU-DC." - Melody

"Tumahimik ka na nga. Manuod ka nalang." - Ako

Ang SHU-DC kasi ay 3 straight years nang defending champion kapag naglalaban ang mga dance company ng iba't-ibang bigating university every academic year.

"Ooohh. Kaya naman pala gustong umattend ng program netong si Ash kasi panunuorin nya si Krystal. Yiieeee."

Teka. Parang kilala ko yung boses na yun. Hinanap ko kung saan galing yung boses. Nasa likod lang pala namin. Pero medyo malayo at sakto lang na maririnig hanggang dito sa kinauupuan namin.

Narinig ko ang pangalan ni Ash kaya sigurado akong barkada nya yun.

Alam naman ng lahat dito sa university na si Ash at Krystal ay may past. Oo, Mag-ex ang dalawang 'yan.

Si Krystal nalang ang tanungin nyo kung ano ang story nilang dalawa ni Ash. Bwahahahah! *^_^*





//// Author's Note ////

Kyaaaaah! Mianhae. Ang ikli ko ata talaga gumawa per chapter. Bear with me please. >_<



xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

My Ex, My FianceWhere stories live. Discover now