Krystal's POV
"Bye Mommy! Alis na po ako."
Lumabas na ako ng pinto at dumeretso sa kotse.
"Tara na po Kuya Raul." - sabi ko sa driver namin.
Papunta na ako ng school. 3 weeks na ang nakalipas. 3 weeks nang may pasok. 3 weeks palang pero feeling ko isang sem na.
Naiistress ang kuko ko sa paa. Idagdag nyo pa 'yang si Ash Nicolai Sandoval na 'yan na isang linggo na akong kinukulit. Nangungulit ang lolo nyo at gusto akong kunin na ninang sa binyag ng anak niya. Charot lang. May crush kasi sa akin yun. Hahaha! Kelan pa ako naging conceited? Anyways, seryoso na.
Sa'kin daw kasi sila magpapaturo ng sayaw para daw sa presentation nila sa isang subject, kasama niya barkada niya. Eh ba't sa akin pa talaga nakiusap? Crush lang talaga ako nun. Madami pa naman ang ibang member ng SHU-DC para pakiusapan. Tsaka marunong naman sumayaw 'yung mokong na 'yun.
Nakuuuuu talaga Krystal. Wag ka pauto sa damuhong 'yun.
"Miss Krystal, nandito na po tayo." - Kuya Raul.
"Ay, sige thank you Kuya Raul. See you later. Babye po!" - Paalam ko at pumasok na ako ng campus tsaka dumeretso sa classroom.
*recess*
"Krystal tara na pa-cafeteria!" - Melody
"Eto na saglit lang yung wallet ko." - Hinatak nako ng tuluyan ng dalawang white lady na kasama ko.
Woot! Buti nalang nadukot ko pa yung wallet ko. Mga patay gutom naman this girls. Hayy.
--Cafeteria--
"Tara mga bhe. Doon sa pwesto natin lagi." - Andrea
"Ako na mag-order." - Ako
"Ako magbabantay dito. Cr ka na dun, Drei." - Melody
"Sige. Krystal babe dagdagan mo ng smoothies order ko ha." - Andrea
"Oo, boss." - Ako
Ganito lagi ang scenario namin. Pag naman may naka-occupy na ng pwesto namin, si Andrea ang tagahanap. Si Melody naman tagabantay at ako taga-order. Saulo ko naman na order ng mga 'yun eh.
Minsan nga pag nakakalimutan ko ang wallet ko, 'yung money nila ginagastos ko tas dinadagdagan ko pa yung order ko. Bwahahaha!
"Hello Miss Krystal!" - bati sa'kin ni Ate Joan.
"Hello din ate Joan! Ganung order pa din po gaya ng dati. Padagdagan nalang ng smoothies."
Oh diba? Pati si ate memorize na din kami. Hihihi!
"Eto na po Miss Krystal." - Ate Joan.
"Thank you po A-"
"Ako na Miss Krystal."
Bubuhatin ko na sana yung tray pero may nakauna. At pinutol pa yung pag thank you ko kay Ate Joan.
Bastos 'to ah.
"Teka kuya sino kabaaaaaa-Ash!?"
Walangyang Ash 'to. Ayaw ako tantanan. Sinundan ko sya hanggang sa pwesto namin nila Melody.
"Ano ba 'yan kasi Ash. Kulit mo din eh 'no?" - Ako
"Paturo na nga kasi kami." - walang gana niyang sagot at saka kumuha ng fries ko.

YOU ARE READING
My Ex, My Fiance
Teen FictionHow will the story go between Krystal and her ex-boyfriend Ash after their lives suddenly collide again? Will their minds change? Or will their hearts lead them to each other... Again?