Wala ako sa mood pumasok pero bilang anak ng presidente kailangan mabango ka sa lahat ng bagay.Gusto kong lumiban sa klase pero di pwede baka ma news pa ito mamayang gabi na anak ng presidente na sobrang bait di pumasok? Langya! Isang truck ng sermon aabutin ko kay Papang."Miss Ahmiya napanuod ko sa tv yung pagpunta niyo sa Dacua! Grabeh nakakabilib! Yung holiday ay sana ay panahon sa pagpapahinga pero ikaw pumunta sa nabaha!"mangha sabi ng kaklase ko sa major.Pero di ko siya kilala.Para san pa? Hindi ako nangangaibigan sa d ka antas ko.
If you knew the truth dear.Sapilitan iyon...pinilit akong pumunta.
"Well, mas gugustuhin ko pang tumulong kesa magpahinga.Mahal namin ang mga mamamayang Pilipino"pagsisinungaling ko sa kanya.
"Halata naman talaga Miss! Ang saya-saya ng mga ngiti niyo!"sabi niya.Huh.Kung alam mo lang dear..graduate ako ng masteral degree sa kaplastikan at kapekean.
"Seeing other happy and smile.It's my happiness"
PWE! San mo yun nakuha Ahmiya?! REALLY?!
It's my happiness?! HAHAHAHA"Oo nga! Kaya hindi ako nagsisi na ang ama mo ang binoto ko"sabi naman niya kaya palihim akong umismid.
So isa ka pala sa dahilan bakit dinadanas ko itong paghihirap ko ngayon?!
Hindi ko ibinoto ang Papang ko nung eleksyon.Para ano? Para manalo siya at talagang nanalo siya kahit wala ang boto ko.Isang kahiya-hiyang pangyayari sa kanya kapag malaman ng buong Pilipinas na mismong anak niya ay di siya binoto.
At pumasok na ang instructor namin na may kahulugang ngiting ginagawad sa amin.
"I"ll be giving your grades now.It's totally the end of the first sem"sabi nung instructor namin sa major ko.
"Waaaaah!"
"Naku naku!"
"Yung grades ko!"
"Baka deload ako?"Sari-saring reaction ang bumalot sa loob ng silid aralan.Ako ay namamasid lang sa kanila.
Saka nagsimula ng magtawag ng family name ang imstructor namin sabay bigay sa mga grades namin sa subject niya.
"Ms. Amolat"
"Ms. Daan"
"Ms. GarciaIt's my turn, at animong isang porsyento di ako kimabahan.Bakit ako kakabahan? Anak ako ng presidente at hindi sila magkakamaling e-deload ako.
"Miss Ahmiya"napangiti ako ng tawagin ang pangalan ko.See the difference?
No one calls me there Ms. Imperial.They call me Miss Ahmiya.
Naglakad ako patungo sa instructor na nilalahad ang papel na sinulatan ng grades ko.
"The president will be glad to see your grade for this sem Miss Ahmiya"sabi nung instructor sa akin kaya palihim akong umirap.
"Im sure he will"sagot ko sa kanya saka palihim umismid.
Papang will be glad? Never in my wildest dream.Magpapa free kiss ako sa mga sampid kapag nangyari yun.
----------
"Si Papang?"tanong ko kay Angge ng magsimula akong kumain.
"Papunta na siya Miss Ahmiya"sagot naman ni Angge na nakatayo sa gilid ko.
"Di ka kakain?!"tanong ko sa kanya habang nginunguya ang pagkain."Sasabay lang ako sa mga katulong Miss"sagot naman ni Angge.
Saka bumukas ng pinto at lulan si Papang na nakasuot na ng pajamas.Oo nagsusuot siya ng pajamas at ganun rin ako.
"Sumabay ka angge"sabi ni Papang kay Angge
"Wag na po President sasabay na lang ako sa kanila"sagot naman ni Angge.
"Sumabay ka na, utos ko yan.Improve na ang pagtatagalog mo"sabi ni Papang saka wala ng nagawa si Angge kung di sumabay sa amin kumain."How's school?"tanong ni Papang sa akin habang hinihiwa niya ang steak.
"Absolutely fine"sagot ko sa kanya saka nilaro-laro ang vegetable salad gamit ang tinidor.
"You should have a high grades Ahmiya"sabi niya saka nagsimula na niyang kainin ang hiniwa niyang steak."Of course Papang.Mapapahiya ang presidente kapag nangyari yun"pabalang kong sagot sa kanya.
"May pasok pa kayo? It's almost end of the sem"sabi niya.
"It's totally over Papang."sagot ko sa kanya.
"That's good, you'll attend the youth convention as my representative."sabi ni Papang na ikinanganga ko."What?!"saka padarag kong binagsak ang tinidor na lumikha ng ingay.
"You always do that Ahmiya!"singhal niya sa akin.
"Papahingain muna naman ako Pang! Tao rin ako please lang kahit parang robot mo na ako!"sagot ko sa kanya.
"Nakaya kong di magpahinga Ahmiya at may edad ako.Ikaw pa kaya na bata pa?!"galit niyang sagot sa akin.
"Pinili mo yan Papang! Ginusto mo yan! Ako hindi! Kahit isang araw lang Papang makapahinga ako?!"singhal ko sa kanya.
"But the youth convention will start tomorrow"sabi naman niya na pilit kinakalma ang sarili.
"Kung may pasok pa rin ako.Padadaluhin mo pa rin ako sa convention na yun?"tanong ko sa kanya.
"Yes, you should.It's an international youth convention Ahmiya"sabi niya kaya napanganga ako.He's unbelievable!
Para lang sa pangalan niya?!"Im done, you should rest now.Dadalo ka pa bukas sa convention"sabi ni Papang saks tuluyan ng linisan ang hapag kainan.
"Pwedi na akong kumain Miss Ahmiya?"tanong niya sa akin.
"Ubusin mo yan Angge"sabi ko saka tuluyan ng tumayo.
"Ano?! Ang dami nito Miss Ahmiya! "Reklamo niya.
"Wag kang boba, kasya ba yan sa maliit mong tiyan?! Matutulog na ako.Gisingin mo ko kasi dadalo pa ako sa punyetang convention na yun"utos ko kay Angge.
"Yis miss Ahmiya!"Tuluyan na akong lumabas ng hapag kainan saka nakasalubong ko ang bodyguard ko.Oo yung consistent bodyguard ko.Yung laging nakaka-assign sa akin na magbantay sa akin.
"Miss Ahmiya"bati niya sa akin.
"Im going to the youth convention."sabi ko sa kanya.
"Miss Ahmiya, ibang team magbabantay sayo bukas"sagot niya.
"Oh? Okay, basta siguraduhin nilang safe ako.Yan ang importante"sabi ko sa kanya.
"Yes Miss Ahmiya, take care always"sabi niya na ikinagulat ko.
"I should"sagot ko ng makabawi ako sa sinabi niya.
"Good night Miss Ahmiya"sabi niya saka tumango ako bilang sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/66335138-288-k370989.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
Humor#1st #RevengeSeries What if one day, the President's only daughter gone missing?