Ahmiya's POV
Agad akong bumaba papunta sa dinning namin. Papang waits me there.
Sa isang mahabang mesa ng palasyo ay kaming dalawa lang ni Papang ang umuukupa nito. Ako sa isang dulo at siya naman sa kabilang dulo. Ganyan kalayo ang agwat namin ni Papang dito sa hapag-kainan. Dalawang tao lang kaming kumakain dito pero kung maka-handa ay parang may piyesta. So alam niyo na, nag-aaksaya lang kami ng pagkain mabuti naman at kinakain ng mga maid dito ang mga tira namin.
"Iha how's your school?" tanong ni Papang sa akin habang umiinom ng mamahaling kape.
Oh alam niyo na kung saan nagtutungo ang mga limpak-limpak na pera ng bansa natin. Sa pagkain namin na sobrang mahal..Hindi pa namin kinkain ang iba.
"Okay naman Papang..pauunlakan mo ba yung imbitasyon sa paaralan namin?" Tanong ko kay Papang.
"Wag kang mag-alala iha..nagpadala ako ng liham na hindi ako makakadalo sa program ng paaralan niyo" sabi ni Papang saka nilagay ang dyaryo sa hapag-kainan.
"You done Papang? May sobra pa sa tinapay niyo" sabi ko at nilingon ako ni Papang.
"Pwede akong mag-aksaya anak..ako ang control ng Pilipinas. Kung ano ang gusto at hindi ko"sabi ni Papang saka iniwanan ako.
"ANGGE!" tawag ko kay Angge.
"Sabihin mo nga sa mga muchacha natin na iligpit na ang mga ito. Ayokong kumain di ko gusto ang niluto nila.Tinapay na nga lang yung kinain ni Papang" sabi ko at aagd naman siyang sumunod sa utos ko.
"Angge, tayo na papasok na ako sa publikong unibersidad na pinapasukan ko" sabi ko saka agad na sumunod si Angge.
Hindi ako home-schooled o nag-aaral sa prestihiyosong paaralan dito sa Pilipinas. Nag-aaral ako sa isang State University. Kinuha kong kurso ay Bachelor of Secondary Education major in mathematics. Ayoko talagang maging teacher pero wala eh..Papang is the ruler..
May PSG ako o Presidential security gurad. Alam niyo kahit mabait DAW ang administrasyon namin eh dapat mahigpit rin ang security.DAPAT LANG! baka makuyog pa ako ng mga fans ni Papang at ang administrasyon namin na marurumi at halos hindi naliligo..KADIRE! SUPER KADIRE!
Eto pa..pinag-awayan pa talaga namin ni Papang ang pagpili ko ng mapapasukang Unibersidad. Nadadamay talaga ako sa pagpapanggap ng aking Papang.Pero anong magagawa ko?
Matagal ng patay ang aking ina at dahil iyon sa politika. Pagkatapos dun ay nagsimula na ang malarobot kung pamumuhay. SIGURO ako lang yung anak ng isang politico na pumapasok sa mga pampublikong paaralan.Ma elementarya, high school hanggang nagkolehiyo ako.
Gusto ko sanang mag-aral ng Medtech sa Phantom University. Pinakilalang prestihiyosong Unibersidad sa buong Pilippinas.
"Andito na tayo Miss Ahmiya" sabi ni Angge saka bumaba na ng sasakyan.
Agad na sumalubong ang dean namin dahil tatanungin ako tungkol kay Papang kung pupunta ba siya sa program na gaganapin ngayong umaga sa department namin.
"Miss Ahmiya, makakadalo ba ang Presidente sa program natin?"Tanong ng dean namin.
Sus! Kung alam niyo lang..nagpapasikat lang yan sa Presidente ng Paaralang ito. At saka proud pa yan sa akin at lagi niyang ipinamamalita niya sa kapwa niya dean sa ibang departamento..
"Tinanong ko po siya nung nag-agahan kami dean.Ang sabi niya eh magpapadala siya ng liham para sa inyo. " sabi ko saka ngumiti.
JUSMIYO KANG DEAN KA!
"Ganun ba Miss Ahmiya..sige pumunta ka na don sa uupuan mo" sabi ni Dean saka pekeng ngumiti s aakin. Kaloka siya! Kung pwede sipain ka eh matagal na kitang sinipa kang mapapel ka at epal na dean.
May mga grupo na mga babae ang humarang sa dinadaan ko.Eto na naman ang mga feelingerang popular mga trying hard kumbaga.
At ayaw na ayaw kong hinaharang ako sa dinadaanan ko.Pasalamat sila at mabait ako sa mga publikong lugar!
"HI Miss Ahmiya" sabay-sabay nilang bati at ngumiti ako ng malawak.pero peke huh.
"Hello sa inyo. Upo na tayo.Magsisismula na siguro yung program"mahinhin kong sabi sa kanila.
"Oo nga Miss Ahmiya, I like you dress pala" sabi nung pinakamarte sa grupo nilang PA-famous.
"Talaga? Maganda pala ito at nagustuhan mo ito" sabi ko saka umismid ng palihim.Talagang maganda toh?! Eh ako mismo ang bumibili nito! Saka hello pa-famous hindi ka makakabili ng ganito sa Divisoria! Alam niyo naman pag-ako ang nagsuot parang naging uso.Maghahanap kayo ng katulad na sinuot ko.
"Angge palihim mo ngang punasan yang uupuan ko. Baka yan pa ang makasira ng damit ko.Yang tinataya na upuan" utos k okay Angge at agad siyang kumuha ng wipes at pasimpleng pinunsan ang upuan.
"Angge lagyan mo ng bag yan sa kaliwa ko ayokong may tumabing mag-aaral sa akin na mabaho " utos ko sa kanya at aagd naman niyang sinunod. At umupo siya sa may kanan ko.
"Hi Miss Ahmiya!" bati nung isang babaeng nerd sa akin.
Nang tumingin ako sa kanya. Gusto ko siyang taasan ng kilay pero hindi pwede eh.Sobrang badoy manumit saka hindi uso sa kanya ang plantsa ah.Yung suot niyang checkered polo ay magulo.
"Hello" bati ko rin sa kanya.
"Miss Ahmiya, naamoy mo ba ang pabango ko?"Tanong niya sa akin kaya pasimple akong humatsing.
EW! Pabango pala niya tong naamoy ko?! KAdire parang amoy ng namatay ng daga. Yuck! Yuck!
"Sayo pala itong naamoy ko.Okay lang naman.BAGAY sayo yung AMOY" sabi ko sa kanya at ngumiti ito ng malawak.
"Salamat Miss Ahmiya! Ang bait niyo po talaga!" sabi niya saka naghanap ng bakanteng upuan.
"Miss, iba nga yung amoy ng pabango niya.Parang may namatay na daga" sabi ni Angge kaya tumawa ako.
"Sinabi mo pa,binola ko na lang para lumayas na siya sa harapan ko at di ko matiis yung amoy niya at mapahatsing pa ako ng malakas sa harapan niya..." sagot ko kay Angge
Nang matapos na ang program ay agad na kaming nagtungo sa school canteen. Mabuti na lang at may mga PSg ako at hindi na ako nadadamay sa siksikan.
Oo bumibili kami ng pagkain dito at dito rin ako kumakain. Si Angge na ang pinapili ko ng pagkain sabay lapag niya sa harap ko.
"Utensils nga" sabi ko sa kanya.
Agad naman niyang binigay sa akin iyon.
Kapag kumakain ako dito ay nasa akin talaga ang atensyon ng mga kapwa ko mag-aaral.Kesyo daw hindi ako maarte at saka down to earth pa. HUH! Yung pagkain nga nila nakakadiri. Hindi mo masasabi na 100% sure ban a malinis ito.
Kaya dahan-dahan akong sumubo. Nang nakapang-limang subo ako ay tumayo na ako saka nagtungong comfort room. Bago ako pumapasok sa comfort room pagkatapos kung kumain doon sa cafeteria ay chinecheck pa ni Angge kung may tao. Kasi kung meron eh hinihintay namin hanggang sa umalis at wala ng tao.
Kapag wala ng tao ay isinuska ko ang pagakain na isinubo ko dun sa canteen.Bakit ko yun kakainin eh baak magkasakit pa ako! Saka hello?? Hindi edible yung pagkain nila!
Saka agad akong pinunasan ng wipes ang bibig ko ng walang bahid na sumuka ako.
"Angge make sure na walang ebidensya dyan" utos k okay Angge saka tumango.
Routine ko na ito araw-araw.Pagktapos kumain ay papasok sa comfort room tapos papasok sa service ko. Dun na ako kakain ng luto ng palasyo. Pa-sekretong nagdadala ng pagkain si Angge para sa lunch ko araw-araw. Kaya mahirap na mawala si Angge sa buhay ko..Hindi ako makakasurvive sa mala robot kong buhay...
�(6�O2�
BINABASA MO ANG
The President's Daughter
Humor#1st #RevengeSeries What if one day, the President's only daughter gone missing?