The Game Master

116 1 0
                                    

 "2 minutes ka na lang , kung mag e-extend mag sabi sa server. salamat!" nabasa ko sa message box na sumulpot sa monitor ko. 

naku patay, hindi pa ko tapos mag pvp, masasayang experience . nakaka apat na oras na ko at 60 pesos lang ang dala ko. sapat na para bayaran ang apat na oras.

"kuya Ed pa extend po ako 30 minutes, tatapusin ko lang po itong pvp masasayang kasi experience", nag kwentuhan kami in game nang sumulpot nanaman sa monitor ko ang makulit na message box na dalawang minuto na lang ang  nalalabi sa oras ko. agad akong nagpaalam sa kalaro kong babae at masyado na din gumagabi, alas-diyes imedya na ng gabi ng matapos ako mag laro, may pasok pa ko bukas ng alas otso ng umaga.

"sige Joanne 2 minutes na lng ako, laro na lang bukas mga 5pm after school sana online ka din para pvp ulit tayo kahit hindi ako manalo sayo. ang galing mo mag pvp, siguro lalaki ka. joke" pabirong chat ko sa kanya na agad naman nyang sinagot ng "OK ^_^" ,

anak ng pating. ang haba ng chat ko tapos un lang sagot nya, ngunit parang pambawi na din ang smiley sa chat nya . napailing na lang ako at tumayo sa kinauupuan at naglakad papalapit sa server kay kuya Ed,

"kuya Ed utang muna 10pesos. kulang dala ko ehh balik ko nalang bukas pagbalik ko" . inabot ko ang 60pesos. "Sige basta bayaran mo agad bukas, baka magalit si bossing", sagot na lang ni kuya Ed, ang tinutukoy niyang bossing ay ang dad nyang may ari ng computer shop. mabait naman ang papa nya, ang problema pag mainit ang ulo. kay kuya Ed binubunton ang init ng ulo. nag paalam na ako kay kuya Ed para umuwi. 

The Game MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon