Disyembre byernes ng umaga
eto ako ngaun, nakatingin sa labas ng bintana nakatanga kung saan aabutin ng paningin ko, Hans tawag ka ni mam", biglang sabi akin ng katabi kong si Niel at agad naman akong napabalikwas ng tayo sa kinauupuan ko.
"Yes mam? tanong ko sa guro namin sa harapan, nagtawanan ang buong klase sa dahilang hindi naman ako tawag ng aming guro. "Yes Mr. Hansel Serano, is there any problem?.Malumanay na pag-bangit sa buong pangalan ko. "wala po mam" kabadong sagot ko sa aming guro. naupo na lang ulit ako sa aking silya sa sobrang hiya. binatukan ko ng palihim si Niel dahil sa ginawa nya.
"aray ko pre!! " pagulat na sabi ni Niel habang tumatawa ng pigil. "Gago ka pre! pinahiya mo kong tarantado ka" pabulong na sabi ko kay Niel na siyang kaklase ko mula 3rd year high school. "Eh panu parang timang ka jan sa upuan mo. parang wala ka sa sarili mo. anu ba tinitingnan mo sa bintana ehh puro bubong lang naman ng mga bahay makikita mo."
oo nga, simula ng dumating si mam Revillon at ngayung matatapos na ang klase ay nakatanga pa din ako sa bintana sa di malamang dahilan. nasa ikatlong palapag kasi ang kwarto na pinag-kaklasehan namin kaya tanaw ko ang mga bubong ng mga bahay at pati na rin ang kalangitang nag babadya ng pag ulan.
tanghali na ng matapos ang klase. Nagpaalam na ang aming guro at lumabas na ng silid. nag labasan na din ang aming mga kaklase. Sunod na din kaming lumabas ng tropa kong si Niel inaya ako na mananghalian. agad kaming bumaba at ng biglang,
"Damuhong ulan ngayun pa bumuhos" pasinghal na sabi ni Niel. nasa unang palapag kami ng gusali ng inilabas ko ang aking mahiwagang payong. walang araw na iniwan ko ang payong ko dahil narin ayokong mabilad sa tiriki na araw pag mainit at ayoko naman mabasa pag nagbadyang umulan.
"Niel tara kain tayo sa Karinderya ni Aling Dory" bago ko nabuksan ang payong, biglang may dumating na magandang dilag. maamong muka, nakasalamin, maputing balat, may dala syang libro at bag na kulay Pink sa likod nya habang nakikipag tawanan sa dalawa niyang kasama. napatulala kami ni Niel sa dyosang nakita namin.
"Sis may payong ka ba? iniwan ko kasi ung akin sa bahay. maaraw naman kasi kaninang umaga kaya iniwan ko.". malamig na boses ang nauliinigan namin mula sa kanya.
maaraw nga ang klima kaninang umaga ng pumasok ako sa eskwelahang pinapasukan ko. ngunit ng patanghali na ay nagbadya na ang masungit na kalangitan na eto nga't bumuhos na.
"Sissy dalawa na kami ni bebe dito sa payong sunod ka na lang sa kinakainan natin". palungkot na sabi ng kanyang kasama. napasimangot na lang ang magandang dalaga na nasa tabi namin ng kasama ko.
siniko ako ni Niel sabaya sabing "Ogag wala daw payong o, alam mo na gagawin mo" agad akong tinulak ni Niel palapit sa dyosang dalaga.
"kuya may kahati ka ba sa payong mo? pwede pasukob?" sabi sakin ng dyosang katabi ko, hindi ako nakapag salita, ngunit ng akmang ituturo ko si Niel ay pinangunahan ako ni Niel sabay sabing.
"Ms.Ganda sukob ka na sa payong ng kaibigan ko. mabait yan gwapo pa, kaso ingat ka baka kagatin ka. joke lang". napangiti naman ng dalaga sa biro ni Niel. hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi nyang mabait daw ako at gwapo. lumaki bigla ang ulo ko sa sinabi nyang un, pero sa pang iinsulto nyang nangangagat ako bigla ko na lang gustong batukan tong kaibigan ko, kung hindi lang namain katabi ang magandang dilag.
"Sige ms. sabay na tayo lumabas ng campus. san ba kita ihahatid?" pagaralgal at kabadong boses ang lumabas sa bibig ko.
"Hans, pre wag ka kabahan ihahatid mo lang yan. balikan mo na lang ako dito." bulong sakin ni Niel. tumango na lang ako at agad na binuksan ang payong. sumukob ang magandang dilag.
"Salamat Mr. Pogi" . aba, may pagka bolera tong kasama ko. nanlaki na nanaman ang ulo ko dahil hindi naman ako gwapo tulad ng sinasabi nya. konting kwentuhan habang nag lalakad sa ulanan. di ko nagawang itanong ang pangalan nya. ng makarating sa kaininan. dito rin pala sya sa karinderya ni aling Dory kakain nagpasalamat sya at ng paalis na ko ay bigla nya kong tinawag.
"Mr.Pogi sabay ka na samin kumain. treat kita" napalingon ako sa narinig ko. nakangiting salubong ang nakita ko ng napatingin ako sa muka nya. di ko ako makatagal sa pag titig sa muka nya, para akong yelong nalulusaw, agad kong binaling ang tingin ko. ayokong tumangi sa dyosang nag alok sa akin pero naisip ko si Niel na baka nag Hihintay pa rin sa CEIT Building.
"Naku ms. ganda salamat sa pag-alok pero nag hihintay na ung kaibigan ko sa CEIT building. babalikan ko din kasi sya." nakangiting sabi ko sa dalaga.
"ah ganun ba, sige ingat ka salamat ulit sa pag hatid mo sakin dito." tumalikod syang nakangiti at hinanap ang mga kasama nya at nang natanaw ay agad na naupo sa tabi ng mga to. umalis ako na silong silong sa hindi kalakihang payong ko. binalikan ko si Niel at naglakad na din papunta sa kainan ni aling Dory. nang papasok na kami sa karinderya wala na don ang mga dilag. ang bilis naman nilang nakakain wala pang 30minutes.may kalakihan kasi ang campus at malayo din sa gate ang CEIT building kaya naman natagalan din kami sa pag lalakad ni Niel.
nang makatapos kumain ay dumaretso na kami papasok ng unibersidad at dumaretso sa ikalawang palapag ng CEIT building. Information technology ang kursong kinuha namin ni Niel kaya naman karamihan sa mga subject namin ay dito sa CEIT Building ang klase. natapos na ng huling klase na Tatlong oras na nakatitig sa Computer bagaman sanay na rin ako dahil isa akong RPG gamer. pinauwi na kami ng aming Instructor at agad na dumiretso pauwi. di ko na inantay si Niel sa paglabas sa kwarto dahil uwing uwi na ko at nakikipag kwentuhan pa sya sa mga kamag aral naming babae.
may pagkababaero si Roniel Go kaya naman ganun nalang ang lakas ng loob nya sa mga babae. gwapo si niel at half chinese kaya masasabi kong habulin sya. (to the reader: di ako bakla ha! baka isipin mo bakla ako)
Pagkauwi sa bahay.
alas sais na ng gabi ng ako ay makauwi. agad akong nag bihis at bumaba,2 storey ang bahay namin pero di naman malaki. sakto lang sa pamilya namin 4. hindi msasabing mahirap kami at hindi rin masasabing mayaman, pero sabihin na nating may kaya. haha. si dad ay nag tatrabaho sa isang Architectural company at may isa akong kapatid na lalaki rin. grade 5 at masasabi kong mama's boy ang kapatid kong iyon dahil maluho.
ng aktong lalabas na ng pintuan ay sinigawan ako ng aking Nanay.
"Hoy Hansel san ka nanaman pupuntang bata ka. kakauwi mo lang at aalis ka na agad." pasinghal na sabi ng aking ina. sa takot na baka pagbawalan pa kong umalis ay tumakbo ako palabas ng gate.
nakarating ako sa computer shop ni Kuya Ed at agad naupo sa madalas kong upuan. ang PC 3 dahil dito ako comportable. tinanong ako ni kuya Ed kung ilang oras.
"Hans, ilang oras ka?, pasigaw na tanong ni kuya Ed dahil mejo maingay sa loob ng comshop.
"Apat na oras kuya Ed." agad naman nyang inorasan ang pc 3.
mejo nakakangalay na maglaro ilang oras na din kasi akong nag lalaro, kundi lang talaga dahil dito sa kalaro kong babae na nakilala ko. hindi ako sigurado na babae nga siya pero sa mga chat's nya in game ay may pagka babae nga. Haruka ang name nya sa game. pero nagpakilala sya sa ngalan na Joanne Socoro 17 years old tulad ko. hindi ko na nagawang itanong ang estado nya sa buhay at kung san sya nakatira. nalimutan ko na din hingin ang facebook nya dahil na rin sa pagkawili namin sa pag lalaro.