Chapter 2

44 2 0
                                    

 "2 minutes ka na lang , kung mag e-extend mag sabi sa server. salamat!" nabasa ko sa message box na sumulpot sa monitor ko. 

naku patay, hindi pa ko tapos mag pvp, masasayang experience . nakaka apat na oras na ko at 60 pesos lang ang dala ko. sapat na para bayaran ang apat na oras.

"kuya Ed pa extend po ako 30 minutes, tatapusin ko lang po itong pvp masasayang kasi experience",

nag kwentuhan kami in game nang sumulpot nanaman sa monitor ko ang makulit na message box na dalawang minuto na lang ang  nalalabi sa oras ko. agad akong nagpaalam sa kalaro kong babae at masyado na din gumagabi, alas-diyes imedya na ng gabi ng matapos ako mag laro, may pasok pa ko bukas ng alas otso ng umaga.

"sige Joanne 2 minutes na lng ako, laro na lang bukas mga 5pm after school sana online ka din para pvp ulit tayo kahit hindi ako manalo sayo. ang galing mo mag pvp, siguro lalaki ka. joke"

pabirong chat ko sa kanya na agad naman nyang sinagot ng "OK ^_^" , anak ng pating. ang haba ng chat ko tapos un lang sagot nya, ngunit parang pambawi na din ang smiley sa chat nya . napailing na lang ako at tumayo sa kinauupuan at naglakad papalapit sa server kay kuya Ed,

"kuya Ed utang muna 10pesos. kulang dala ko ehh balik ko nalang bukas pagbalik ko" . inabot ko ang 60pesos.

"Sige basta bayaran mo agad bukas, baka magalit si bossing", sagot na lang ni kuya Ed, ang tinutukoy niyang bossing ay ang dad nyang may ari ng computer shop. mabait naman ang papa nya, ang problema pag mainit ang ulo. kay kuya Ed binubunton ang init ng ulo. nag paalam na ako kay kuya Ed para umuwi. 

Payapa naman akong nakauwi sa bahay namin, pag pasok sa gate namin ay natanaw ko agad si Dad na nakatayo sa balconahe ng bahay namin sa ikalawang palapag at may iniinom na kung anu. nakita nya ko at sinabihang umakyat at samahan sya sa balkonahe. (siya nga pala si Anselmo Serano ang masipag kong ama)

agad akong pumasok sa bahay at ni-lock na ang pinto ng bahay, mabilis na nag lakad paakyat papuntang balkonahe. ng marating ko ang balkonahe, agad akong inakbayan ng aking masipag na ama.

"Hans, anak bakit gabi ka nanaman umuwi? at mukang di ka pa kumakain" kalmadong tanong ng aking ama na nakangiti lang.

"uhhm, dad jan lang sa comshop nila kuya Ed. nag computer lang po, mejo napasarap ng laro eh kaya po natagalan.bilan mo na kasi ako ng computer dad at pakabitan mo na din ng internet haha". nakangiting sagot ko sa aking ama

"pinag iipunan ko na yan anak, kaso syempre unahin ko muna ung pangangailangan dito sa bahay. saka na yang computer mo anak. may panahon para jan. at wag mag papalipas ng gutom. mahirap na." mahabang sagot ni dad.

"sige po dad ok lang naman haha. sakin lang magagamit ko din kasi pag may school papers na gagawin. " dad kain muna ako ah, gutom na ko eh"  tumalikod na ako at bumababa papuntang kusina at humanap ng makakain sa lamesa, kumuha muna ako ng pingan at kubyertos sa stante, nakita ko ang sinigang at sumandok ng kanin sa rice cooker.

matapos kumain ay dumaretso ako sa salas, nanuod muna ako ng telebisyon para pababain ang kinain ko. takot din kasi ako kumain ng busog. baka bangungutin ako. makalipas ang 30 minutos na panunuod ng telebisyon ay umakyat na ko sa kwarto ko. hindi ako dalawin ng antok, naiisip ko si Joanne na ka -PVP ko kanina sa nilalaro kong ragnarok. "anu kayang itsura niya? babae ba talaga sya?tanong ko sa sarili kong parang nagkakagusto. pinikit ko na lamang ang aking mata hanggang sa makatulog.

Kinabukasan

7:30 na ko nagising, "damn it! may CWTS nga pala ako ngayon. late na ko, siguradong bubweltahan nanaman ako ng instructor namin." pupungas pungas kong sabi sa sarili ko habang bumababa ng hagdan patungong banyo upang maligo. sa gitna ng aking paliligo, biglang may malakas na kumatok sa banyo.

The Game MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon