Chapter 3

23 2 0
                                    

mag aala-una na ng hapon

Naglalakad kaming tatlo nila Niel at Ember papunta sakayan, tinutulak tulak ko si Niel palayo dahil hindi sapat ang payong ko para sa aming tatlo. napapansin iyon ni Ember at kiming napapangiti. kasalukuyan naming binabagtas ang kalye papuntang sakayan ng may humarang sa aming limang kalalakihan. nakatingin kay Ember ang isa sa mga lalaki. hindi sila katangkaran pero masasabi kong may ipag-yayabang ang mga to dahil marami sila. 

"Ember, sa likod ka namin ni Niel. kakausapin namin ang mga ito ng mahinahon. " kalmado kong bulong. "Hansel, ex ko ung nakapula si Jed. ginugulo pa ko nyan hanggang ngayon." takot na sagot sakin ni Ember. "Sige kami na bahala ni Niel. basta jan ka lang sa likod namin" mejo kabado na ko sa sinasabi ko kay Ember.

tinanguan ko si Niel at agad nya namang nakuha ng pinupunto ko. at agad na lumapit sa mga lalaking humarang sa amin sa daanan.

"Mga pare anong atin? may maitutulong ba kami?" kalmadong tanong ni Niel sa mga lalaking humarang sa amin.

"wala naman pre. susunduin ko lang ung Girlfriend ko" sagot ng nakapulang lalaki. lumingon si Niel at tiningnan si Ember.

"Em, jowa mo to? patawang tanong ni Niel kay Ember. tila nag babadya ng gulo ang nakakaasar na tawa ni Niel.

"No! hindi na. matagal na kaming tapos 4th year highschool ko sya naging Boyfriend. pero nag break agad kami. kasi nga sobrang yabang nya." paliwanag na sagot ni Ember.

"Narinig mo un pre. tapos na pala kayo eh." pasinghal na sagot ni Niel. mukang Clas of the titans na ang mang yayari. bahala na ung ano kahinatnan.

nakakaamoy na ko ng gulo.  nakahawak sa braso ko si Ember. nanlalamig ang mga palad nya na halatang kinakabahan na sa anu mang pwedeng mangyari.

"pare, ayoko ng gulo kaya ibigay nyo na sakin ang girlfriend ko." PAsinghal ding sagot ng nakapulang hudlum.

"isinusuka ka na ng EX mo pre. ikaw na mismo nakarinig diba. wala na kayo. at isa pa, ayaw nyo pala ng gulo e, so pwede na kayong umalis" paangil na sabi ni Niel. mukang di na maiiwasan ang gulo. bahala na si batman.

"ABA! GAGO KANG P$^7#$&INA KA!" sabay sapok sa kaibigan ko. nagulat si Ember sa bilis ng pang yayari at nag sisigaw ng "Tulong ! TULONG!"mangiyak ngiyak si Ember habang sinasambit ang mga salitang iyon .nakailag naman si Niel at binuweltahan ng sapok ang lalaki. nakigulo na din ako dahil hindi ko pwedeng iwan si Niel. bugbog sapok tadyak ang inabot namin. pero ganun din naman sila. napapasubsob na kami ni Niel. madami sila kaya di namin kayang buweltahan lahat ng sabay sabay ng may dalawang lalaking patakbong lumapit sa amin at nakisali sa away namin.

"HOY! hindi patas yan." singhal ng isang lalaki na may kalaparan ang katawan. 

hinubad nito ang kanyang dalang envelope at agad nyang tinadyakan ang isang lalaking kanina pa sumasapak sa likod ko, at saka binalingan ang lalaking naka pula na akmang tatayo.

ngunit na-trydor na nasapok ang batok niya dahilan para mapaluhod siya. rumesbak naman ang kasama nitong Matangkad na lalaki. agad syang humarap sa lalaking sumapok sa kasama nya at tinadyakan paharap,

naka bawi kami ni Niel ng tayo at saka binuweltahan isa isa ang mga kaaway. apat laban sa lima na ang laban mejo patas na kesa kaninang kaya lumaban parin kami ni Niel kahit bugbog tadyak na ang inabot namin. tumakbo isa isa ang mga kasama ng nakapulang lalaki, samantalang siya ay hirap na tumatayo bunga ng pagkakasapok sa pigi ng mgadi kilalang lalaki na tumulong samin. muli tinadyakan nilang dalwa ito sa tagiliran at pagapang na tumayo saka iika-ikang tumakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon