Chapter Four :

47 2 2
                                    

NAGTAKA pa si Sally nang pauwi na siya dahil sumabay 

sa kanya sa paglalakad si Tommy .

Hindi niya ito pinansin . Mas binilisan niya pa nga 

ang paglalakad . Ang kaso'y nakakasabay pa rin sa kanya  

ang binata .

'' Sally -''

'' O , bakit ?''

'' Puwede ba akong makisabay sa iyo ? ''

'' Nakikisabay ka na nga e ngayon ka lang nagpaalam ?

Saka hindi naman sa akin ' tong kalsada ,'' panonopla niya kay Tommy .

---

Kapitbahay nila ito at manliligaw niya . Matagal niya nang

kilala si Tommy . Mula pa noong ampunun siya ng Mama Julie niya .

Kaya alam niyang mabait ito . Pero hindi niya maintindihan ang sarili 

kung bakit inis na inis siya kay Tommy .

'' Gusto ko lang maging safe ka hanggang sa makauwi ka sainyo .''

Narinig niyang sabi ni Tommy sa kanya .

Maang siyang napatingin kay Tommy .

'' Ihahatid mo ako sa amin ?'' 

'' Oo sana .''

---

Napailing si . Ibang klase . Ngayon lang yata nagkaroon ng

lakas ng loob ang Tommy na ito lapitan siya kausapin at ihatid pa ?

Dati kasi ay kuntento na ito tinitingnan man lang . Samantalang 

si Tommy ay nagkukuwento sa kanya .

'' Puwede ba akong dumalaw sa inyo bukas ng gabi , Sally ?''

Gulat siyang napatingin kay Tommy .

'' Anong sinabi mo ?'' 

Kung puwede ba akong dumalaw sa inyo ?''

---

'' Bakit ka dadalaw sa amin ? Wala namang may sakit sa  

bahay namin , ah .''

'' Aakyat ako ng ligaw sa iyo .'' 

'' Ang lakas naman ng loob mo .'' 

'' Nag-ipon talaga ako ng lakas ng loob para makalapit sa iyo

at masabi ko ang gusto kong sabihin , Sally . Kaya sana'y pumayag ka .'' 

'' Hindi ,'' mabilis niyang sagot . '' Hindi , hindi , hindi ...!'' 

HINDI niya gusto si Tommy dahil nabihag na ng isang binatang 

dayo rito sa kanila ang kanyang puso . Si Clark 

Pero hindi naman talaga dayo si Clark . Dito nagmula ang 

♥My Guardian DEMON ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon