Chapter Five:

48 2 0
                                    

PAGGISING ni Julie kinabukasan ay naisip niya ang nanayari  

sa kanya nang nagdaang gabi .

Nagpakita ang diyablo sa kanya .

Alam niya kung bakit . Dahil kay Sally 

Tama ang tunay na ina ni Sally . May guardian demon si Sally  

Natuklasan niya ito nang teenager na ang ampon niya . 

Hindi nakikipaglaro sa ibang bata si Sally noong nasa  

orphanage pa ito . Maging nang iuwi niya na rito sa San Nicholas  

ang ampon ay lagi lang itong naglalarong mag-isa . 

Kapag tinutukso ito ng mga bata ay nananakit ito . Hindi lang 

basta kaunting pananakit . Kung ilang araw na nilalagnat

ng mataas ang batang nakaaway nito . 

---

Iyong isang kapitbahay nila ay nagkaroon pa ng maraming pa ng maraming

bukol sa buong katawan . Iyong isa naman ay dumudugo ang mata ,  

ang ilong , ang tenga at ang dulo ng mga daliri . 

Iyon yata ang pinaka-grabe dahil mahigit isang buwan na-confine 

sa ospital ang bata at hindi maipaliwanag ng mga doctor ang

naging sanhi ng sakit nito o kung anong klaseng sakit ang dumapo 

rito . Sa sobrang takot nga ng pamilya nito ay nilinisan na ng mga ito ang

San Nicholas . 

Maging nang mag-tinedyer na si Sally ay ganoon pa rin ito . 

Laging nag-iisa . Ayaw makihalubiho sa mga kaedad  nito . Lagi rin 

itong nakikipag-away kapag natutukso ito . Kaya ang nagiging resulta

nakakapanakit ito ng ibang tao . 

---

Madalas ay naririnig ni Julie na nagsasalita si Sally sa loob ng 

kuwarto nito samantalang alam niyang mag-isa lang ito roon .

Pagkatapos ay naririnig niya ang isang malaking boses na tila 

nagmumula sa loob ng silid ng ampon niya . 

Malakas ang kutob niyang demonyo iyong naririnig niya .

Ito ang nakabantay kay Sally simula noong baby pa lang ito .

Iyon ang demonyong nakita ng tunay na ina ni Sally noon .

---

 Hindi si Sally ang nanakit sa mga nakakagalit nito kundi

ang demonyong kasa-kasama ng ampon niya .

Kapag nasa loob ng bahay ay napapansin niyang hindi 

lumapit sa altar si Sally . Hindi ito sumasama sa kanya para

magdasal tuwing alas sais ng gabi at hindi rin ito sumasama 

♥My Guardian DEMON ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon