Chapter Seven :

33 2 1
                                    

PAGKATAPOS mag-dinner ni Sally ay naghugas siya ng pinagkainan niya at pumanhik na sa kanyang kuwarto.

Nagpahinga lang siya sandali sa panonood ng music video sa kanyang laptop computer bago siya nag-shower .

Pabalik na sana siya sa kanyang kuwarto nang makarinig siya ng kaluskos mula sa labas ng bahay.

Nagtaka siya. Lumapit siya sa kinaroroonan ng pinto pero wala siyang intensiyon na buksan iyon kahit pa nga may kumatok.

Mahirap na .Baka mamaya'y magnanakaw pala e'di nakapasok pa?

Ang dami pa namang masasamang loob ngayon.

Nakinig siya mula sa loob. Inilapit niya pa ang teynga sa pinakadahon ng pinto.

Narinig niyang parang may dumadaing.

Parang boses ng isang batang babae. Napakunot ang noo niya.

Ipinasya ni Sally na sumilip sa bintana. Tutal ay may bakal na harang naman iyon at may screen pa. Kaya hindi siya mahahablot sa loob kung sakaling masamang-loob nga ang naririnig niya sa labas.

Nagtaka siyang lalo nang makita niya sa labas ang isang batang babae na nakahandusay sa semento.

Ano iyonPulubi ba ang bata? O, stowaway kaya dito naisipang matulog.

Naisipan niyang kawawa naman iyong bata. Nasaan kaya ang mga magulang nito.

Nakakapanginig ng laman ang mga magulang na pabaya sa kanilang mga anak. Aanak-anak iyon naman pala eh hindi kayang alagaan at hindi kayang palakihin nang maayos.

♥My Guardian DEMON ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon