Three Wishes

75 2 0
                                    

Anna's POV

"Okay Guys! Let's have a seatwork Get one fourth sheet of paper"

'Ano ba yan'

'Kainis naman oh'

'Ma'am naman akala ba namin free time'

'Penge one fourth'

Yan ang maririnig sa classroom ngayon Haaaay. Bagot na bagot na ako dito

"Okay Class Simple lang naman to If you were given Three Wishes What would it be?"

*KRRRIIIIIIIINNNNGGGG*

"Okay Class Ipapass niyo yan sa susunod na araw Okay? Class Dismissed!"

"Anna!" lumingon ako sa tumawag sa akin

"Oh Ikaw pala Kai" nginitian niya ako para akong matutunaw kinikilig ako!

"May kasabay ka maglunch?" Parang gusto kong magsaya Aayain niya kaya ako?

"Ahm. Wala Bakit?"

"Wala naman Sige Una na ako" <||||3 Sawi ang sakit Haaaay. Anna hanggang kailan ka ba aasa? Nagsimula na akong maglakad palabas ng classroom

"Oh Anna para kang nalugi sa mukha mo ah"

"Ha?"

"Hahahaha! Oo nga guys tingnan niyo si Anna oh" Haaay. Dumating na sila ang tropa ko

"Tumigil nga kayo diyan kita niyong nagddrama ako eh"

"Eh ano ba ang dinadrama mo diyan ha Anna?"

"Hay. Wala! Tara na nga uwi na tayo"

"Okay Sabi mo eh" naglakad na kami palabas ng gate

"Oh sige guys ah hiwalay na ako"

"Sige Bye Anna!" Naglakad na ako pauwi ng may sumabay sa akin

"Hi" sabi niya habang nakangiti tiningnan ko siya Naku! Itong lalaking to Bakit mahilig ngumiti baka mainlove ako lalo!

"Hello"

"Bakit wala kang kasama umuwi?"

"Ah Mas prefer ko kasing mag-isa"

"Halata" at narinig ko siyang tumawa

"Gusto mo dumaan muna tayong Ice Cream Shop? Parang gusto ko kasi ng Ice Cream eh" Gusto ko ng mahimatay sa kilig! Aba aayaw pa ba ako? Opportunity ko na to Grab lang ng Grab!

"Ah. Sige"

"Halika dali!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako Di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon

Totoo ba ito kasi kung panaginip to ayaw ko ng gumising

"Uy!" Kinaway kaway niya pa ang kamay niya sa mukha ko habang tatawa tawa pa siya

"Ah! Bakit?"

"Kanina ka pa tulala diyan Pasok na tayo" di na ako nagsalita at sinundan nalang siya Pumunta kami sa cashier

"Yes Sir What's your order?" Todo pacute yung babae nakakairita!

"2 Rocky Roads please"

"Would that be all Sir?"

"Yes"

"70 po lahat sir" nagabot naman ng bayad si Kai at nakuha namin yung inorder namin. Naghanap narin kami ng mauupuan

"So tell me may boyfriend ka na ba Ana?"

"Ah Wala pa"

"Oh? Sa ganda mong yan?"

"Unluckily di ako gusto ng taong gusto ko"

"Ah That's sad but Don't worry maybe that's meant to happen because you're destined to someone else" pero ikaw ang gusto ko Kai gusto ko sanang sabihin yun kaso di ko magawa

Nagkwentuhan lang kami at hindi na namin namalayan ang oras magna 9 na pala

"Anna It's getting late maybe you should head home" Ay akala ko ihahatid niya ako :(

"Sige Thanks for the day Kai"

"No biggie" then he smiled nakakatunaw grabe!

Then I headed home Naalala ko yung assignment namin Naglabas ako ng one fourth

Three Wishes?

First Wish: I wish that my grades would be fine and stable.

Second Wish: I wish to excel more in sports and academics

And Lastly,

Third Wish: I hope that Kai likes me too

Pagkatapos ko gawin yun ay natulog na ako

The Next Day,

Lahat ay maayos naman except sa isang bagay nawala homework ko! Patay! Pag may nakabasa noon mamamatay na ako Nandito ako ngayon sa classroom nakatulog kasi ako kanina at nakaipit yun sa notebook ko pero pag gising ko wlaa na!

"Nasan na ba kasi yun?"

"Ito ba hinahanap mo?" hinarap ko ang lalaking may hawak na papel

"AHH! Bakit na sa iyo yan?!" nilapitan ko siya at pilit inaagaw ang papel

"Hahahaha! Chill ka lang nabasa ko na yan"

"HA?! ARGHH! Nakakahiya" napaupo ako at tinakpan ko ang mata ko at umiyak

"Oh bakit ka umiiyak diyan?"

"Eh kasi nabasa mo na"

"Oh bakit ka nga naiyak?"

"Di mo kasi ako gusto"

"At sino nagsabi niyan sayo?" inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakangiti

"Ibig mo bang sabihin--"

"Oo" pinat niya ang ulo ka habang tumatawa Natahimik kami ng konti ng basagin niya ang yelo

"So Liligawan na kita from now on Okay?" ngiti nalang ang sinagot ko sa kanya

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hi Guys! So napagdesisyunan ko gumawa ng Collections Originally hindi ito yung dapat panimula nito pero kasi nawala yun eh :( Nakakainis! Pero Sana Maenjoy niyo to basahin Sorry kung Cliche promise gagandahan ko yung iba nanghihinayang kasi talaga ako sa one shot na nawala eh :(

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon